Chapter 20 : He made his own trap

29 1 1
                                    

Justin's POV


Watda?! Anong sasabihin ko? Para naman akong may nagawang kasalanan nito na hindi masabi ang katotohanan! Bwiset! Bakit pa kasi si Paul pa ang nagtanong sa'kin e, alam kasi si Paul na lalaking kailangan alam ang lahat para bang 'chismoso' what to do? Anong sasabihin ko sa mokong na to? Ayoko namang malaman ni...basta alam niyo na yun! Aamin ba ako o hindi? Alam kong mali itong sitwasyon ng pagamin, pero wala naman talaga akong balak umamin sa kanya, kasi baka masira ang pagkakaibigan namin.


"Ah eh, dude si ano...si...pano kung wa-wala?"


"Dude, bawal yun, imposible kasi puro babae yang kaibigan mo at panigurado ako may nagugustuhan ka na jan sa tatlong yan." sabay turo niya sa tatlo.


"Oo na! Sasabihin ko na...umh, si...ano...si...La-laica." tama ba tong ginawa ko? Ang magsinungaling? Lalo na sa nararamdaman ko? At sa kanila? Letcheng buhay naman to oh!


"Ooohhhh." tanging narinig ko sa kanila, hindi ako tumingin kay Taba at baka mabawi ko pa ang sasabihin ko.


"Gu-gusto mo ko Justin?" sabay turo ni Laica sa sarili niya.


Hindi ko siya sinagot. Hinila ko na lang si Taba "Tara na uwi na tayo baka gabihin pa tayo." at iniwan na sila. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit si Taba pa ang hinila ko e samantalang siya tong nagpapagulo sa'kin, basta ang alam ko lang sa sarili ko na para akong nakulong sa sarili kong kasinungalingan. Hindi lang to ang una kong pagsisinungaling sa harap nila kundi pangalawa na to! Bwiset! Bakit ko ba to nagagawa sa kanila? Napakabait nila para sa'kin pero ginaganito ko sila, pero diba tao lang din naman ako, nahihirapan magdesisyon at nakakagawa ng kasalanan.


"Uy ok ka lang?" si Taba, pero parang ang hina ng boses niya parang malat.


"Oo naman." sabay ngiti ko sa kanya.


"Sure ka?" paninigurado niya.


"Oo nga hahaha." sabay kurot ko sa pisngi niya.


"Arrraaayyy!"


"Ang cute mo kasi!"


"Ayieeee! Crush niya si Laica!" sabay poke niya sa tagiliran ko.


"Crush lang yun, wag kang ano!" pagsisinungaling ko, pero ang totoo siya, siya talaga ang gusto ko...mahal ko.


"Sus, crush are meant to be love! Yieeeee! Kiligmuch!" pinoke niya ulit ako sa tagiliran.


"Pauso ka e no?"


"Bakit? Totoo naman ah, daya mo! Hindi mo man lang sinabi sa'kin, tayo tong laging magkasama e." sabay pout niya, aww ang cute niya talaga nakakapanggigil!


"Bakit ko naman sasabihin?"


"Syempre kaibigan mo ko!"

The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon