LOST CHAPTER 12
SICK
ARCANE'S POINT OF VIEW
Napahawak ako sa ulo aking ng bigla itong kumikirot.
Napabuntong hiningan ako't umupo sa upuang pinaka-malapit sa kanila. Isinandal ko ang aking likod sa sandalan. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinilot hilot ko ang aking sintido upang mabawasan ang kirot nito. Busy pa rin sila sa pinag-uusapan nila hanggang ngayon. Ano kayang pinag-uusapan nila? Masyado kasing seryoso ang mga mukha nila. Si Amara lang ang hindi kasali sa usapan dahil hindi niya pa masyadong na-uunawaan ang mga pinag-uusapan nila. Naka-upo lang siya kung saan siya naka-upo kanina ni hindi ko nga siya nakitang tumayo kanina simula nong nag-umpisang magsalita si Dean. Naka-tanaw lang siya sa kila mommy at daddy. Napakunot ang noo niya ng napansin niyang nawawala ako. Mabilis niyang inilibot ang kaniyang mga mata sa loob ng office upang mahanap ako. Magsasalita na dapat siya ng nakita niya akong naka-upo. Tumayo siya at patakbong lumapit sa akin. Pabaksak siyang umupo sa tabi ko.
"Nandito ka lang pala Ate Arcane
Akala ko umalis ka na." Napakamot siya ng ulo. "Okay ka lang ba ate Arcane? Namumula kasi 'yong pisngi mo." Hinawakan niya ang mag kabilang pisngi ko."Masakit ang ulo ko." Mahina kong saad.
She gasped. Nanlaki ang kaniyang mga mata.
Natataranta siyang tumayo. "Wait lang Ate Arcane. Sasabihin ko lang kay mommy." Bilin niya bago patakbong pumunta kay mommy.
Hindi na ako sumagot dahil gustong gusto ko ng matulog pero hindi na magawa, dahil nasa sa school ako ngayon. Ipinikit ko na ang mga mata ko.
May naramdaman akong presensya ng ibang tao at kumalabit sa akin, marahan na kalabit lang.
"Arcane, honey. Are you okay?" She said, softly.
Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy siya.
"Amara said that you are not feeling well."
I slightly open my eyes. I saw her sitting in front of me while Amara is standing beside her. They are both looking at me worriedly.
Kinapa niya ang leeg ko pero agad niya itong inalis na parabang napaso siya sa sobrang init ng leeg ko.
"Oh my god! Arcane ang init mo!" histerikal niyang saad.
Naagaw pansin ni mommy sila Dean dahil lahat sila ay agad na lumingon sa amin. Kitang kita ko kung paanong tumkbo papalapit sila daddy at Sky sa amin kahit na napakalapit namin sa isa't isa. Agad na umurong pataglid si Amara upang padaanin sila daddy at Sky.
Hinawakan ni daddy ang makabilang balikat ni mommy upang pakalmahin ito. "Brianna calm down, okay. tell me what happened."
"Ang init init ni Arcane, ang taas ng lagnat niya. Hindi ko alam ang gagawin ko." Nanginginig niya saad. "Hindi ko na alam ang gagawin ko." Ulit niya uli na may kasama ng paghikbi.
Si Sky naman ang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at marahang pinisil. "I thought you're okay now." He said in a low voice. "Sabi mo maayos na ang pakiramdam mo kanina. Kaya naging kampante na ako, kasi alam mo ba kanina na ang init init mo tapos nagulat ako nang makita kitang gising." Huminga siya ng malalim bago uli magpatuloy. "Akala ko iihi ka lang kaya sabi ko sa'yo na aantayin kita sa labas ng banyo dahil nga may sakit ka, pero nagulat ako nang narinig kong nabubuhos ka na ng tubig ibig sabihin ay naliligo ka na. Kaya wala na akong nagawa. Umalis ako dahil may kinuha lang ako sa kwarto ko. Pero pagbalik ko ay nagbibihis ka na para pumasok. Hindi ka dapat papasok ngayon araw pero naunahan mo ako. Hindi kita napigilan. Nang nasa banyo ka sasabihin ko sanang hindi ka papasok pero ayon nakita kitang nakasuot ng school uniform natin at sasaya mong tingnan at alam kong magmamatigas ka pa kapag sinabi kong hindi ka papasok. Kaya hinayaan na lang kita at isa pa maayos naman ang pakiramdam mo ng i-chineck ko kung hindi ka na mainit. "Mahabang kwento ni Sky.
![](https://img.wattpad.com/cover/262917849-288-k593397.jpg)
BINABASA MO ANG
Golden Waves of Miracle (Mystify Series #1) (Ongoing)
Teen FictionMYSTIFY SERIES #1 Sky is the eldest child of three siblings. The eldest grandchild in his family. He's a caring brother to his siblings. A great brother to be exact. His parents want him to have a girlfriend. But he refused to have one. Having a gir...