Chapter 21 : Choices

37 0 0
                                    

June's POV


Bakit nangyayari sa'kin to? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang sakit? Ang sakit-sakit. Nakakaiyak. Nandito ako ngayon sa kwarto nagmumukmok. Buti nga hindi niya ko napansing apektado at hindi niya ko napansing nasasaktan, buti na lang. Buti kinaya kong magreact ng simple, ng makulit at jolly sa harapan niya kanina, kahit nasaktan ako sa nalaman ko. Bakit ba ganon? Bakit si Laica pa Justin? Ano ba ko sa buhay mo? Anino? Hindi mo napapansin? Hindi mo nahahalata? Ang manhid mo naman Justin. Talaga bang kaibigan lang ba ang tingin mo sakin? Talaga bang si laica ang gusto mo at hindi ako? Ang sakit naman, umasa ka sa wala. Nafriendzoned ako dre.


Akala ko siya na, akala ko siya na ang right guy para sakin, akala ko lang pala. Hanggang kaibigan lang pala ang tingin niya sakin, bakit ba napakamalas ko? Kung kelan naman akong nagmahal ulit, akala ko hindi na ko masasaktan, katulad lang din pala ng dati yung nagmahal ka pero nasaktan ka din sa huli. Dapat pala kapag nagmahal ka, ihanda mo na ang sarili sa sakit na mararanasan mo, kasi katambal ng pagmamahal ang sakit. Hindi naman kasi maiiwasan ang puso e, kung kanino niya nagustuhan, doon siya, ang tanging gagawin lang natin ay ang sundin ito o hindi.


Ang swerte naman ni Laica, ang daming nagmamahal sa kanya. Hays, sabi na e, hanggang panaginip lang ang true love at hanggang imagination lang ang magustuhan ka ng gusto mo.


***


"Oy Hunyo, bakasyon na san mo balak magbakasyon?" si Hannah.


"Hehe, hindi ko pa alam kila mama." sabay kain ko, nasa canteen kami.


"Antagal naman ni Justin?" si Laica.


"Call of nature daw e." sabi ko kay Laica.


"Hahahaha, katakawan kasi." si Laica.


"Bakit anu bang kinain non?" si Hannah.


"Kanina kasi ang aga din niyang pumasok, kaya naisipan naming kumain ng streetfoods jan sa tabi-tabi, ayun nasobrahan! hahahaha!" sabay hawak ni Laica sa tiyan niya kakatawa.


"Hahahaha, ayanang napapala ng mga PG." si Hannah.


Ok ako na OP, late na kasi akong pumasok, wala naman akong ganang pumasok ng maaga. Edi sila na magkasama kaninang umaga.


Napansin kong tumabi si Abo sa tabi ko.


"*cough.cough.cough* ano ba yan? Ang tapang naman ng pabango mo!" ako.


"Mabuti na ang sigurado, kesa naman sa may maamoy silang di kanais nais. Nakakahiya." bulong sakin ni Abo.


"Hahaha, kaya pala e, ano ba yan lasang pabango mo na tong kinakain ko!"


"Hahahaha, magtiis ka." sabi ni Abo.


"Letche!" sabi ko.


Bumalik na kami sa room pagkatapos naming kumain, mahigit dalawampung minuto ng late ang teacher namin kaya napagdesisyunan naming magtabi tabi, nagkumpol kaming 4 at nagkwentuhan na lang sa darating na summer.


"Oy Taba san mo balak?" si abo.


"Di ko nga lam e, ikaw?"


"Wala pang plano." si abo.


"Ganito na lang, may naipon ba kayong pera?" si Hannah.


"Meron naman, kahit papaano." ako.


"Ako rin meron akong naipon." si Laica.


"Ako? Wala. hahaha panay kasi ang palibre ng isa jan." si abo, nagpaparinig sakin.


The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon