Chapter 6 : Pictures

103 4 0
                                    

June's POV


Monday na ngayon.


Hays pasukan na naman ang bilis masyado ng araw!


Chineck ko yung phone ko kung anong oras na, maaga pa naman 8 am pa lang kaya hindi na muna ako bababa. Maglalaro na lang ako sa Cellphone ko. Napansin ko yung keychain ang cute talaga niya! Bagay na bagay siya sa phone ko! Black na may design na pink kasi yung case ng phone ko tapos yung keychain ko color pink and silver ang cute ng combination! Perfect! Naglalaro ako ng Mmm Fingers ang sarap niyang laruin kaso nga lang nakakainis kapag nadedead ako!


"Hunyo! Bumaba ka na jan! Magaalmusal na!" sigaw ni mama.


"Opo ma bababa na po ako!" sigaw ko pabalik.


Tinigil ko muna ang paglalaro at bumaba na para makakain na ng almusal, dala ko yung phone ko.


"Ate ang cute naman ng keychain mo! Akin na lang ilalagay ko sa bag ko!" si Kristel, na animoy inlab na inlab sa keychain ko.


"Ayoko nga! Ang ganda ganda nito e."


"Please ate? Please?" sabay paawa epek niya.


"Hindi nga pwede at tsaka itigil mo na nga yang paawa epek mo! Hindi ako naaawa! Naiinis ako! Hindi ka cute." totoo naman e hindi siya cute mas cute pa tong keychain ko sa kanya.


"Ang sama mo naman! Tinatry ko lang kung ok ang paawa ko, hindi pala."


"Buti naman alam mo."


"Ate san mo nabili yang keychain ang ganda talaga e."


"Bigay lang."


"Nino?"


"Ng teacher ko."


"Bakit?"


"Pwede ba? Kumain ka na jan, ang dami mong tanong e!"


"Ate gusto ko din niyan."


"Sige ibibili na lang kita pero hindi katulad nito."


"Sige, yehey! Thank you ate!"


"Oh sige kumain ka na jan."


"Teka ate? Bakit parang sira yang keychain mo? Bat kalahati lang?"


"Hindi yan sira, talagang ganyan yan. Yung kalahati niyan na'kay Abo."


"Sinong Abo?" sabay na sabi ni mama at Kristel.


"Ah eh ma ang abo dito sabi ko." sabay kunwari marami ngang alikabok.


The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon