Maaga akong nagising at napansin ko wala na si Harris sa tabi hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa amin kagabi napangiti naman ako ng may makita akong isang piraso ng bulaklak agad ko naman kinuha ito sabay amoy dito may nakasabit naman dito at napangiti naman ako sa nabasa ko.
"IloveyouSam"
maya maya pa ayy tumayo na rin ako tinakip ko ang kumot sa buong katawan ko ' agad naman akong napangiwi ng biglang sumakit ang bandang baba ko . Nag lakad na rin ako papuntang banyo at naisipan na ring maligo diko naman maiwasang mapangiti ' sa dami ng nangyari na kasama ko ito ngayon ko lang nalaman na mahal din pala ako nito . Inaaamin ko Mahal ko na rin ito pero diko ma iwasang itago ang nararamdaman ko dahil kaibigan lang ang turing ko sa mga ito pero mas higit pa pala ang nararamdam ko dito . Natapos na rin ako sa routine ko at nag bihis na rin ako ilang oras nalang ay flight ko na papuntang France at bukas na ang event . Pinatuyo ko na rin ang buhok ko at nag lagay na rin ng kaonting make up maya maya pa ayy bigla akong napatingil sa ginagawa ko ng makita si Harris na naka sandal sa pinto at nakangiting nakatingin sakin, Lumapit naman ito sabay yakap sa likod ko.
"Goodmorning Sam" nakangiting bulong nito sabay halik sa leeg' diko naman maiwasan mapangiti sa ginawa nito humarap naman ako dito sabay tingin dito naka suot na ito ng uniform nito at tila handa na itong umalis.
"San ka galing? " nakangiting tanong ko dito , ngumiti naman ito sabay pisil sa pisngi ko.
"May meeting kami ng mga kasama ko kaya umalis ako saglit" pag papaliwanag nito diko naman maiwasan mapatingin dito dahil di ako sanay na makitang nakangiti ito .
"Bagay sayo pag nakangiti ka " bulong ko dito ' bigla naman itong ngumiti sabay halik sakin, nakakapanibago lang dahil ibang iba na ito sa Harris na kilala ko pero mas gusto ko ang Harris ngayon kumpara noon.
"Sayo lang ako nag kakaganito" sagot nito , maya maya pa ayy lumabas na rin kami ng kwarto ,halos ayaw pa nitong bitawan ang pag kakahawak sa kamay ko.
" Harris nakatingin sila" wala sa sariling bulong ko dito ng mapansing nakatingin sa amin ang iilang kasama nito.
" And??" takang tanong nito,
"Nakakahiya ' pwede ba pag tayong dalawa lang yung walang nakatingin" nahihiyang bulong ko dito ' agad namang tumingin ito sakin na tila di sang ayon ito pero kalaunan ayy pumayag din ito ' hinawakan muna nito ng mahigpit ang kamay ko sabay bitaw nito. Ngayon seryoso na ulit ito at tila bumalik na ulit ang Harris na kilala ko.
" Iloveyou" wala sa sariling bulong ko dito habang nag lalakad kami napansin ko namang napangiti ito pero biglang nag seryoso ulit . Napatingin naman ako sa di kalayuan ng may iilang kumakaway at papalapit saamin , napangiti naman ako ng makilala ang mga ito.
" Collins, Hailey" nakangiting bati ko dito lumapit naman ito sa amin sabay yakap ng mga ito sakin ' natawa naman ako ng mapansin tumaas ang kilay ni Harris sabay tingin sa mga ito.
"Papuntang France din ba kayo??" nakangiting tanong ko dito.
" yeahh mag pa-private jet sana kami pa puntang France kaso nabanggit ni Harris na nandito ka sa airport kaya na isipan na rin naming habulin ka dito para sabay sabay na tayong pumunta dun" nakangiting paliwanag nito
" Ganon? ba?? haha tara na baka mahuli na tayo?" pag aalok ko dito nag lakad na rin kami hanggang sa makarating kami ng gate. Nag paalam na rin sila Harris dahil ibang flight pala byahe nito ' diko naman maiwasang di malungkot dahil di ko makakasama ito.
"Sige Harris kami ng bahala kay Sam" nakangiting sagot nila Collins sabay paalam kay Harris, gusto ko itong yakapin bago ito umalis pero alam kung nag pipigil lang din ito dahil nandito rin ang iilang kaibigan namin ' pasimple nalang nito hinawakan ang kamay ko sabay abot sa akin ng maleta ko tila ayaw pa nitong bitawan ang pag kakahawak sa kamay ko pero ' tinawag na ito ng mga kasama nito kayat wala na rin itong nagawa at umalis na rin .
"Tara na Sam" pag aalok sakin nila Hailey umalis , nag lakad na rin kami at umakyat na rin ng eroplano nasa first class kami nitong eroplano at katabi ko lang din sina Hailey at Collins .Napansin ko namang may iilang crew ang nakakakilala kay Hailey .
" Mukhang marami atang nakakakilala sayo dito Hailey " nakangiting biro ko dito
"hahaha Harry dad and my Mom mag ka sosyo sa lahat ng Airlines" nahihiyang sagot nito .
" ah kaya pala" nakangiting sagot ko dito .Maya maya pa ayy pa alis na kami buti nandito sa bandang gitna ang upuan ko at medyo kampante ako sa byahe ilang oras lang din ang byahe kaya't wala din kaming nagawa kundi ang mag kwentohan. Nag kwento naman ang mga ito about sa mga business at pamilya ng mga ito , pero diko maiwasan na di maisip si Harris saang bansa kaya sila papunta ngayon namimiss ko na agad ito gusto ko itong yakapin at makasama ng matagal kanina pero wala din kaming nagawa kundi ang kumilos ng normal. Nag aalala lang ako pag nalaman ng mga kaibigan namin na may nangyari sa amin baka ano isipin ng mga ito kay Harris dahil alam naman ng mga ito na di kami gaanong mag kasundo ni Harris,diko alam bat ang gaan ng loob ko sa tuwing nakikita at nakakasama ko ito feeling ko masaya ako sa tuwing kasama ko ito. Diko naman maiwasan na di isipin yung sinabi ni Uncle Richard na isa sa kanila ni Harry ang magiging fiancee ko sana si Harris yun at di si Harry dahil kaibigan lang ang nararamdaman ko para kay Harry at ayaw kong dumating sa punto na pareho kong masaktan ang mga ito.
"Sam okay ka lang?? kanina ko pa napapansin na malalim ang iniisip mo?" takang tanong sakin ni Collins
" huh?? haha okay lang ako" nakangiting sagot ko dito ' maya maya pa ayy nakarating na kami, diko na gaanong namalayan ang oras hanggang sa lumapag na ang eroplano ' lumabas na rin kami at bumaba na rin .
Nag lakad na rin kami palabas ng airport at may iilang lalaki namang lumapit sa amin at tila mga tauhan ito ng grandma ko may huminto namang tatlong itim na limousine sa harap namin at tila tig iisang sasakyan kami nila Collins ,
" oh?? haha pwede namang isang sasakyan nalang tayo?" di makapaniwala na sagot ni Collins sinabihan ko naman ang iilang lalaki na wag ng buksan ang dalawang sasakyan ' pumasok na rin kami at umalis na rin.
" Uhm?? san tayo pupunta Sam?" takang tanong sakin ni Hailey
"Papunta tayo ng port sa isang cruise ship tayo muna tutuloy bago ang event bukas " nakangiting sagot ko dito.
"Nga pala Heto" sabay abot ko sa mga ito
" uhm? para saan to Sam?" takang tanong ng mga ito sabay tingin sa binigay.
"haha wala naman isang Card lang yan baka makatulong sa inyo pag nasa barko na tayo pwede niyo gamitin yan kung saan niyo gustong gamitin" nakangiting sagot ko dito.
"Thank you Sam " nakangiting pag papasalamat ng mga ito sakin .Maya maya pa ayy dumating na kami ng port at di nako nagulat sa pa grand welcome ng mga crew sa amin . Pumasok na rin kami ng barko at masaya naman kaming sinalubong ng mga Capitan at official nitong barko.
"Uncle Nestor " nakangiting niyakap ko naman ito.
" Samaria haha I miss you iha " nakangiting niyakap din ako nito.
" kamusta na po kayo?? nandito na po si grandma??" takang tanong ko dito .
"Wala pa dito ang lola mo bukas pa darating kasama ang Mommy at Daddy mo" nakangiting sagot nito Si Uncle Nestor ang kapatid ng grandma ko at kaya Uncle ang tawag ko dito dahil ayaw nitong tawagin ko siyang lolo dahil ayaw nitong masabihan na matanda kahit matanda na nga ito haha si Uncle Nestor siya ang nakakatandang kapatid ng grandma ko isang taon lang ang agwat ng mga ito kaya't parang kambal na ni grandma itong si Uncle Nestor medyo madaldal din ito at sobrang bait kabaliktaran ng grandma ko na medyo tahimik at medyo masungit pero mabait naman.
" And who are those?" nakangiting tanong ni Uncle Nestor sabay turo kanila Collins at Hailey.
"oh? Collins Laurel at Hailey Warren mga investors po natin Uncle " pag papakilala ko sa mga ito lumapit naman si Uncle sabay kamay sa mga ito.
"Nestor Walker " pag papakilala din ni uncle dito nagulat naman ang mga ito at nakipag kamay na din dito.
"Marunong ba kayong mag golf?" tanong ni uncle dito '
" Y-es sir madalas po kami nag lalaro " nakangiting sagot ni Hailey kay uncle .
" ohh?? mukhang mag kakasundo tayo " nakangiting sagot ni uncle dito natawa naman ako dahil nakuha agad ng mga ito ang tiwala ni uncle. Niyaya naman ni Uncle ang mga ito mag laro ' di na rin ako sumama sa mga ito at dumeretso na rin sa Cabina ko .
YOU ARE READING
The Unknown Billionaire
RomanceSamaria Amerson the only daughter of the Walker Family who have a biggest Empire in the world with all of money ' power ' beauty ' Samaria wanted to live in a simple life trying different things made her happy but living in a simple life change her...
