SATURDAY; DECEMBER 8; 3:00PM
THIRD PERSON POV
After weeks of practicing and preparing, the day that everyone has been waiting for finally came.
There will be 15 bands and 10 solo artists that will perform. Kung iisipin, sobrang laki siguro ng magagastos pero dahil lahat ng mga banda at ibang artists ay nais din na makatulong sa charities, they decided na yung 50% nalang ng talent fee nila ay ibahagi sa mga nangangailangan pa. In other words, kalahati nalang mula sa usual na talent fee nila ang napag usapan na bayaran.
Since dahil dito ay parang mapapasobra naman ang makukuhang donations considering na merong mga nag donate at magdodonate pa directly during the event, naisip ni Adi at Gab na from 3 charities ay 5 na ang babahagian nila at ang matitira pa ay para naman sa mga nasalanta ng bagyo kahit may dalawang buwan na ang nakakalipas.
"To everyone who has been here since day one. The day when we started planning, preparing, organizing the flow of the event. Basta simula sa simula, thank you. We wouldn't have been able to set this big event without all of you. Ngayong araw na 'to sana ay mag enjoy hindi lang ang mga manonood kundi pati na rin tayong lahat!" Pagpapasalamat naman ni Gab bago magsimula ang event sa lahat ng mga tumulong na members ng UP, friends and other volunteers.
Isang oras na lamang ay magsisimula na ang event dahil sa dami ng mga banda at artists ay talagang aabutin ito hanggang madaling araw.
Lahat ng mga magiging parte ng event ay naghiwa hiwalay na base sa kanilang mga gagawin. Syempre si Adi, she will be joining Gab at all times since sila ang main organizers na magchecheck ng flow. Nagkataon lang talaga na sisingit si Adi sa opening prod pero yun lang ang time na maghihiwalay sila ni Gab.
Bago maghiwa hiwalay ay tinanaw ni Adi kung nasaan si Eris at nakita niya ito na naglalakad na papunta sa isang tent kasama ang mga kaibigan nila.
"Amorelle!" Pag tawag nito sa kanya habang tumatakbo para habulin ito.
Lumingon naman si Eris at nakita nito na hinahabol siya ni Adi na naging dahilan para tumigil muna siya. Sinenyasan nalang din niya ang mga kaibigan na susunod nalang siya sa tent.
"Yes?" Tanong ni Eris.
Gustong kausapin ni Adi si Eris about sa pag aaya nito na maging date niya na ilang linggo na ang nakalipas pero hindi na niya ito naopen dahil baka masira lang nito ang magandang mood na naiset na nila para sa araw na 'to.
"Goodluck." Adi said and she just smiled kahit andaming bumabagabag sa isip niya.
Nginitian naman ito ni Eris pabalik at hinimas ang kanang braso nito bago tumalikod at lumakad na papalayo.
Adi wanted to follow her pero bigla naman siyang tinawag ng mga hosts ng event to clarify some stuff before starting.
Hindi rin nagtagal at nagsidatingan na ang mga artists at banda kaya nagsimula na rin ang event.
"Okay na kayo?" Pagtatanong ni Jamie kay Adi matapos ang opening prod.
"Never naman kaming hindi naging okay." Adi replied.
"Sige sabi mo e. Ang sakin lang naman, yung totoong okay na Adi at Eris ay yung hindi mapaghiwalay kahit busy sa kanya kanyang buhay." Pang aasar naman ni Jamie dahil tinatanggi pa rin ni Adi na sa nakalipas na ilang linggo ay medyo naging pigil ang mga kilos nila ni Eris.
FLASHBACK
SATURDAY; NOVEMBER 10; 1:00AM"Be my date, my Adi."
Tila ba nagulat si Adi sa mga salitang binitawan ni Eris. She just said "my Adi" pero sobrang laki ng impact neto sa kanya.
YOU ARE READING
When The Sun Meets The Moon
FanfictionA Samantha Bernardo and Alyssa Valdez AU. Guys this is just an AU po. All scenarios/scenes are purely fictional. May we all know our limits in happy shipping the best girls, SamLy. ❤️ Disclaimer: Some med school and law school scenarios may not fee...