Chapter 9 : Sick

75 2 0
                                    

"Ayan! Wala ng ulan, ambon na lang!" si Taba.


"Tara na?" Tanong ko sa kanya.


"Sige gutom na ko e!" sabay hila niya sa wrist ko.


"Magpayong tayo, magkasakit tayo niyan." sabay binuksan ko yung payong.


"Hindi ako tinatablan ng sakit no!" sabi ni Taba.


"Hindi ka jan? Walang taong hindi tinatablanh ng sakit no!"


"Pwera lang ako!"


"Yabang nito! Nagkasakit ka na nga!"


"Kelan?"


"Nung umabsent ka!"


"Huh? Ako umabsent kelan?"


"Ulyanin."


***
Jollibee


"Gusto ko ng Spaghetti with Chicken Joy and extra large fries!" Kasalukuyan kaming nakapila ngayon.


"Drinks?"


"Ah. Tubig na lang."


"Sige."


"Uy Abo maghahanap lang akong mauupuan ah, ikaw na bahala jan yung fries ko ha!"


"Sige. Adik!"


Nakaorder na ko, nag spaghetti lang din ako at burger.


Hinahanap ko si Taba habang hawak ko ang tray. Nakita kong kumaway siya kaya agad ko siyang nakita at pumunta na sa kanya.


"Hay salamat!" sabi ni Taba. Habang pinapatong ko yung pagkain sa mesa.


"Oh ito fries mo." abot ko sa kanya.


"Thanks!"


Wala ng nagsalita pa sa'min dahil gutom na kaming dalawa.


"Hoy Abo! Ang dusing mo naman kumain! Para kang bata!"


"Huh?" sabay punas sa mukha ko.


"Hindi dyan, ako nga!" sabay hinawakan niya yung baba ko at pinunasan yung dumi sa left side ng lips ko gamit ang thumb niya.


Ano bang nangyayari sa'kin ba't ako nakukuryente kapag hinahawakan niya ko? Siguro sobrang lamig lang dito sa Jollibee at talagang basa lang kami kaya ganun.

The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon