Chapter 10 : Concerned?

60 4 1
                                    

June's POV


Mabigat pa rin ang katawan ko, pero kailangan kong pumasok para wala akong mamiss na lessons at para na rin kay Abo.


"June ok ka lang?" tanong ng classmate ko.


"Hindi e, pero wag mo na kong alalahanin." sabay upo ko sa upuan ko.


"Ah sige." sabi ng classmate ko.


"Hunyoooooo! Nandito ka na pa---" patakbong sabi ni Laica kasama si Hannah.


"Anong nangyare sayo? Para kang nalantang gulay jan?" pagpapatuloy ni Laica.


"May sakit ka ba? Patingin nga." sabay hawak ni Hannah sa noo ko.


"Ang init mo! Bakit ka pa pumasok?" si Hannah.


"Alam ba to nila tita?" si Laica.


"Oo pero sabi ko sa kanila kaya ko naman kaya pinayagan na nila akong pumasok at saka pinilit ko rin sila na pumasok ako."


"Kung inaalala mo yung mga lessons na mamimiss mo, kami ng bahala ni Hannah dun what are friend are three?"


"Anong three? Four kaya tayo!" si Hannah.


"Pano naging apat? E tatlo lang tayo." si Laica.


"Consider na kaya si Justin!" si Hannah.


"Ay oo nga pala! Hahaha!" si Laica.


"Umh, gaga!" sabay palo ni Hannah kay Laica sa ulo.


"Ouch naman." habang hinihimas ni Laica yung side na pinalo ni Laica.


"Gaga ka kasi, kinakalimutan mo si Justin!" si Hannah.


"Sorry naman nasanay lang." si Laica.


"Manahimik na nga kayo, kita niyong may sakit yung tao dito e!" pasigaw ko sa kanila pero paos ako kaya mahina ng konti.


"Ay, tao ka pala? Kala ko biik!" si Hannah.


"Oy! Biik ka jan? Baboy yan no!" si Laica.


"Hahahahaha!" sabay nitong tawa.


"Bwiset kayong dal'wa! Lumayas kayo sa harap ko kundi malilintikan kayo! Bully!" Kainis! Kita na nga nilang may sakit ako ang lalakas pa nilang mangasar!


"Joke lang to naman hindi mabiro." si Laica.


"Oo nga, pinapatawa ka lang namin." si Hannah.


"Pinapatawa? San banda Hannah? Naiinis ako hindi ako natatawa!"

The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon