LOST CHAPTER 21
UNCLE MATTHEW
ARCANE'S POINT OF VIEW
"Ate Arcane!" Patakbong sigaw ni Amara sa akin papasok sa salas. Bitbit niya ang backpack niya na wala na sa kaniyang balikat. Na sa sahig na ito at hinahatak niya na lamang.
Pagkarating niya sa akin ay niyakap niya ako ng napakahigpit kasabay ng pagbitaw niya sa bag na daladala niya. Na para bang ayaw niya na ako bitawan. Niyakap ko din siya ng mahigpit. Nakalipas ng ilang sandali ay kumalas kami sa pagkakayakap namin sa isa't isa. Sandali niyang nilingon si Sky at ibinalik agad sa akin ang panigin niya. Hindi niya ito pinansin dahil na sa akin na ang atensyon nito.
Inismiran naman siya ni Sky sa i-nasta nito.
"Bakit? Anong kailangan mo sa'kin?" I smiled.
"Na miss kita, Ate Arcane!" Umupo siya sa tabi ko.
Pinulot ni Sky ang bag ni Amara at ipinatong sa sofa na katabi ng ng bag niya.
I looked at her, confused. "Huh? Na sa i-isang bahay lang naman tayo."
"Oo nga, Ate Arcane. Nag-alala lang ako sa'yo noong nakaraang araw kasi hinimatay ka tapos si Kuya Sky, noong binuhat ka para ang bigat-bigat mo. Nahirapan siyang buhatin ka." Malungkot na sambit ni Amara.
I blinked a few times of what Amara said. Unti-unting prumoseso sa utak ko ang mga nangyari noong nakaraang araw. Nanlaki ang mga mata ko at tumingin kay Sky. Na para bang walang ka alam-alam sa sinabi ni Amara.
He shrugged his shoulders. "What?"
I rolled my eyes before I turn to Amara, smiling at me. "Kain na tayo?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Oo, Ate kain na tayo." Ani Amara. "Kuya, kain na tayo nagugutom na ako." Sabay himas niya ng tiyan.
Sabay sabay kaming tumungo sa kusina. Wala kaming taong na abutan sa kusina. Siguro ay marami silang ginagawa sa loob at labas ng mansion? Pero kaka-unti lang ang nasalubong naming katulong kanina. Hindi ko pa nakita si Manang Vena simula kaninang umaga. Pati na rin si Chara.
Sky na ang naprisintang kumuha ng makakain namin. Since parehas kaming gutom ni Amara. Inexpect kong kukuha siya ng kain. Tipikal na pagkain ba.
"Ano 'yan?" Sabay na tanong namin ni Amara. Nang mailapag ni Sky ang pagkaing inihanda niya sa aming dalawa ni Amara na may kasamang tatlong tinidor. Na nakakunoot ang noo. It looks like a piece of soil. Kumuha ako ng isang tinidor at kumuha ng kapirasong. Malambot ito at kulay brown.
"Pagkain" Pabalang na sagot ni Sky. Bumalik ulit siya kung saan siya ng galing. Pagkabalik niya dito sa mesa ay may bitbit na siyang pitsel at tatlong baso.
"Alam kong pagkain 'yan. Anong klaseng pagkain?"
Sabay silang bumuntong hininga ni Amara. "Tikman mo, Arcane. May bibig ka naman hindi ba?"
"Ako nga, Ate Arcane." Ibinigay ko sa kaniya ang tinidor na hawak ko.
Agad niya namang kinuha ito at kinain. Halo-halong expresyon ang nakikita ko sa mukha niya. "Is this a cake?" She asked her brother after she swallowed the cake that she ate.
"Yes , it is." Nagsalin siya ng malamig na tubig sa tatlong baso at ibinigay sa amin ang dalawa. Pinagmasdan ko ang basong na sa tapat ko. Agad na ininom ni Amara ang isang basong tubig. Pabagsak na inilapag niya ang baso sa lamesa. Na ikinalingon naming dalawa ni Sky sa kaniya. Patuloy lang sa pag-inom si Sky.
"Ang tamis ng cake." Commento ni Amara. "Sinong bumili?"
Nagkibitbalikat ako. "Hindi ko alam. Kakarating lang namin ni Sky." I roamed my eyes around the kitchen. I stopped when I saw an oven. "Binili ba? O ginawa?"
BINABASA MO ANG
Golden Waves of Miracle (Mystify Series #1) (Ongoing)
أدب المراهقينMYSTIFY SERIES #1 Sky is the eldest child of three siblings. The eldest grandchild in his family. He's a caring brother to his siblings. A great brother to be exact. His parents want him to have a girlfriend. But he refused to have one. Having a gir...