HARRIS P.O.V
" Sam gumising ka please" pag mamakaawa ko dito' halos mabaliw akong makita ito kanina na sinasagasaan ng truck sa harap ko'
"Sam gumising ka" iyak na hinawakan ko naman ang kamay nito, puno ito ng dugo dahil sa mga natamo nitong sugat at diko rin ma iwasan na di mabahala dahil sa daming dugo ang lumabas sa baba nito at baka ano ng nangyari sa mga anak namin' hindi ko na alam ang gagawin ko.
" Harris hanggang dito ka nalang kailangan naming dalhin si sam sa emergency room " pag pipigil sakin nila Harriot
" Hindi!! hindi ko iiwanan ang mag ina ko" sagot ko dito sabay hawak ng mahigpit kay sam na ngayon walang malay.
"Please Harry kailangan na ni Sam dalhin sa emergency room at hindi ka pwedeng pumasok dun" pag pipigil sakin ni Harriot agad naman akong hinila papalayo ng kambal ko at tuluyan ng pinasok si Sam sa emergency .
" Harry kumalma ka mag tiwala tayo na nasa mabuting kalagayan ang mag ina mo" pag papakalma sakin ng kambal ko .
"Kasalanan ko ang lahat ng ito' kung hindi sakin di mangyayari ito" naiiyak na sagot ko dito .
" walang may kasalanan Harris kumalma ka lang"
Nakatayo lang kami sa labas ng emergency room at nag aantay na lumabas ang doctor.
" f*ck bat wala pa ring lumabas na doctor baka ano ng nangyari sa mag ina" galit na sagot ko dito akmang bubuksan ko na ang pinto nitong emergency room ng pigilan ako ng mga ito.
" kumalma ka Harris hindi ka makakatulong pag ginulo mo sila sa loob mas lalong malalagay sa panganib ang buhay nila Sam " Napailing nalang ako sa sinabi ng mga ito. Nakaantay lang kami dito sa labas at mag iisang oras na pero tila wala pa ring balita sa loob'maya maya pa ayy bumukas ang pinto at lumabas si Madrid dali dali naman akong lumapit dito.
"Sh*t Madrid Kamusta si Sam??? kamusta ang mag ina ko??" wala sa sariling tanong ko dito.
"Kumalma ka Harris " sagot nito.
" Anong sitwasyon nila sam Madrid?" tanong ni Harry.
"Nasa kritikal na sitwasyon si sam at ang mga bata" Agad naman akong napasuntok sa pader sa narinig ko, kasalan ko ito.
" Look Harris alam kong napakahirap na disisyon ito pero' dapat alisin ang mga bata sa sinapupunan ni Sam sa madaling panahon" Agad naman akong napatingin sa sinabi nito.
" What do you mean??"
"Kailangan maalis ang mga bata sa sinapupunan ni Sam sa madaling panahon bago pa tumigil sa ang mga puso ng mga ito sa pag tibok at kailangan malipat sala sa incubator sa madaling panahon ' kung hindi magagawa yun maari silang mamatay sa sinapupunan ni Sam " Sagot nito.
"Gawin niyo ang lahat Madrid iligtas niyo ang mag ina ko"
"Pero Harris pag ginawa namin yun manganganib ang buhay ni Sam " agad naman akong nanlumo sa sinabi nito isa sa buhay ng mahal ko ang nakasalalay dito at diko alam kung anong pipiliin ko.
"Gawin niyo ang lahat!!! iligtis niyo ang mag ina ko!!alam kong maililigtas niyo si Sam " naiiyak na sagot ko dito hindi ko na alam kung anong gagawin ko mas lalo pang naging komplikado ang lahat.
" wag ka mag alaala gagawin namin ang lahat para maligtas sila" sagot ni Madrid pumasok na rin ito sa loob.
"Tinawagan ko na ang mga magulang ni Sam at papunta na sila ngayon" sagot ng kambal ko' napaupo naman ako at napahilamos sa mukha hindi ko alam anong gagawin ko sakaling may isa sa kanila ang mawala ' mababaliw ako pag nag kataon yun!! Kasalanan ko ang lahat ng ito hindi mangyayari ang lahat ng ito kung di dahil sakin, Hindi ko alam na aabot sa ganito ang lahat.
"magtiwala tayo Harris maliligtas sila sam" pag papalakas ng loob sakin nila Thurner ' pero nandito pa rin ang takot ko na baka diko na makikita ang isa sa kanila.
Mag lilimang oras na at wala pa ring balita sa kung anong kalagayan nila sam at mas lalo pa ako kinakabahan pag tumatagal ang oras at nasa loob pa sila. Maya maya pa ayy dumating na ang mga magulang nila Sam"Asan ang anak ko??? where is Sam??" naiiyak na tanong sakin ng mommy nito sinabi ko naman na nasa loob pa ito. Napahawak naman ako sa bibig ko ng bigla itong suntukin ng daddy ni Sam.
"I trust you Harris ' pinag katiwalan kita na malalagay sa mabuting kamay ang anak ko ' pero diko alam bat umabot sa punto na nag aagaw buhay ngayon ang anak ko!" galit na sigaw nito sakin pinigilan naman ito nila Harry.
" Huminahon po tayo Mr.Amerson' wala pong mangyayaring masama kanila Sam" pag papakalma ng kambal ko dito.
"Pag may nangyaring masama sa Anak at Apo ko mananagot ka sakin Harris" sagot ng Daddy nito sakin.
" Patawarin niyo po ako Mr.Amerson " lumuhod naman ako sa harap nito sabay hingi ng tawad.
" Tumayo ka Harris 'walang may kasalanan aksindente ang lahat wag tayong mag away away ' mag dasal tayo na nasa mabuting kalagayan ang Apo ko at ang mga anak nito" pinatayo naman ako ng lola nito
" Tigilan mo yan Harold wag mong sisisihin ang bata walang may gustong mangyari nito" pag pipigil nito sa daddy ni Sam,
"Pasensya na nadala lang ako ng imosyon ko dahil sa nangyari sa anak ko ayaw ko maulit ulit ang nanyari Nine years ago takot na akong maulit ulit na muntikan na mawala sa atin si Sam at dahil ulit sayo Harris " Seryosong sagot ng tatay ni sam sabay tingin sakin.
"Wag mo ng ibalik ang nakaraan Harold matagal ng tapos iyon!" giit ni Mrs. Walker dito, Napailing nalang ako sa sinabi nito 0o ako din ang may kasalanan sa isang aksidente na nangyari kay Sam Nine years ago.
Labing Anim na taon palang nun si Sam at labing pitong taon naman ako nung unang beses na pinag kasundo kami' pareho kaming tutol dalawa sa arrange marriage na binabalak sa amin unang beses na nag kita kami nito ayy halos i sumpa ako nito dahil di kami mag kasundo nung mga panahong nag aaral pa kami nito dahil kumalat sa buong paaralan na kaming dalawa ay mag papakasal na at lahat ng mga babae sa buong paaralan ayy sinusumpa siya at kung ano anong banta ang natatanggap nito kaya't gusto nitong tumutol sa arrange marriage na gagawin sa amin .Isang beses na mag fa-family dinner ang mga pamilya namin at pag uusapan ulit ang kasalanan na magaganap sa pagitan ng pamilya nila at pamilya namin naisipan nitong tumakas sa hotel at aksidente din itong nasagasaan ng truck sa mismong harap namin at doon na coma ito ng anim na buwan hanggang sa nagising ito at nag ka amnesia sa nangyari hanggang ngayon at yun din ang dahilan kung bakit nag karoon kami ng kasunduan ni Mrs. Walker na hanggat di bumabalik ang alaala ni Sam hindi ko pwedeng lapitan or banggitin lamang ang kasal na nauugnay sa amin, Kaya't sa siyam na taon na yun tiniis kong lumapit kay sam kahit sa siyam na taon na yun ay may lihim na akong pag tingin dito at laking tuwa ko nalang na makita ko ito ulit at nakasama ng dahil lang sa batang walang muwang at ayaw itong tantanan at dahil dun nag karoon ako ng pag kakataon na malapitan lang ito at makasama kahit di kami gaanong malapit sa isat-isa hanggang sa dumating ang panahon na mahal na din pala namin ang isat isa at' ito pa ang nangyari nasaktan ito ng dahil sakin kung alam ko lang na mang yayari ito mas pinili ko sanang ituloy ang mga panahong hanggang tingin lang ako dito.
YOU ARE READING
The Unknown Billionaire
RomanceSamaria Amerson the only daughter of the Walker Family who have a biggest Empire in the world with all of money ' power ' beauty ' Samaria wanted to live in a simple life trying different things made her happy but living in a simple life change her...