Chapter 7 : Feel Good

76 4 0
                                    

June's POV


Simula nung pinakilala ko si Abo kila Hannah at Laica naging close siya sa'min lalong lalo na sa'kin kasi nga diba magkatabi lang kami. Nagoopen na siya tungkol sa backgrounds niya. Transferee pala talaga siya, kaya pala wala siyang kaibigan dito sa school. Naitanong ko din sa kanya kung bakit ang dami niyang followers.


Flashback.


"Umh, Abo pwedeng magtanong?"


"Sure, ano yun Taba?"


"Ah bakit nga pala ang dami mong followers? Fame ka ba dati?"


"Hahahahaha! Hanggang ngayon naman e pero hindi nga lang dito."


"Huh? Di kita magets! Fame ka doon tapos dito hindi? Pano ka pa naging fame sa facebook kung hindi ka namin kilala dati?"


"Ganito kasi yan, naging sikat lang ako sa'min kasi may contest akong sinalihan, nanalo ako sa contest na yun kaya ang daming humanga sa'kin kasi ang..."


"ang?"


"Gwapo ko daw."


-_- "Ano nga?"


"Hahahaha! Ang cute mo mainis! Pakurot nga!"


"Awwwww! Trip mo na naman yung pisngi ko e no!"


"Taba mo kasi!"


"Ano yung sinalihan mong contest?"


"Secret!"


"Ano nga kasi?"


"Secret nga."


"If you don't say to me you are not allowed to pinch my cheeks."


"Sige na nga sabihin ko na."


Bwahahaha! Yan ang lagi kong panakot sa kanya e! :D


"Ano na?"


"Sumali ako sa contest ng Mr. Brgy."


"Weh?"


"Kaya ayaw kong sabihin sayo e, hindi ka naman maniniwala."


"Hahaha! Joke lang syempre naniniwala ako sayo pero paano? Bakit ka sumali?"


"Napagtripan. Dare sa'kin ng barkada ko. Natalo kasi ako sa pustahan namin. Sakto may ganung event yun ang naisipan nilang idare."


The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon