Chapter 2 : Bottled Water

141 8 2
                                    

Magpapasalamat pa pala ako kay Abo.


Katabi ko lang naman siya e, nakatulala.


Kumaway ako sa harap ng mukha niya para mapansin niya 'ko.


"Abo, thanks sa libre ha." sabi ko.


"Tss." inis nitong sabi.


No comment ako.


Di ko kasi siya maintindihan.


Ano bang nangyayari dito? Parang may period naman to, daig pa kaming mga babae sa sobrang moody. Kanina lang ang bait niya. Psh! Tse! Ang moody niya sobra. -_-


Bahala siya, makaalis nga! May 10 minutes pa naman bago mag time, punta muna ako sa mga kaibigan ko.


"Hello Hunyo!" yung kaibigan kong si Hannah.


"Hi! Namiss ko kayong dal'wa!" sabay yakap ko sa kanila, namiss ko sila. Sobra.


"Namiss kita Hunyo! Waaa!" ingay naman nitong kaibigan kong si Laica.


"Ang ingay mo! Kahit kelan ka, sasabihin mo lang na namiss mo ko kailangan pa bang isigaw?"


"E sa namiss kita e!" si Laica.


"Namiss? Samantalang hindi niyo nga ako nireserve ng upuan namiss?" sarcastic kong sabi.


"Nakalimutan namin e. Sorry na. Please?" paawa na sabi ni Hannah.


"Oo na! Para namang hindi ko kayo matitiis!"


"Maiba nga tayo. Aba! Lumalablayp ka jan ha!" pagiiba ni Laica.


"Ipakilala mo naman kami dun sa seatmate mo, ang gwapo gwapo sinosolo mo! Share share!" pagpapatuloy ni Laica. Kahit kelan tal'ga ang hilig niya sa gwapo.


"Oo nga pakilala mo naman kami." si Hannah. Isa pa to' mahilig din.


"Lablayp? San banda? At saka anong share share? Loka kayong dal'wa! Kung ano ano iniisip niyo! Magsitahimik nga kayong dal'wa!"


"Sus, kanina lang sabay kayong pumasok at kumain, siguro nagdate kayo no? Kaya kayo nalate? Ni hindi mo na nga kami sinabayan kumain e." pangasar at paawa na sabi ni Hannah.


"Oo nga." agree naman ni Laica kay Hannah.


"Date? Ngayon ko lang nakilala yang lalaking yan! At saka kung bakit ko kasabay yan kanina, dahil pareho kaming late sadyang nagkasabay lang kami, at nung break naman magkasabay kami dahil diba nga natumba kami kanina sa sahig? Siya ang may kasalanan nun kaya pinalibre ko siya! Hindi niyo kasi ako nireserve ng upuan edi sana hindi kami natumba diba?"


"Waaaaaa! / Yieeeeeee!" sabay nitong sabi.


"Kinilig ako dun Hunyo!" si Hannah.


"Bagay kayo! waaaa!" asar ni Laica.


"Kami bagay? Utot niyo!"


"Sus pakipot pa to! Crush mo lang siya e!" si Laica.


"Ayiieeeeee!" si Hannah, at bigla ako kiniliti ng dal'wa.


"ASA. Yun crush ko? Over my dead body! Tigilan niyo nga ako!" at tinigilan na nila ako sa pagkiliti. -_- As if naman na crush ko yung sungit / assumero / moody na yun no!


At bigla akong tiningnan nitong dal'wa kong butihing kaibigan sa mata ng pangasar look.


Hays. Ang hirap naman magkaro'n ng kaibigan na baliw! Kung hindi ko lang to mga kaibigan malamang nadala ko na to sa Mental Hospital ng gumaling, matindi na tama e.


The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon