Part 19: Samgyup

380 15 6
                                    

SATURDAY;JANUARY 12; 5:30PM
ADI'S POV

"Finally! Makakapag samgyup din na kumpleto ang winx girls!" Ivy said excitedly.

"Oo nga, akala ko makukumpleto nalang ulit tayo kapag may magpapakasal na e." Pagbibiro naman ni Shayne.

"Ang sabihin niyo, buti nalang nagyaya rin 'tong si Adi bago mag second sem. First time magyaya ng pinakabusy sating lahat HAHAHA." Chanty said.

Lumipas ang ilan pang minuto at nagsimula na kaming magluto. I was supposed to invite them to eat samgyup sa mall or basta sa labasan pero I wanted us to be in a comfortable place, as in kaming lahat dapat komportable. Yung tipong kahit may umiyak, tumawa nang malakas, magwala at kung ano ano pa e walang pupuna samin kahit isa. Kaya ngayon, dito kami nagsasamgyup sa may harapan ng apartment since may space din naman.

Habang nagluluto at kumakain, nagpatuloy lang ang mga kwento ng isa't isa. Sobrang nakakaproud lang sila lalo na si Chanty na sunod sunod na ang mga nagiging flight. Idagdag mo pa yung sasagutin na daw ata yung manliligaw niya na piloto rin gaya niya.

Si Zoralle naman naikwento na muntik na niyang maibagsak ang isang subject kaya pala hindi nagparamdam ng mga one straight week noong finals nila. Nakakaproud din dahil kahit nahirapan ay nairaos niya lahat.

Si Shayne naman ang ganda ng problema, nagagalit daw yung tatay kasi nag apply pa sa scholarship program para sa med school. Oo nga naman, problema na nga kung paano uubusin ang pera nag scholarship pa edi hindi nabawasan HAHAHAHA.

Si Ivy naman, ang pinaka pakipot sa lahat talaga kahit kailan. Huling huli na wallpaper ang picture ni Rap na may hawak na wine glass. May pagsisinungaling pa 'to na nag new year siya mag isa!

At si Jamie, ang pinaka nagmadaling makalaya sa school, kahit mukhang kuripot, aba nag lalabas na ng pera ngayon at naibili na kami ng ice cream. Parang dati, kwek kwek lang pinapalibre ko ang sama na ng loob neto, char!

"Adi? Ikaw ba, kamusta?" Chanty asked.

"Okay okay kwento naman dyan about sainyo ni Gabriel." Shayne said habang naglalagay pa ng mga iluluto sa grill.

"About that-" I said pero naputol naman bigla dahil sumingit si Zoralle.

"Hmm balita ko pinadalhan ka daw nun ng flowers sa Tagaytay ah." Zoralle said at nagkurutan naman silang dalawa ni Shayne dahil mga mukhang kinikilig, jusko.

"Ay eto nalang din, how's tagaytay? Diba you went there with Eris?" Binago naman ni Chanty ang usapan at niliitan niya ang mga mata niya na para bang may alam na rin siya about sa mga nangyayari.

Ay, what the fuck? May CCTV nga pala tapos rest house nila yon. Pero di bale na, wala naman kaming ginawang masama.

"Oo nga, pwede bang magkwento ka with full details please?" Jamie said at ngumiti siya na parang nang aasar.

"Hindi, teka. Gab muna. Dun tayo sa lovelife HAHAHA. Besides, balita ko nung paskuhan sinabi daw non na maghihintay siya para kay Adi enebe." Zoralle said sabay subo ng kinakain.

"Yung sa tagaytay muna para pasabog din." Chanty said. Aba? Anong alam nito?

"Teka sandali, yung kay Gab muna at may pa holding hands pa kayo at yakap nung Paskuhan." Pagpipilit din niya na yun muna ang ikwento ko.

"Ano ba yan ikwento nalang kaya nang sabay? Ayaw niyong paawat na apat e." Ivy said at natawa naman kaming lahat.

Magkekwento na sana ako pero dahil sa kaba, uminom muna ako ng tubig.

When The Sun Meets The MoonWhere stories live. Discover now