Chapter 22 : Summer

15 2 1
                                    

June's POV


Omg! This is the day! I'm so excited. Nakaimpake na kami lahat, nakaready na ang snacks na dadalhin, lahat-lahat kumpleto na kaya ready-to-go na!


May mag hahatid sa'min sa resort, ang ninong, busy kasi sila papa, buti na nga lang napakiusapan namin ang ninong na ihatid kami, kaya kahit papano less hassle at libre pa!


Nasa sasakyan na kami ni ninong, nasa tabi ng driver's seat si Hannah, dahil siya ang nakakaalam at nagset ng lahat ng ito. Bali kaming tatlo nasa likod, napapagitnaan namin ni Laica si Abo. Mas prefer ko kasi ang malapit sa bintana para incase na nahihilo ako bubuksan ko lang yung window, alam na ni ninong yun, kaya hindi na siya maninibago.


Nagstart na ang sasakyan, hudyat na aalis na kami, kaya magpapahinga muna ako, siguro 3-4 hours ang byahe, kapag walang traffic, hindi kasi ako nakatulog ng ayos kagabi sa sobrang atat. Maaga kaming umalis kaya panigurado pagdating dun lunch time na.


Inaantok ako. *Yawn* inaantok na talaga ako di na kaya ng mata ko.


"Hahahahahahaha, tumigil ka nga jan nakikiliti ahahahhahahahakohahahaha"


"ayoko nga hahahahhahah"


"Sabi na ngang ayoko e! Hahahahaha tihahahahahgilhahahahha na hahahhahahah please hahahahha"


Ok sino pa ba? Edi yung dalawa kong katabi, naiinis na ko ah naiistorbo ako. Ang aga aga naghaharutan, bwiset. Hala? Ayaw pa ring tumigil, isa na lang. Makulit kayo ah, kitang natutulog ako dito ayaw niyong tumigil!


"Ano ba? Tumigil nga kayo! Kita niyong may natutulog, naghaharutan kayo! Please naman magpatulog kayo!"


Tumigil sila.


"Sorry." si Laica.


"Sorry Taba." si Abo.


Bumalik na ko sa pwesto ko, pero hindi na ko makatulog, putik! Nawala tuloy antok ko! Azar naman e. Sumandal ako sa bintana, kung anu-ano ng technique ang ginawa ko para makahanap ng komportableng pwesto pero wa epek.


Hays, sumandal na lang ako at ipinikit ang mata ko, baka sakaling makatulog ako sa ganitong pwesto. Ilang saglit lang nakaramdam ako ng may humawak sa ulo ko at ipinatong sa... Balikat? Panigurado si Abo to, hindi ko na lamang pinansin, natulog na lang ako, and everything went black.

***

"*yawn*" pagmulat ko, nakatigil na yung van.


Nakita kong tulog na rin si Abo, nakita ko may basa sa braso niya, omg, waaaa, nakakahiya natuluan ko siya ng laway. Pinunasan ko yung bibig ko, basa nga. Omo. Sorry Abo. Wala na ring tao sa loob ng van, kaming dalawa na lang ni Abo, pero nakabukas yung pinto, at alam kong nasa destinasyon na kami, kung san ba dapat kami pupunta.


Nakita ko yung mukha ni Abo, napatigil ako, kasi ang gwapo niya, sobra, parang habang tumatagal tuloy lalo akong nahuhulog dito sa lalaking ang tingin lang sakin ay kaibigan. Hays. Masakit pala talaga ang umasa.


"Oh Hunyo, gising ka na pala." si ninong, nagbubuhat ng mga gamit.


"Ah opo nong, sige ho nong ako ng bahala jan, konti na lang naman yan e." bumaba na ko sa van.


"Hindi wag na, gisingin mo na lang yan isa mong kaibigan at magtatanghalian pa kayo."


"Haha, sige ho nong." At bumalik ako sa van.


"Wuy Abo, gising na, nandito na tayo." Sabay yugyog.


"Hmmm" si Justin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon