Chapter 11

30 13 9
                                    

Chapter 11

SPG

Nakangiti si gaga! Bagong buhay kayo mga boi. HAHAA eme lang 'to di ako marunong mag sulat no'n.

⚠️Trigger Warning | Suicide ⚠️

Iyan's POV

"Hoy! Tulala ka," napabalik ako sa reyalidad nang biglang pumalakpak si Shan sa harap mismo ng mukha ko.

Tarantado rin 'to eh!

"May iniisip lang," tipid na saad ko at lumayo sakanya, mahirap na at baka masapak ko pa siya.

"Si Hale?" at talagang naturingan hayop siya at sinundan parin ako.

Si shan palang ang nakakaalam ng kasal namin ni Hale.

"Tigilan mo nga ako, Shan!" singhal ko sakaniya, para kaming mag shota ditong nag aaway.

Inakbayan niya lang ako, "Tsk Tsk. Pusta ko teddy bear ng kapatid ko, si Hale 'yang iniisip mo." pag pupumilit pa niya, dahil pinanganak naman siyang mapilit.

Bakit ko ba iiisipin si Hale?

"Gago!" ayaw na ayaw ko nang inuumpisahan ako lalo na ngayong masama ang timpla ng araw ko.

"Seryoso mo naman, dre!" tumawa siya kaya hinawi ko ang pag kakaakbay niya sakin.

"Sa halip na inisin mo 'ko, ayusin niyo muna yang relasyon niyo ni Callisha," Inis na sabi ko, nakita ko naman ang gulat sa mga mata niya kaya napangisi ako. "Akala mo hindi ko alam 'no?" tanong ko. Wala naman akong karapatan na alamin pa 'yon at wala rin akong balak mangialam. Problema nilang dalawa 'yon, sila rin ang dapat umayos no'n. Pero dahil sa kadaldalan ni Zyreen ay nalaman ko ng hindi sinasadya.

Hindi rin naman nag sasabi saakin si Shan ng problema niya, lalo na pag dating kay Callisha.

"Wala na kaming aayusin," mahinang sabi niya kaya taka ko siyang nilingon.

"What do you mean?" tanong ko, kahit sa isip ko ay alam ko na ang sagot, gusto ko lang makasigurado.

"Nakipag break na eh," tumawa siya pero sa kabilang ng tawa niya ay kita ko ang sakit na gumuhit sa mga mata niya.

Sigurado akong may malalim na dahilan naman si Callisha kaya niya tinigil ang relasyon nila.

Tumingin ako kay Shan. Ramdam ko naman na naguguluhan pa rin siya hanggang ngayon.

Nasaktan niya si Callisha, at alam kong nasasaktan din siya.

"Sorry." saad ko, aaminin kong naging insesitive ako. Hindi ko gusto ang mga gano'ng klaseng tao. Pero minsan ay hindi ko maiwasang maging ganon.

"Okay lang," ngumiti siya na mas lalo ko namang kinainis, nakuha niya pang ngumiti?

"Mahal mo pa ba?" I asked, kahit alam ko namang mahal niya.

"Sobra." tipid na saad niya, kahit isang salita lang ay siguradong mag wawala sa kilig si Callisha kung sakaling maririnug man niya.

"Tara do'n." hinila ko siya papunta sa rooftop, do'n ako madalas tumambay kapag wala akong kasama. Nang makarating kami ay pareho naming ipinatong ang braso namin sa railings, kahit baba lamang ang kita at ang harap ng university ay magandang tumambay dito lalo na at malakas ang hangin. Tumingin ako sa ibaba at ang tumatakbong si Hale at Soji ang umagaw ng atensyon ko.

"Si Hale yo'n, dre." tinuro pa ni Shan kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Si Hale ay nakangiti habang hila hila si Soji na mukhang nag rereklamo pa, nang makarating sila sa may gate ay dahan dahan silang tumigil at nang lahad ng phone si Hale matapos silang mag usap. Si Soji ay halatang natataranta habang si Hale naman ay tumatawa. Saglit pa ay parang may kinakausap si Soji sa telepono. Ang mukha niya ay halatang stress na stress na kaya napatawa nalang kami ni Shan.

Our Hearts Desires (Under Revision)Where stories live. Discover now