Chapter 1

70 18 4
                                    

[REVISED]

Hale Trixie Arwen

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Hale Trixie Arwen

"Punyetang buhay talaga!" hinaing ng kaibigan kong si Soji. Lahat nalang talaga prinoproblema niya. Pati break-up ng iba iisipin niya pa.

"Hayaan mo na nga, Soji! Makakahanap naman si Zack ng babaeng mamahalin talaga siya ng totoo." sambit naman ni Callisha sa tabi habang kumakain ng fishball. Bigla silang natahimik kaya tumingin ako sakanila.

Nagulat ako sa katahimikan nila at mas lalo akong nagulat ng pag lingon ko sakanila ay pareho silang nakatingin saakin, nakangisi naman si Soji na parang may kung anong kalokohan ang nag lalaro sa isip niya.

Tinitingin tingin niyo?

"Oh? Bakit sakin kayo nakatingin?" kunot noung tanong ko. Naiilang ako sa mga tinginan nila. Alam ko kung anong ibigsabihin ng tingin nilang iyon, hindi ko yun gusto.

"Chance mo na, Hale. It's your time to shine, bff!" tawa ni Soji. Inismidan ko sila at sinara ang librong kanina ko pang binabasa ng makumpirma ko kung anong nasa isip nila.

"Hay! Tigilan niyo na nga si Hale. Kabrebreak lang ni Brian at Zack no! Baka gamitin lang ni Zack yan para makalimot mahirap na. Kung mangyari yun ay huwag kayong aasang mag kakasama pa kaming tatlo dahil itatakwil ko talaag siya. " Singit naman ni Zyreen na nakatingin din saakin. Alam ko na kaya talagang gawin ni Zy yun. Naala ko yung araw na nalaman niya na may gusto ako kay Zack, ilang araw niya akong hindi kinausap.

Gumawa kase kaming tatlo ng rules noon sa pag kakaibigan namin, at isa sa rules na yun na walang mag kakagustuhan sa isa't isa.

Sa aming circle of friends ay may sarisarili ding mag kakaibigan. Gets niyo? I mean halambawa kami ni Zy at Zack, kami yung pinaka mag kakaclose, kilala rin kami dito sa school bilang pinaka sikat na Trio. Si Callisha at Soji. Si Ztian at Shan. At yung iba ay meron din.

Maya maya pa ay nag paalam na kami dun sa dalawa dahil dadalawin namin si Zack sa bahay nila. Kase hindi siya pumasok. Siguro ay ganun parin siya ka apektado sa pag hihiwalayan nila ni Brian. Naiintindihan ko naman alam kong mahirap para sakaniya iyon lalo na at alam ko na mahal na mahal niya si Brian.

***

"Mauna ka na kase!" tulak ko kay Zyreen, narito kami ngayon sa tapat ng bahay nila Zack nag tatalo kung sino ang unang papasok.

"Ikaw na muna." higit niya saakin

"Ikaw na! Ikaw nag aya diba? Panindigan mo yang desisyon mo" mahinang asik ko sasagot pa sana si Zy pero biglang bumukas ang pinto. Sabay pa kaming napaayos ng tayo dahil sa gulat. Bumungad saamin ang nakangiting nanay ni Zack.

"Hale? Zy? Pasok kayo." aya ni tita Zen saamin,nag tulakan pa kami ni Zy kung sino ang unang papasok pero ang ending ako ang nauna.

"Mag miryenda muna kayong dalawa jan. Tatawagin ko lang si Zack sa taas" nakangiting sabi ni Tita habang binibigyan kami ng Turon at Juice bago umakyat sa hagdanan.

Our Hearts Desires (Under Revision)Where stories live. Discover now