"Hello Ma'am welcome aboard" nakangiting bati sakin ng isang flight attendant sabay abot sakin ng juice nito.
" Salamat" nakangiting pasasalamat ko dito.Nandito ako ngayon sa first class nitong eroplano at nasa bandang unahan ako naka upo malapit sa bridge nitong eroplano diko alam bat dito ako pina upo ni Harris nakaka inis lang dahil nasa tabi ko lang ang iilang mga crew nitong eroplano. Nakakailang lang din dahil panay tingin ang mga ito sakin at pinag uusapan ako. Ilang minuto nalang ay lilipad na kami medyo kinakabahan ako dahil ako lang mag isang nakaupo dito sa first class,
" okay lang po kayo ma'am?? mukhang namumutla po kayo??" takang tanong sakin ng isang flight attendant sabay lapit nito sakin.
"nako' okay lang ako di lang ako sanay bumyahe mag isa"sagot ko dito mukhang na intindihan naman nito, umalis na rin agad ito at pumunta na rin sa kinaroroonan ng mga kasama nito.Napatingin naman ako sa pinto ng bridge ng biglang bumukas ito nakita ko naman si Harris na lumabas at nag lakad papunta sa direksyon ko.
"You okay??" seryosong tanong nito' umiling naman ako sabay sagot dito na okay lang ako pero di pa rin ito umaalis sa tabi ko, sumenyas naman ito sa isang flight attendant at tila may binulong ito at umalis na rin agad ang flight attendant palabas ng eroplano.
" Hindi pa ba tayo aalis??" takang tanong ko dito .
"Not yet" seryosong sagot nito sabay upo sa harap ko
" bakit?? " takang tanong ko ulit dito.
" Wala pang piloto" walang ganang sagot nito , kunot noong tiningnan ko naman ito
"Aba?? diba ikaw ang piloto ?" inis na sagot ko dito,
"Who said? " taas kilay na tanong nito sabay tingin sakin.
"Ikaw??"
"At kailan ko sinabi yun ?" sagot nito, inis ko namang tiningnan ito.
"ohh Harris ano?? di pa ba----
" Capt. nandito na po si Capt. Simon " diko natuloy ang sasabihin ko ng biglang lumapit sa amin yung kaninang flight attendant at may kasama itong bagong Piloto , tumayo na rin si Harris at sinamahan itong pumasok ng bridge maya maya pa ayy lumabas ulit ito at umupo ulit sa harap ko.
"teka?? yun ba yung Piloto ??"takang tanong ko dito' sabay turo sa bridge umiling naman ito na 0o ' maya maya pa ayy naramdaman ko ng papaalis na ang eroplano umayos naman ako ng upo.
"okay ka lang? " takang tanong ni Harris sabay tingin nito sakin at napansin naman nitong namumutla ako.
"Ang totoo niyan natatakot ako" nahihiyang sagot ko dito , tumayo naman ito sabay upo sa tabi ko '
" Tekaa anong ginagawa mo??" takang tanong ko dito na ngayon naka upo na ito sa tabi ko sabay kabit ng seatbelt nito .
"tinatabihan ka??" pag babara na sagot nito .
" per--o bak-it???" nauutal na tanong ko dito, tiningnan lang ako nito sabay hawak sa kamay ko
"close your eyes " bulong nito habang hawak hawak ang kamay ko , napapikit naman ako sabay hawak din ng mahigpit sa kamay nito ng naramdamang palipad na kami' tumagal din ng ilang minuto bago mawala yung kaba ko at dahan dahan ko namang binuksan ang mata ko nanlaki naman ang mata ko ng makitang nakatingin ito sakin agad ko namang inalis ang kamay ko sa pag kakahawak nito.
" uhmm okay nako!" sagot ko dito.
" Okay" rinig ko na bulong nito tumayo na rin ito at umalis na rin agad ito. Takang tiningnan ko naman ito ng dire -diretso lang itong nag lakad papalayo sa kinaroroonan ko.
YOU ARE READING
The Unknown Billionaire
RomanceSamaria Amerson the only daughter of the Walker Family who have a biggest Empire in the world with all of money ' power ' beauty ' Samaria wanted to live in a simple life trying different things made her happy but living in a simple life change her...