Chapter 15 : Inlove

25 1 0
                                    

Justin's POV


Nakakapagod sobra. Hindi ko man lang namalayan ang oras, pero parang ang kulang ng oras. Bakit ganito ba ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ito na ba ang tinatawag nilang... Mali! Justin ano bang pinagiiisip mo jan? Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang pagkakayakap ni Taba.


Flashback.


Last 5 seconds na lang kailangan kong makuha ang goal na 50 shots!


5


4


3


2


1


Sa wakas! Nakaabot ako! Hindi ko inakalang kakayanin ko! Nagulat ako ng inabot sa'kin ang teddy bear ni Manong. Tuwang tuwa ako at lalong may mas matutuwa dahil nakuha ko to'.


Tinapat ko sa mukha ni Taba yung teddy bear, ng magising naman!


"Uy bat ka nakapikit? Dumilat ka nga." kaya pala hindi ko naririnig tong Taba na to kasi nakapikit at nacrossed-fingers pa! Hahaha! Nakakatawa siya!


"Abuti---" itinaas ko yung teddy bear, ipaabot ko sana kay Taba pero mukhang iba ang naabot.


Bigla niya kong niyakap, nagulat ako sa nangyari, para akong naging yelo hindi ako makagalaw, ano bang nangyayari sa'kin? Aish!


Bumitaw na siya sa pagkakayakap "Ay sorry." sabay kinuha yung Teddy Bear.


Natahimik kaming dalawa dahil sa awkwardness na nangyari, kaya binasag ko na lamang yun.


"Tara na uwi na tayo, gabi na." sabay hatak ko sa kanya.


Habang naglalakad na kami, may narinig akong dalawang babae na naguusap. Napagkamalan pa nga kaming may relasyon ni Taba, yung relasyon na boyfriend/girlfriend. Ewan pero napapangiti na lang ako nung mga panahong narinig ko yun, alam kong narinig din ni Taba yun.


End of flashback.


Normal ba yun? Ang makaramdam ng hiya at kaba nung mga panahong niyakap ako ni Taba? Hindi ko malaman kung ano ba ang nangyayari sa'kin para akong natutulala sa tuwing didikit siya sa'kin para bang nakukuryente ako, sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam. What is the meaning of this situation? Hindi ko kayang alamin, ano bang nangyayari sa'kin? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa kanya ko lamang nararamdaman ang ganitong pakiramdam. Kakaiba ba siya? Ang dami kong tanong pero hindi ko man lang masagot. Tapos tuwing magkahiwalay na kami o sa gabi bago ako matulog siya ang huling pumapasok sa isip ko, sadya bang ganito lang yun? Sadya bang ganun talaga kapag may kaibigan kang babae? Aish! Ayoko na. Tuwing gabi na lang ako nagtatanong sa sarili ko kung ano ba ito samantalang wala akong makuhang sagot.


Itutulog ko na nga lang ito, baka mapraning pa ako, hays nakakapagod ang araw na ito pero masaya.

The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon