Part 40

44 1 0
                                    

Maaga akong nagising dahil ngayon ang check up ko sa hospital nila Madrid at ngayon namin malalaman kung anong kasarian ng mga magiging anak namin, napatingin naman ako sa pinto at nag babakasakali na makitang dumating si Harris hanggang ngayon di pa rin ito nakakauwi.

" tara na Sam" pag aalok sakin ni Harry umalis lumabas na rin kami ng bahay at nag lakad na rin papunta ng sasakyan nito inalalayan naman ako nitong pumasok ng sasakyan nito,pumasok na rin ito at nag simula na ring mag maneho.

"uhm si Harris ba pupunta??" tanong ko dito habang nakatingin sa labas,

" Wag kang mag alala Sam pupunta ang kambal ko " nakangiting sagot nito, napailing nalang ako sa sinabi nito napapansin ko rin na itong mga nakaraang linggo madalas umaalis si Harris at minsan diko na naaabutan ito pag gising ko at diko rin naaabutan bago ako matulog.

" Nandito na tayo Sam " napatingin naman ako kay Harry ng mag salita ito diko napansin nakarating na pala kami ng hospital malapit lang kasi ito sa bahay nila Harris, lumabas na rin kami ng sasakyan nito at inalalayan naman ako nitong mag lakad papasok ng hospital.

"Hi Sam kamusta??" nakangiting bati sakin ni Madrid.

"ito okay lang"sagot ko dito, nandito na sila lahat maliban kay Harris nakangiting nilapitan naman ako ng mga ito sabay kamusta sakin.

"mukhang matamlay ka ata Sam okay ka lang??" takang tanong sakin ni Thurner,

" uhmm okay lang ako Thurner" sagot ko dito, napatingin naman ako sa pinto ng biglang bumukas ito. Napailing nalang ako ng makita kung sinong pumasok.

"Hello Ms.Amerson kamusta??" nakangiting bati sakin ng doctora sabay lapit nito sa kinaroroonan namin ni Harry.

"Hello Doc. ito okay naman " nakangiting sagot ko dito

"Ready kana ba malaman ang gender ng mga baby niyo??" nakangiting tanong nito.

" uhm r-eady na" nauutal na sagot ko dito' pinahiga na ako nito at nilagyan na rin ng kumot ang bandang tiyan ko .

" Ready kana ba Ms. Amerson??" tanong ulit nito sakin.

" Pwede bang mag antay muna tayo ng ilang minute " sagot ko dito, sabay tingin kay Harry.

"Da-rating ba si Harris? " naiiyak na tanong ko kay Harry, tumingin naman ito kanila Collins sabay harap sakin.

"Pupunta siya Sam sinabi niya sakin kanila" nakangiting sagot nito, pero tila di pa rin ako kumbinsido sa sinabi nito.

" Wait i will call Harris " sagot ni Harrison sabay labas ng kwarto .

" relax Sam pupunta si Harris imposibleng di siya pupunta napaka importante ng araw na ito para sa inyo dalawa" pag papalakas ng loob sakin ni Madrid, maya maya pa ayy pumasok na si Harrison at tila nag dadalawang isip pa itong mag salita.

" Ano natawagan mo na si Harris?" takang tanong ni Harriot dito' umiling naman ito sabay sabi na di matawagan si Harris.

" Mag antay pa tayo ng ilang minuto darating din siya" sagot ni Harry sabay patahan sakin pinipigilan ko namang umiyak pero tila diko ma pigilan ang di maluha dahil ito ang araw na inaantay namin ' pero tila wala lang para sa kanya ito.

" G-usto ko ng umuwi" naiiyak na sagot ko sa mga ito nagulat naman ang mga ito sa sinabi.

"Wait sa--

" gusto ko ng umuwi Harry " sagot ko ulit dito.

" 0-kayy Sam " tinulungan naman ako nitong tumayo ' at di na rin ako nag abala pang mag paalam sa mga ito pero pilit pa rin ako ng mga ito na wag paalisin pero diko na alam kung anong paniniwalaan ko ang alam ko sobrang sakit na ng nararamdaman ko na tila hindi importante kay Harris ang araw na ito at di ko naman mapigilan ang di maging emosyonal dahil dito. Pumasok na rin kami sa sasakyan ni Harry at nag maneho na rin ito papunta sa bahay ni Harris buong byahe wala akong imik at tanging iyak lang ang nagagawa ko ilang beses na rin akong pinapatahan ni Harry pero diko pa rin mapigilan ang di maiyak 'maya maya pa ay dumating na kami ng bahay tinulugan naman ako nitong mag lakad papunta sa kwarto namin ni Harris at tulad nga ng iniisip ko wala pa rin ito.

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now