LOST CHAPTER 16
MUSE AND ESCORT
ARCANE'S POINT OF VIEW
Maaga akong pumasok sa school. Dahil ayokong makita ang pagmumukha ni Sky. Oo, tama ang narinig mo. Si Sky Timothy Vashnerr. Hindi ko alam kung kailan nagsimula o nag-umpisa ang nararamdaman kong pagkairita kay Sky. Basta naiirita ako sa kaniya. Kapag nakikita ko ang pagmumukha niya. Hindi ko din alam kung bakit ko ito nararamdaman ngayon. Hindi ko maipaliwanag kung anong nararandaman ko. Gusto ko na lang manapak ng tao kapag may nakasalubong ako.
Kagabi kasi, pagkatapos kong isigaw nang napakalakas ang mga salitang lumabas sa bibig ko ay nakita ko ang bag kong nakalagay sa study table. Sisigaw sigaw pa ko eh. Dinala na pala ni Sky iyong bag ko. Hindi man lang nagsabing 'Arcane dinala ko 'yong bag mo na sa study table ko nilagay'.
Para akong tangang mag-isa sa loob ng kwarto. Sigaw nang sigaw na parang baliw. Alam kong siguro akong narinig niya ang sinabi ko. Dahil masyadong malakas ang pagkakasabi ko non.
Sana siya lang ang nakarinig. Sana nga. Dahil kapag nalaman kong may ibang nakarinig. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakakahiya 'yon!
Anong oras na ako naka-tulog kagabi. Kaka-isip kung anong nangyari kahapon at mangyayari ngayon. Anong ginawa nila? May pumasok bang mga prof? Anong pinag-aralan nila? May pinagawa ba si Miss Nemenzo? Maraming mga katanungan ang pumapasok sa isipan ko. Pero mas nangingibabaw pa rin ang tungkol sa muse at escort. Ang sabi kasi ni Miss Nemenzo ay magkakaroon daw ng botohan sa room class officer ata 'yon. Ayokong maging muse ng klase namin dahil hindi ko naman alam kung anong ginagawa bilang isang muse. Kapag binoto nila ako bilang muse. A-angal ako, bahala sila dyan maghanap ng magiging muse nila. Kahit anong mangyari hinding hindi ako ang magiging muse ng klase. Ayoko. Tapos ang usapan.
Magtaka pa sila mommy kung bakit daw ang aga-aga kong pumasok. Nagdahilan na lang ako na. Late ako noong first day of school kaya ganon. Nakumbinsi ko naman si mommy kay ipinagmaneho niya ako papuntang school.
Kasalukuyang nasa park lot ako ngayon at kakarating ko lang at kasama ko si mommy dahil siya nga ang nagmaneho nang sasakyan kanina. Tanging sasakyan lang ni mommy ang nakaparada sa parking lot.
Ala-sais pa lang ng umaga. Papasikat palang ang araw. Wala pang mga istudyanteng pumapasok. Maliban sa akin.
Ina-antay kong lumabas si mommy sa sasakyan. Pina-una niya na akong lumabas dahil may hahanapin lang daw siya sa loob. Bitbit ko na rin ang backpack ko.
I heard the door of the car opened and closed. I turned to mommy. She smiled at me and wave her hand. "I found it!" Saad niya ng makalapit siya sa akin.
Hindi na siya katulad ng kahapon na bilasa. Siguro ay nasolusyonan na ang problemang mauroon si mommy. Ang saya saya na niya. Bumalik na ang natural niyang ugali.
Napatingin ako sa may jawal ni mommy. Anong hawak ni mommy? Malaking bag? "Ano po 'yan mommy?" Takang tanong ko.
Imibis na sumagot ay ibinigay niya sa akin ang malking bag na hawak niya. Hindi matangal ang mga ngiti niya sa labi.
Nagtataka pa rin akong tumingin sa kaniya nang tinanggap ko ang malaking bag.
Mabigat ang malaling bag na hawak ko. Ano kayang laman nito?
"Open it" She said out of excitement.
Sinunod ko ang utos ni mommy.
My eyes got wided.
Speechless.
Ilang segundo pa ako bago makapagsalita. "Ano po 'to?"
"Laptop"
BINABASA MO ANG
Golden Waves of Miracle (Mystify Series #1) (Ongoing)
Teen FictionMYSTIFY SERIES #1 Sky is the eldest child of three siblings. The eldest grandchild in his family. He's a caring brother to his siblings. A great brother to be exact. His parents want him to have a girlfriend. But he refused to have one. Having a gir...