LOST CHAPTER 10

17 7 0
                                    

LOST CHAPTER 10

MARGARETTE

ARCANE'S POINT OF VIEW

Kasalukuyang naka-upo ako ngayon sa buhangin malapit sa dagat. May mga ibong nagliliparan sa himpapawid, mga nagsasayawang puno at ang tunog ng alon ng dagat.

Naka-tingin ako ngayon sa papalubog na araw. Nakakatuwa lang pagmasdan, dahil kahit na mag-isa lang siya, ay kaya niya pa ring maging matatatag at kumislap ng kay ganda.

Nang lumobog na ang araw ay tumayo na ko. Napa-lingon ako sa aking likuran ng naramdaman kong may nakatingin sa akin.

Ngumiti sa aking ang matandang babae. Siguro ay na sa singkwenta na ang ang kaniyang edad.

"Magandang gabi, Iha." Bati niya sa akin ng maka-lapit na siya.

"Magandang gabi" bati ko pabalik.

Katulad ng mga nakaraang kong panaginip ay malabo rin ang kaniya mukha.

Mahaba ang kaniyang puting buhok. Kulubot ang kaniyang balat, naka-suot siya ng mahabang damit at chinelas.

"Ano ginagawa mo rito? Kanina ka pa nila hinahanap"

"Nagpapahangin lang ako rito at saka hayaan mo na lanh sila maghanap sa akin, Manang" pilit akong ngumit.

Napa-buntong hiniginga siya.

Hinawakan niya ako sa balikat. "Alam mo Iha, kung may problema ka, huwag mong kimkimin, magsabi ka da mga kaibigan mo o hindi kaya sa pamilya mo." Mahabang litanya ni Manang. "Kung hindi kayang sabihin sa kanila, ay ipag-dasal mo na lang." Ngumiti siya sa akin. "Ayan lang maipapayo ko sa iyo Iha, dahil nakikita ko sa iyong mga mata ay masyado ng mabigat ang iyong dinadalang problema. Kailangan mong maging matatag." Tinapik niya ang balikat ko at umalis na. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang 'yon pero msy naramdaman akong kaka-iba sa kaniya.

Napa-buntong hiniga na lang ako sa kawalan.

Tama nga si Manang. Kailangan kong maging matatag lalo na ngayon na, marami akong kinakaharap na problema.

Ilang hakbang na lang ay makaka-pasok na ako sa rest house kung saan ang mga kasama ko ng may bilang sumigaw sa likuran ko.

"Hoy! Tangina nandito ka lang pala!" Hinigingal na sabi ng lalaking mas matangkad pa sa akin ng na sa tapat ko na siya. Pinag-masdan ko siya ulo hanggang paa. Naka-sando lang siya at pang-basketball na short at naka-islnder chinelas. Basa ang kaniya ulo. Bagong ligo siguro 'tong lalaking 'to.

Kumunot ang noo ko. Bakit ganito na lang palagi. Kapag nanaginip ako. Walang mukha ang mga taong nakaka-salamuha ko. Nakakainis lang.

Sinuntok ko siya ng malakas sa braso.

"Aray!" Hinawakan niya ang brasong sinuntok ko. Sinamaan niya ako ng tingin. "Anong problema mo?!" Galit na maktol niya.

Nagkibit balikat ako. "Wala"

He tsked.

"Wala daw pero ang lakas ng suntok." Bulong niya.

Napangisi ako. "Bubulong ka na nga lang, rinig ko pa." Humalakhak ako ng malakas.

Nagbago ang kaniyang expresyon ng makita niya akong tumawa.

Anong mayroon sa mukha ko at magbago ang expresyon ng mukha niya?

Punitik ko lang kaniyang noo  ng napansin kong tulala na siya.

"Aray ko naman!" Hinawi niya ang kamay ko at hinimas niya ang noo niyang namumula.

"Anong problema mo?"

"Tulala ka kasi"

Hindi siya umimik.

Golden Waves of Miracle (Mystify Series #1) (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon