LOST CHAPTER 15

10 4 0
                                    

LOST CHAPTER 15

FRIEND REQUEST

ARCANE'S POINT OF VIEW

Naalin pungatan ako ng may maramdaman kong nagpupunas ng basang towel sa braso ko at sinundan naman ito ng tuyong towel. Agad kong iminulat ang mga mata ko. Nakita ko si mommy na naka-upo sa gilid ko at pinupunasan ako.

Ngumiti siya nang lumingon siya sa akin. Huminto siya sa pagpupunas at inilay ang mga towel sa batyang maliit na nakapatong sa gilid ng kama.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Na-aalalang tanong niya.

Humikab ako bago sumagot. "Maayos na po ang pakiramdam ko"

Tumango tango siya at kinuha ang batyang nakapatong sa lamesa. "Uhm... Ibaba ko lang 'to. Magpahinga ka lang d'yan. Daldalhan na lang kita ng pagkain." Saad niya bago umalis. Hindi niya isinara ang pinto. Hinayaan niya na lang itong naka-bukas. Tumayo ako at nagpasyang maghilamos muna. Pagkatapos kong maghilamoy ay napatingin ako sa salamin.

Napakunot ang noo ko ng hindi ko na nakita ang mga sugat ko sa mukha. "Ang bilis namang mawala ng mga sugat ko." Nagtatakang saad ko. Hinawan ko pa ang mga sugat ko kung saan nakapwesto.

Iniligpit ko muna ang pinaghigaan ko at kumuha ng isang libro sa study table. Bago ako umipo sa upuan sa may veranda na may lamesang kasama. Inilapag ko doon ang librong kinuha ko. Na-isipan ko kasing magpahangin kahit na nasa kwarto lang ako. May nakita ako sa labas na isang babaing nagdidilig ng mga halaman. Halatang halata sa mga ikinikilos niya na pagod na pagod siya. Nang matapos siya sa kaniyang ginagawa ay agad siya pumasok. Napa-ngiwi ako habang inililibot ang tingin sa hardin. Wala ng tao roon at mga bulaklak lang mga nakikita ko at iba pang halaman.

I looked at the Sky. Papalubog na rin ang araw. I wonder if, naka-uwi na si Sky?

"Anong oras na ba?" I asked myself.

Nag-umpisa na dapat akong magbasa, when I heard a knock on my door. Lumingon ako para makitang kung sinong kumatok.

It was Mommy smiling at me, while holding a tray na may naka-lagay na mga pagkain. Dumeretso siya sa verada kung nasaan ako at inilapag ang dala niya sa table. Umupo siya sa tapat ko.

"Kumain ka na" She said.

I just nodded my head. I was like a doll sitting on a chair playing with my owner.

"Ayaw mo bang kumain?" Nag-aalalang tanong niya. Hindi siya mapakali sa inuupuan niya. Nanginginig ang mga kamay niya.

Napansin niya din siguro na naginginig ang mga kamay niya kaya pinakalma niya muna ang sarili niya at kung bakit ako nagtatakang naka-tingin sa kaniya.

She nervous laughed. "Ano ba Arcane, Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala sa akin ha?"

Marahan akong tumango. "Sure po ba kayo?" Paninigurdo ko.

"Oo naman"

Palihim naman siyang bumuntong hininga.

May iba't ibang klase ng pagkain ang naka-latag ngayon sa lamesa. May pancake, cupcake, bread, and fruits. May palaman din. Ang drinks naman ay tubig at orange juice na hindi malamig, maligamgam lang.

Sumabay na ring kumain si mommy. Tahimik lang kaming kumain. Walang bumasag ng katahimikan sa pagitan namin. Maraming ata siyang in-isip tungkol sa trabaho niya o hindi kaya pagod lang siya? Nakakapagtaka lang dahil sa tuwing magkasama kami ay palagi niya akong kina-kausap. Ano kayang problema ni mommy?

Tumigin ako sa kaniya at naglakas loob akong basahin ang katahimikan sa pagitan namin. "Uhmm... mommy? Ano oras na po ba?"

"5 pm" Walang buhay niyang saad. She didn't even look at me. She's busying looking at her phone.

Golden Waves of Miracle (Mystify Series #1) (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon