Chapter 3

42 15 2
                                    

"Nakita mo si Clyde?" Tanong ni Shan sa katabi kong si Soji na kanina pang parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Bakit saakin mo tinatanong? Pakialam ko naman sa hayop na 'yon?" sinagot niya ng tanong din si Shan. Kakaiba talaga ang isang 'to.

"Wow! Parang hindi mo naging crush si Clyde noon, ah?" nakangising aso si Shan ngayon habang si Soji ay masama na ang tingin sakaniya. Ramdam ko na kunti nalang ay mananapak na ang isang to.

"Bibigwasan na kita! Patahimikin mo nga yang madaldal mong dila at baka pag hindi ako nakapag timpi ay maputol ko pa!" puno ng sama ng loob na sabi naman ni Soji. Napangiti ako sa bangayan nila. Tawa naman ng tawa si Shan habang inaasar si Soji. Nakangiti akong napalingon kay Callisha na ngayon ay nakatingin na kay Shan. LQ siguro.

Lumapit ako sakaniya at bumeso. Nagulat naman siya sa pag dating ko kaya nawala ang atensyon niya sa boyfriend niyang malakas ang sapak.

"Hale." muli siyang yumakap saakin. Nginutian ko siya at inayang maupo sa upuan.

"May nangyari ba?" tanong ko. Natigilan si Calli  sa tanong ko. Alam kong alam niya kung ano at sino ang tinutukoy ko.

"Wala naman. Siguro ay pareho lang mainit ang ulo namin kagabi." ngiti niya pero halatang pilit. May kinuha siya sa bag niya at agad na inilahad saaking ang maliit na paper bag ng sephora.

Ngumiti saakin si Calli. "Galing kay Ate. Kauuwi niya lang galing Dubai." aniya at ipinakita pa saakin ang dala niyang ibang paper bags na maliliit na pasalubong ng ate niya saaming mag kakaibigan.

Ilang taon ko na na hindi nakikita ang ate niya. Siguro senior high pa ako ng last na makita ko siya. Paniguradong lalo siyang gumanda ngayon. Nag paalam sakin si Calli na ibibigay niya lang ang mga iyon sa mga kaibigan namin kaya tumango ako.

Lumapit saakin si Hailey. Ngumiti ako at niyakap siya. Namiss ko siya halos isang buwan kaming hindi nag kita. "Happy Birthday and Happy New Years, Hailey!" Bati ko kay Lei. Bukod sa sasalubungin namin ang New year ay sasalubungin din namin ang Birthday niya mamaya. January 1, 2022.

"Thank you, Hansel. How are you naman?" Aniya at umupo sa tabi ko.

"I'm good." Nakangiting sagot ko. Ngumiti si Hailey pero alam ko na hindi siya naniwala sa sagot ko pero sinabayan nalang rin.

"That's good. Ah, by the way, pinag paalam kita sa mommy mo na dito ka muna matutulog for tonight. Overnight tayo. Dito rin silang lahat matutulog." nakangiting aniya. Ako naman ay nagulat habang nakatingin sakaniya.

"Pumayag si Mommy?" tanong ko, inosente naman siyang tumango. Nag tataka pa siya na nakatingin sakin.

"Bakit? May problema ba?" nag aalalang tanong ni Lei. Umiling lang ako at ngumiti sakaniya kaya napangiti nalang din siya. Tinawag siya ni Jervis kaya agad siyang nag paalam saakin. Napangiti ako habang pinag mamasdan ang dalawa.

Saksi kaming lahat sa love story ng dalawang iyan. Saaming mag kakaibigan sila yung pinaka solid na couple. Mag fifive years na sila.

Kagaya namin ni Zack, mag kaibigan lang din sila noon. Ang pag kakaiba lang ay pareho sila ng nararamdaman. Pareho nilang mahal at pinahahalagahan ang isa't isa. Frome being friends, they became lovers.

Mahal at pinahahalagahan din naman namin ni Zack ang isa't isa pero mag kaiba ang sitwayson naming dalawa ni Zack kay Hailey at Jervis. Mag kasintahan silang dalawa habang kami naman ni Zack ay mag kaibigan lang. Haggang doon nalamang iyon.

I smiled bitterly because of the thought. 

"Hale!" and speaking of the devil. Lumingon ako kay Zack at munting kumaway.

Our Hearts Desires (Under Revision)Where stories live. Discover now