Part 10: Ice Cream

308 15 2
                                    

ERIS' POV

"Miss San Beda 2018, una na ako ah. Are you sure okay ka naman dito nang walang kasama?" Pagpapaalam at pagmemake sure ni Karly kung okay lang ba talaga ako dito sa apartment na mag isa.

"Yes, I'll be fine. Babalik ka rin naman in 2 days diba? And, jusko wag mo na akong tawaging Miss San Beda 2018 baka pag iba yung nakarinig isipin na masyado ko kinacareer HAHAHA." I replied.

"Dapat lang talaga na careerin mo na yan kasi pinaghirapan mo yan ng sobra. Congratulations ulit! Pahug nga grabe nakakaproud." Karly said and initiated a hug between us. Sobrang nakakataba ng puso na I made all my friends and myself proud, hay.

Karly went out of our apartment nang marinig na niya yung sundo niya, si Law. Uuwi kasi muna siya sa bahay nung pinsan niya dito sa manila kasi dun daw dadalaw yung parents niya bukas.

So I'm here left all alone kaya nagsimula nanaman ang pagooverthink ko sa mga bagay bagay.

I'm still in full shock that I admitted to myself that I like Adi kanina after ng pageant. Yes, matalino, maalaga, game sa lahat, masipag, family oriented, at lahat na nang magagandang bagay nasa kanya. Pero, she's my friend. She sees me as a friend. Sa ginagawa kong 'to baka masaktan lang kami pareho at mawala pa yung friendship na nabuo namin these past few months.

I don't want to lose Adi pero sobrang gusto ko rin na ipakita sa kanya na gustong gusto ko siya. Hay Lord, help me decide.

Siguro wag ko nalang muna siya masyadong pansinin? Like hindi naman iiwasan totally pero less pagka clingy lang kasi ngayon may iba nang meaning sakin?

Or? Wag ko nalang siyang iwasan kasi baka eventually mawala rin 'tong pagkakagusto ko sa kanya?

Basta bahala na. Ang mahalaga final na yung desisyon ko na unti unti ko nang tatanggalin yung feelings ko sa kanya. Para rin naman 'to samin.

Basta Adi, wag ka nalang munang magpakita tonight please kasi baka mafall lang ako lalo-

"Amorelle!" Someone shouted while knocking at the door.

"Shet." I said. Jusko naman! Hindi mo ba naririnig yung isip ko ha, Adi. Kakasabi ko lang na wag kang magpapakita!

I opened the door of our apartment and saw Adi standing right in front.

"Hi!" She said excitedly and raised two kinds of ice creams that she brought for us to eat daw.

Ang ganda nanaman ng mga ngiti, nakakainis na Adi ha pwede bang wag tayong magtitigan tonight? Hay!

I let Adi inside at pinaderetso ko muna siya sa sofa.

"Why are you here?" I asked.

"Ang seryoso naman. Ayaw mo ba akong kasama?" She said and pouted. Jusko alam mo bang gusto na kita kaya gusto mong mahulog ako lalo? Tama na ha, oo na cute ka na!

"Hindi naman sa ganon. Nagulat lang kasi kakakita lang natin sa isa't isa kanina." I replied.

"Gusto lang kitang i-congratulate ulit and gusto ko lang ulit sabihin kahit paulit ulit na, na proud ako sayo sobra. And kung okay lang, pwedeng kumain tayo ng ice cream?" She said.

"Paano kung ayaw ko?" Pagbibiro ko naman sa kanya.

"Edi wag, bye." Pagtatampo naman nito at tumayo na para bang paalis na talaga siya.

At dahil parang aalis nga siya, what I did was I grabbed her hand and pulled her back dito sa sofa.

Napangiti naman siya dahil feeling ata niya ayoko talaga siyang umuwi.

When The Sun Meets The MoonWhere stories live. Discover now