THIRD PERSON POV
"Mahal kita."
Nang mabitawan ni Eris ang mga salitang 'yon ay bigla nalang niluwagan ni Adi ang mahigpit napagkakayakap sa bewang nito.
Nagbago rin ang expression ng kanyang mukha pati na rin mga mata kaya para bang bigla nalang gumuho ang mundo ni Eris.
Alam niyang dapat maging masaya siya dahil eto oh mahal din siya ni Eris. Pero, hindi ganon kadali yon.
Ang pagrinig ni Adi sa mga salitang 'yon ang mas lalo lang nagpahirap sa sitwasyon ng dalawa at kung pwede lang sana, sana hindi nalang ito sinabi ni Eris.
"Eris-"
"Shh, Adi. You don't need to love me back." Eris said pero sa totoo lang, sino ba namang hindi gugustuhing mahalin siya ng taong mahal niya?
"I told you this just to let it out. Ilang buwan nang bumabagabag 'to sa isip ko kaya sinabi ko nalang dahil naaapektuhan na rin yung buhay ko at pagkakaibigan natin."
"Believe me, Adi. I tried to not push through with this feelings. Pero ikaw e, kapag andyan ka, yung puso ko parang gusto nalang lumabas at siya mismo ang yumakap sayo."
"Mula umaga pagkagising ko hanggang sa bago ako makatulog sa gabi, I can't help but think of you. Yung mga jokes mo na minsan corny at minsan havey. Yung pagiging number one motivator mo na naging dahilan kung bakit talagang nabuboost yung confidence ko. Yung speaking voice mo na sobrang pinapagaan ang mundo ko kapag naririnig ko. Idagdag mo pa yung singing voice mo naman na kaya akong pasayahin sa kalagitnaan ng sobrang pagkalungkot."
"It's your kindness, selflessness, maturity, faith. Your touch, smell, your most beautiful eyes and your sweetest smile. I just don't know who won't fall for those."
"Adi, I know starting from this day that everything will change, and I'm sorry. Sorry sinira ko yung pagkakaibigan natin."
Tears fell from Eris' eyes which made Adi hug her again as her tears also went out.
Gustong gustong sabihin ni Adi na mahal niya rin ito pero hindi pwede.
She's just afraid to lose everything. Her dreams, her family, herself, and Eris along the process. Baka hindi niya kayanin kaya, kahit sobrang durog na durog din ang puso niya ay wala talaga, she needs to take a hold of her feelings until both of their's are completely gone.
"Eris." Adi spoke while still hugging her tight.
"I'm sorry." Ang dami sanang gustong sabihin ni Adi pero hindi na niya nagawa dahil bumuhos nalang din ang luha niya.
Ilang minuto ang nakalipas at kumalma na ang dalawa kaya kumalas na sila sa yakap ng isa't isa.
"Mawawala ka na ba talaga sakin?" Eris asked and looked down.
Adi then, raised her head and told her, "No. I'll still be here whenever you need me. I just can't lose my sizzy too."
Ngumiti naman si Eris pero hindi ito ang mga matatamis na ngiti na laging nakikita ni Adi. Nasaktan niya talaga ito at habang pinagmamasdan ay hindi na kinaya ni Adi na maiyak ulit kaya tumungo ito at tinapik ang balikat ni Eris na ang ibig sabihin ay mauuna na siya.
YOU ARE READING
When The Sun Meets The Moon
FanfictionA Samantha Bernardo and Alyssa Valdez AU. Guys this is just an AU po. All scenarios/scenes are purely fictional. May we all know our limits in happy shipping the best girls, SamLy. ❤️ Disclaimer: Some med school and law school scenarios may not fee...