Chapter 14 : Teddy Bear

31 0 0
                                    

June's POV


Naituro ko na kay Abo yung mga lessons na namissed niya, ang hinihintay ko na lang ang mamaya. Malapit na ang uwian, excited na ko. Waaa! This time ako naman.


Hinila ko bigla si Abo nang maguwian, alam naman na nila Laica at Hannah ang tungkol dito e.


"San tayo pupunta? Bakit mo ko kinakaladkad?" tanong ni Abo.


"Basta!"


"Anong basta? San nga tayo pupunta?" pangungulit niya.


"Ayaw mo ba?" tumigil ako at binitawan ko siya.


"Gus...to?"


"E gusto mo naman pala e! Wag ka ng magtanong!" sabay hila ko ulit sa kanya. Hindi na pa siya nagtanong at nangulit.


Nakarating na kami sa place kung san gusto ko siya dalhin.


"Anong gagawin natin dito?"


"Ano bang sa tingin mo?"


"Perya to."


"Oh ano bang karaniwang ginagawa sa perya? Ang slow mo Abo ah! May sakit ka ba?" kinapa ko yung noo niya kasi parang gulat na gulat siya sa mga pangyayari.


"Hahaha, oo nga sabi ko nga. Wala akong sakit no!"


"Gabi na, baka pagalitan ka pa ng parents mo."


"Nakapagpaalam na ko, wag kang magalala, naipaalam na rin kita sa parents mo kasi diba wala kang load? Kaya nakitext ako kay Laica."


"Ah."


"So tara na? Gusto ko non oh! Gutom na ko e." sabay hila ko kay Abo papuntang stall ng pizza.


"Kuya isang order po hawaiian pizza at saka dalawa pong tubig." sabi ko kay Manong.


"Ito po bayad oh." sabi ni Abo. Sabay akma niyang ibabayad yung pera niya.


"Ako na ang magbabayad." sabay harang ko sa kamay ni Abo.


"Pero---"


"My treat." sabay abot ko kay manong ng pera.


"Sige sabi mo."


"Totoo bang magaling ka na Taba?" sabay hawak niya sa noo ko.


"Oo naman, anong sa tingin mo?" sabay kagat sa pizza ko.


The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon