Chapter 10

53 13 6
                                    

"Good Evening," nakangiting bati saakin ng mga magulang ni Iyan.

Wala ako sa mood ngumiti pabalik, pero kailangan ko gumalang. Mukhang mabait naman ang parents niya.

"Good Evening po," nginitiian ko lang sila ng tipid dahil ramdam ko ang matalim na tingin ng ama ko.

Tumatagos na sakin ang tingin niya habang si mommy naman ay animoy nag papanggap na anghel na siyang naka akbay pa saakin na para banag napakabuti niyang Ina at kahit kailan ay hindi ako pinag buhatan ng kamay. Si Nayumie naman ay tahimik lang na pinag mamasdan si Ztian, nakikita ko sa mata niya na hindi niya gusto ang lalaki. Si Kuya lang ang wala, tumawag din siya saakin kanina na hindi raw siya makakauwi ngayon.

"So, lets eat?" aya ni mommy sa mga bisita, nakangiti siya ngayon. Ang mga maids naman ay ginaya sila sa dinning area. Sumulyap ako kay manang Soledad nang maramdaman ko siyang nakatingin saakin.

"Umayos ka, Hale." bulong ng santo kong ama, hindi ko na siya pinansin dirediretso akong nag lakad kung asaan sila Iyan ngayon at walang reaksyong umupo sa harap nila, ramdam ko naman na sumunod saakin yung tatlo.

"So, you are Hale?" nakangiting tanong ng mommy ni Iyan, sa 'kin siya nakatingin.

"Yes, she is. Ang nag iisang babaeng anak namin," Bago pa ako makasagot ay si Mommy na ang sumagot. Napatingin ako sakaniya bago tumingin kay Jirah na mukhang masama ang timpla. Kanina pa siyang ganiyan.

Ano bang problema niya?

Kanina ko pa rin napapansin na masama ang tingin niya kay Iyan. Na para bang hindi niya gustong nandito ang lalaki ngayon.

"Wow, she's beautiful. May I know kung saan ka nag aaral?" mahinhin na tanong ni Tita Zanaya. Iyan's mother.

"Mom, she's my schoolmate. Actually, she is one of my friend. She's a member of our circle." mukhang labag pa sa loob na sabat ni Iyan. Napatingin ako sakaniya. Hindi naman kami friends. Bilang lang sa daliri ko kung ilang beses kami nag usap. Kahit noong andito pa si Eris.

"Really?" hindi makapaniwalang tanong ni Tita Zanaya. Nakangiti siya saamin ni Iyan ngayon. Tipid na ngumiti naman si Tito Zean. His father.

Habang si Mommy at Daddy naman ay halatang gulat. Si Jirah ay kumakain lang. Alam kong alam niya na kasama sa circle namin si Ztian. Minsan na niyang makita itong kasama namin noon.

"Small world, huh." si Mommy. Nakangiti na siya ngayon.

"This is nice. Mukhang hindi naman na namin kailangan na pag lapitin kayo lalo na't mag kaibigan pala kayo at same school pa." excited na sabi ni Tita Zanaya. Hindi matatanggi na mabait siya. Halata yun sa awra niya.

Simple lang manamit, pero mahalata mo sa tindig na marangya. Ganun din ang asawa niya. Kahit medyo may edad na ay makikita ang magandang itsura nila. Sa pag kakaalam ko ay si Tita Zean ay may lahi ring espanyol. Pinsan siya ng daddy ni Callisha.

Nginitian ko lang si Tita Zanaya, wala akong masabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nabibigla ako sa mga nangyayari. Masyadong mabilis.

"Kailan ang kasal?" Si Daddy, muntik na akong mabilaukan. Napatingin naman silang lahat saakin maliban kay Jirah.

"I'm sorry." hindi ko ng tawad bago uminom ng tubig. Gustong gusto ko nang umalis dito. Naiilang ako sa totoo lang.

Hindi ko naman ginusto 'to.

Tumikhim si Tita Zean. "Siguro ay pag nakatapos sila ng college. Mas maganda kung ikakasal sila pag katapos na nilang mag aral. Malapit na rin naman." ngiti niya. Sumangayon naman silang lahat.

Napag kasunduan na pag katapos ni graduation gaganapin ang kasal.

Habang nag uusap sila at nag plaplano tungkol sa kasal ay sumulyap ako kay Ztian na tahimik lang nakikinig sakanila.

Our Hearts Desires (Under Revision)Where stories live. Discover now