Part 13

72 4 0
                                    

"Okay  ka lang  Sam?" nag aalalang  tanong  sakin ni Harrison  nginitian ko naman ito sabay sabi na okay lang ako'

"nako kung ako nun Sam baka na sagot ko na yung babaeng  yun" inis na sagot ni Alli  nandito kami ngayon sa Catering area  kasama na rin namin si Harrison  at ngayon nandito pa rin sa tabi ko ayaw umalis 

"Sira okay nako wala lang to" natatawang sagot ko dito

"Ito gamitin mo muna sam " sabay abot sakin ni Harrison  ng coat  nito tinanggihan ko naman ito' sabay bulong dito

" nasa hotel mo tayo baka anong isipin ng mga bisita mo at mga kasama ko"  napakunot naman ang noo ko ng bigla itong tumawa.

"Haha  wag ka mag alaala  akong bahala" natatawang  sagot nito sabay abot ng coat  nito sakin  nag paalam na rin itong aalis na.

" Ahemm ano yan  Sam?? ano yung nakikita ko? " pag  bibiro  ni Alli

" Sira wala yun" natatawang sagot ko dito ' pinunasan ko naman ng tissue  ang damit ko para maalis ang iilang wine na dumikit dito bago sinuot ang coat ni Harrison  medyo bakat kasi ang wine na nabuhos sa damit ko kung kaya't  kailangan  ko muna itong itago. Dito na rin ako sa Catering  area hanggang sa natapos ang event ' dahil di na ako pinayagan ng manager  namin para mag serve ' inayos na rin namin ang iilang gamit ' dahil iilang guest  nalang ang nandirito dahil umalis  na rin ang iba  diko na rin nakita si  Harrison  mukhang umalis na nga ito niligpit ko naman ang iilang bote ng wine at pinasok  sa mga karton nito ng mapansing may lumapit sakin napataas naman ang kilay ko ng makilala kung sino ito.

" Tingnan mo naman di na kami mag tataka kung bakit ang daming nag kakagusto sayo' haha kahit may ari ng hotel nilalandi mo" natatawang sabi nito '  napailing  nalang ako sa sinasabi nito.

"mag dahan dahan ka sa sinasabi mo Zoey" Rinig ko na bulyaw ni Alli na dali daling lumapit  sa kinaroroonan namin.

" Abah? bakit?? totoo naman sinasabi ko ' tingnan mo suot suot niya lang ang damit ni Mr. Clayton  akala mo kung sino  na" pag tataray nito sabay tingin  taas baba sakin.

" kung naiingit ka lang sa kaibigan  ko tumahimik ka nalang  palibhasa walang  may pake sayo" pag iinis ni Alli dito natawa naman  ako sa sagot nito inis namang  umalis si Zoey sa harap namin.

"nako okay ka lang Sam tara sa locker room  mag palit na tayo at umiinit ang ulo ko" pag bibiro nito  niyakap ko naman ito para kumalma

" Ang tapang talaga ng kaibigan  ko wag kanang magalit jan papanget ka niyan " pag bibiro ko dito agad naman nag bago ang mood nito at ngayon nakangiti na ' umalis na rin kami at pumunta na ng locker room nag palit na rin ako ng damit  at buti nalang may baon akong bagong damit . Tinupi ko naman ang Coat ni Harrison  at nilagay ito sa paper bag  saka ko nalang  ulit ito isasauli pag katapos ko ng labhan ito.

" Tara sam" pag aalok sakin ni Alli na imuwi na  lumabas na rin kami ng hotel at nag paalam  na rin to sakin  na mauuna na ito '  maya maya pa ayy biglang tumunog ang Cellphone  ko at dali dali ko naman tiningnan  ito.

Mom calling.........

 teka?? takang tiningnan  ko ulit ang pangalan  at tama nga ang nakikita ko Si Mommy tumatawag, ngayon  lang ulit tumawag ang mga ito at di basta basta tumatawag ang magulang ko kung walang importanteng sasabihin  ang mga ito  agad ko naman itong sinagot.

" Hello Samaria anak kamusta kana?" 

" Hello  Mom okay lang ako napatawag ka?" takang tanong ko agad dito narinig ko namang  tumawa ito sa kabilang linya

" haha what  a surprise my dear  di mo lang ba kami kakamustahin ng Daddy  mo?" pag tatampo nito 

" Kamusta  na kayo ni Dad mom?? and grandma? " tanong ko dito

"okay lang kami ' by the way i have something  to tell you" sagot nito sa kabilang linya.

" Me and your Grandma  have a deal  ' naki usap  ang grandma  mo na doon kana titira sa Condo  nito that's  why pumayag kami ng dad mo  for your safety  naman " Sagot nito nagulat naman ako sa narinig ko' nako hindi pwede may appartment  ako.

"Mom? pero may bahay  ako and may trabaho  na din ako diko na po kailangan  mag stay sa condo ni lola" pag tatangi ko dito.

"Samaria anak pag bigyan mo na ang grandma mo minsan lang mag request  ito and she told us na  u need to work in her  company  so soon alam mo na pano mag handle  anak you need to obey  to your grandma Samaria " giit  ni mommy   napailing  nalang ako sa sinabi nito hindi ako interesado sa mga business  nito kung kaya't  umalis ako sa states  dahil alam kung mangyayari ito at di nga ako nag kamali.

" Anong Company? " tanong  ko dito dahil maraming kumpanyang pag mamayari ang grandma ko at ni isa jan di ako interesado.

" Shipping  company  anak the Royal  Cruise line maraming  bagong launched  barko  ang lola mo at di na nito kaya pang e handle  so kinausap niya ang dad mo na ikaw ng  mag handle nito dahil bussy rin ang dad mo sa work niya' so please Samaria anak please  help  your grandma okay?" pag mamakawa ni mommy  dito. Wala na rin akong nagawa at napapayag na din dito.

"okay mom" sagot ko dito

" Thank anak matutuwa ang grandma  mo pag nalaman niya to' papadala ko nalang sa secretary  ko ang mga Cards  mo and mga--

" Okay mom " pag puputol ko dito   nag paalam na rin ako na ibababa ko na ang tawag dahil uuwi nako '  Mukhang  wala na nga akong magagawa pa pag si Grandma  ang pinag uusapan dahil masyado  kaming close ng grandma  ko kesa sa mga magulang ko dahil nung nasa states kami halos lahat ng oras nila mom and dad ay sa trabaho nila may mga kanya kanyang trabaho ang mga ito at tanging kay grandma nalang ako sumasama wala na rin si grandpa dahil bata palang ako ng namatay ito '  kung di niyo paalam  maraming kumpanya  ang hawak ng mga magulang ko at grandma  ko may iilang business  din na partnership  ang grandma  ko pero sa lahat  ng niyan wala ni isang sumagi sa isip ko na susunod sa yapak ng pagiging negosyante tulad ng mga ito' simula nung grumaduate ako ng college  bilang Marine transportation  and yes isa po akong sea woman at dahil na rin sa source  ng pamilya ko  tinanghal ako bilang pinakabatang Capitan  ng barko  pero dahil na rin sa marami akong naririnig sa tuwing onboard  ako ' kaya't  napag disisyonan kung di kona itutuloy ang pag babarko ko at heto ako nag hahanap ng regular na trabaho  sa lupa at di umaasa sa pera at  kung ano mang meron ang pamilya  ko kaya't  na isipan kung lumayo layo dito at mamuhay ng simple tulad ng ibang tao pero ngayon mukhang balik ulit ako sa ano mang buhay ang meron ako.

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now