THIRD PERSON POV
SATURDAY; DECEMBER 8; 9:00PM"Adi, natatandaan mo pa ba?" Biglang pagtatanong ni Gab kay Adi habang naglalakad sila sa mga tent para iorient ang mga performers kung kailan sila aakyat ng stage.
"Ang alin?"
"Noong gabing sinagot mo ako?"
"Hmm?" Pagtatanong ni Adi kasi napaka random ng tinanong ni Gab sa kanya.
"That night, bumyahe pa tayo ng Laguna para lang makita ang Silent Sanctuary na magperform ng live."
Hindi na sumabat pa si Adi at hinayaan nalang na mailabas muna ni Gab ang mga sasabihin niya.
"Noong araw na yon sobrang lungkot mo. I don't know kung natatandaan mo pa kung bakit pero sa pagkakaalala ko it's about you failing a mathematics quiz."
"Senior high? Shet pinaalala mo pa." Adi said at natawa naman silang dalawa.
"I took you sa concert kahit malayo kasi I wanted to cheer you up. Feeling mo kasi sa isang pagkakamali, buong buhay mo na yung mawawala agad o mawawala yung lahat sayo. Well it's never going to be true dahil kahit pa ibagsak mo ang Physician Licensure Exam-"
"AY NAKO NAKO, IBAGSAK KO NANG LAHAT WAG LANG YON, PALITAN MO YAN!" Naputol naman ang pagsasalita ni Gab dahil nahampas ito ni Adi nang malakas sa braso.
"Sinisira mo naman yung moment." Pagbibiro naman ni Gab kaya inirapan 'to ni Adi.
"Okay sige. Ibagsak mo man ang lahat pa ng paparating mong quizzes, mananatili lang ako. Hindi na kita iiwanan Adi. Hindi na." Gab said as he looked directly at Adi's eyes.
"GABDI/ ADRIEL LUMABAS NA KAYO!" Pagtawag ng mga kaibigan nina Adi at Gab sa kanilang dalawa.
"I guess Silent Sanctuary na ang next." Ngumiti naman si Adi dahil naipaaalala ng mga kaibigan ang pinaka iniintay niyang banda.
"Can we be that Gab and Adi that night again? Kahit yung hindi pa tayo, pero yung masaya lang. Just for this night?" Gab said and extended his hand to Adi.
Sa dami dami ng bumabagabag sa puso at isipan ni Adi, ginusto niya na rin muna na makawala at hayaan ang sarili na maging masaya kahit ngayong gabi lang.
Adi gave her hand to Gab, they both smiled and went to their friends before the band even started.
Walang sawang pang aasar naman ang nakuha ng dalawa nang dumating na magkahawak ang kamay.
Hindi binitawan ni Gab ang kamay ni Adi at nang tutugtugin na ng Silent Sanctuary ang kantang Sa'yo ay pumunta si Gab sa likod ni Adi.
Niyakap niya si Adi mula sa likod at nang magsimula ang kanta, bigla namang sinabi ni Gab na, "close your eyes, Adi."
Hindi na tumanggi pa si Adi dahil paborito rin naman niyang kanta ang tinutugtog ng banda at gusto niya lang maramdaman ang musika.
Walang ibang tatanggapin
Ikaw at ikaw pa'rin
May gulo ba sa'yong isipan
'Di tugma sa nararamdaman
Kung tunay nga ang pag ibig mo"Noong gabing sinagot mo ako, we were in the exact same position as we are now." Gab said habang nasa kalagitnaan na ang kanta at hindi pa rin sila kumakalas sa pagkakayakap nila.
Tumingin sa'king mata
Magtapat ng nadarama
'Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo
YOU ARE READING
When The Sun Meets The Moon
FanfictionA Samantha Bernardo and Alyssa Valdez AU. Guys this is just an AU po. All scenarios/scenes are purely fictional. May we all know our limits in happy shipping the best girls, SamLy. ❤️ Disclaimer: Some med school and law school scenarios may not fee...