Chapter 11 : June meets Santos Family

65 2 0
                                    

Justin's POV


Nandito na kami sa tapat ng bahay namin, nauna na kong bumaba para pagbuksan sila Laica.


"Baba na kayo." pagkabukas ko na pinto ng kotse.


Nauna ng bumaba si Hannah, pangalawa si Laica at ang huli si Taba.


Inalalayan ko si Taba kasi may sakit pa rin siya. Alam kong ako ang dahilan kung bakit nagkakaganito si June, pumasok siya para lang ituro sa'kin lahat ng lessons na namissed ko.


"Ay thank you Abo, sige wag na kaya ko naman."


"Pero may sakit ka kaya wag ng makulit ok?"


"Ay ganun? Si Hunyo lang ang inalalayan?" si Hannah.


"Oo nga! Babae din po kami oh!" si Laica.


"May sakit kasi siya."


"So bago mo pala tulungan ang isang tao kailangan mag sakit?" si Laica.


"Hindi naman sa ganun."


"Kitams! Talagang balak mo lang si Hunyo ang aalalayan mo!" si Laica, masyadong defensive e!


"Tumigil ka na nga Laica! Ano bang pinaglalaban mo?" Pagpigil ni Taba.


"Wala!" si Laica.


"Wala naman pala e!" si Taba.


"Oh siya! Tara na pasok na tayo sa bahay mga hija, wag ng magtalo-talo." si Papa.


"Sorry po." sabay na sabi ng tatlo.


"Tara na nga." Inalalayan ko na si Taba.


Pero yung dalawa si Laica at Hannah, nakaglared eyes pa sa'min ni Taba, ano na naman bang problema nito? Hindi na sila nasanay lagi naman kaming magkakasama ah.


"Ma mga kaibigan ko po, si Laica, si Hannah at si Ta-June po." habang tinuturo ko sila.


"Magandang Hapon po ma'am." sabi nila Laica.


"Hahaha, Tita Ana na lang itawag niyo sa'kin mga hija."


"Oh, Alex iwelcome mo naman ang mga kaibigan ni kuya mo." si Mama, kinakausap si Alex na nasa upuan at naglalaro ng ipad.


"Hello po sa inyo!" sabay tayo ni Alex.


"Hello din Alex!" si Laica at Hannah.


"Hi Alex! Ang cute mo naman!" si Taba.

The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon