Chapter 3 : Jeepney

114 4 2
                                    

Natapos ang oras ni ma'am, teacher namin sa Science at naguwian na kami.


"Hunyo! Sabay tayo umuwi ha!" pasigaw na sabi ni Hannah.


"Ah eh nextime na lang Hannah ha, may kasabay na ko e." nu ba yan, gusto ko pa namang sumabay sa mga kaibigan ko, kung hindi lang dahil dito sa Abong to e. Pasalamat siya naguiguilt ako sa nagawa ko sa kanya kanina.


"Sino kasabay mo Aber?" si Laica na nagpameywang pa.


Tinuro ko si Abo na nagaayos ng gamit.


"Waaaaaaaa! / Yieeeeeeeee!" sabay nilang sabi.


At saka tiningnan nila ako ng mapangasar look.


"Sige bye na sa inyo ha! Nextime na lang ako sasabay sa inyo ha!" sabi ko sa kanila habang palabas na sila at nagwave na ko.


Hays. Namiss ko kaya yung mga kaibigan ko! Magtitiis tuloy ako ng 1 week na hindi sila kasabay at 1 week din akong magtitiis na sabayan tong Abong to!


"Abo sabay tayo ha!" with matching bog smile pa yan. :D


Wala siyang imik.


"Uy sabay tayo ha." sabi ko.


"Hindi ko kailangan ng kasabay." emotionless niyang sabi.


Pipilitin ko siya no' nakaalis na mga kaibigan ko e. Ayoko ngang umuwi ng walang kasabay.


"Pwes ako kailangan ko ng kasabay kaya sasabayan mo ko."


"Ayoko."


"Gusto ko." wait? Hindi ko naman gustong kasabay siya e, sadyang kailangan ko lang siya sabayan itong week kasi nga naubos ko baon niya.


"Bahala ka." at umalis siya.


"Uy teka lang hintayin mo ko!" habang hinahabol ko siya.


Hanggang sa mapantayan ko na siya sa paglalakad.


"Ang bilis mo namang maglakad! Takbo na sa'kin yang lakad mo e' Ang laki mo kasing humakbang, KAPRE!"


"Taba mo kasi. Tss."


-_- Taba daw ako? :(


Hanggang sa makarating na kami sa sakayan ng jeep.


Tagal naman ng jeep na may bakante, puro puno na yung dumadaan.


Napansin kong pumara tong si Abo at umakyat ng jeep kaya sumunod ako.


The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon