Chapter 17 : Lie

24 1 0
                                    

Justin's POV


Tama ba tong ginagawa ko? Tama ba na iwasan ko siya kasi may feelings ako sa kanya? Ano ba sa tingin mo Justin? Magkaibigan kayo! Mas gugustuhin mo pa bang mawala ang pagkakaibigan niyo ng dahil lang jan sa feelings na dinadala mo? Ayoko, ayokong mangyari yon. Mas mabuti pa sigurong ipagsawalang bahala ko na lang tong nararamdaman ko sa kanya para wala ng mawala, wala ng mabago kung ano ang sinimulan namin. Oo mabuti pa. Wala naman sigurong mangyayari kung hindi ko papansinin ang nararamdaman ko para sa kanya, para kay June.


Napapansin ko din kasing masyado ko siyang napagaalala dahil sa ginagawa kong pagiiwas, alam kong masakit para sa'kin na makita siyang nagaalala sa'kin kaya tama lang na itigil ko na ito, siguro kapag hindi ko to pinansin kusang mawawala ito. Ilang beses niya akong kinukulit kung ano ba ang problema ko, ilang beses niya akong kinakausap pero nagiging cold ako sa kanya, para bang nagmumukha na siyang tanga mapansin ko lang siya, pero wala siyang pakialam, basta kung anu ang gusto niyang gawin, gagawin niya, alam kong lahat ginagawa niya, pero ako naman tong nagmamanhidmanhidan. Aish! Ang tanga mo Justin! Kita mong mahal mo yung tao tapos ginaganyan mo! Pagmamahal ba ang tawag dun?


Bakit ba kasi naging big deal sa'kin tong Love? Dati naman hindi ah, oo nagkakacrush ako sa ibang babae pero hindi nagtatagal samantalang dito sa nararamdaman ko ngayon, masyado ng naging magulo para sa'kin. Hays! Dapat pala hindi na lang ako nagtanong kay papa, para hindi na ko mas lalong naguluhan! Dapat pala tinuring ko na lang yun as a normal between friends, pero siguro ganun talaga, ganun talaga ang buhay.


Simula sa Monday babalik na ko sa normal, yung makikipagharutan, lokohan, makikipagkwentuhan sa kanila, lalong lalo na kay Taba. Namiss ko din yon ah, halos one week hindi ko siya nakurot sa matataba niyang pisngi! Halos one week na napanis ang laway ko hindi lang siya mapansin o makausap, halos one week na hindi ko man lang siya nakitang ngumiti, halos one week na pinagalala ko siya, halos one week din ang nasayang ko para lang makasama siya, although kasama ko siya pero parang wala.


***


"Taba!" tawag ko sa kanya. Nakita ko kasi siyang naglalakad papuntang school.


Hindi siya tumingin, hindi ata ako narinig.


"Uy Taba!" sabay takbo papunta sa tabi niya.


"Taba!" kasabay ko na siya ngayon.


Hindi pa rin siya nagsasalita, ah ayaw mo ah.


"Arrrraaaaayyyyyyy!!! Bitawan mo ko ano ba?!" sabay hampas niya sa kamay ko para maalis, sabay binilisan niya yung lakad niya. Galit ata siya.


"Uy Taba, bakit?"


Hindi niya ko pinansin, hanggang sa makarating na kami sa school, dumeretso siya sa bench na lagi naming inuupuan kapag maaga kaming pumapasok. Pagkaupo niya sinalpak niya kagad ang earphone sa tenga at pumikit, sabay rest niya ng ulo sa sandalan.


Galit nga siya, aish! Sabi na e! Magagalit to katangahan mo kasi Justin! Tanga! Tanga! Tanga! Nagalit tuloy sayo yung maha--- si Taba!

The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon