3

208 6 0
                                    

"Hi nice to meet you again."

Napangiti naman siya at agad na binati ang host naming si Shanna. Sabay kaming naupo at hindi pa rin nahinto ang sigawan ng mga manonood. Todo naman ang ngiti ni Levisian na kumakaway kaway pa.

"Good Evening Levisian, nice to meet you. Totoo ngang gwapo ka sa personal." Papuri ng host.

"Ay thank you." Sagot ni Levisian na halatang nahiya pa. "Actually this is not my first time visiting this show. I already come here."

"Really? Ow wow. Sayang at ngayon ka lang namin nainvite sa mismong show."

"It's okay." Sabi ni Levisian.

Nakangiti lang ako habang naglilipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa ng sabay na silang napalingon sa akin.

"You meet before?" Tanong ni Shanna, hindi makapaniwala.

Tumango naman ako. "Actually, the first time we met is very complicated." Natatawang sabi ko. "Nasa laro siya then nabungguan ko siya dahilan para mabasag ko ang helmet niya. It wad happen when we first time we met."

Natawa naman si Levisian na nilingo pa ako at tumango tango. "I know you are an actress that time. Hindi ko alam na totoo palang artista ka."

Napaawang pa ang labi ko at agad ding napangiti, hindi inaasahan ang sinabi niya.

"Owww." Sabi ni Shanna na naglilipat lipat pa ng tingin sa aming dalawa ni Levisian. "And that time, Brent is also a player?" Nakangiting tanong ni Shanna.

Tumango naman ako at naghiwayan nanaman ang mga manonood. Nadagdagan ang issue dahil sa litratong nakuhanan 'nung araw na 'yun.

"Ah Brent Mendoza, an motor riding actor." Sabi ni Levisian, tumango naman kami.

Marami pa ang mga pakulo ng show hanggang sa matapos ay nakaramdam na ako ng gutom. Nang matapos ay kumain agad ako dahil kanina pa talaga ako nakakaramdam ng gutom, tinitiis ko lang.

"Hey."

Napalingon ako sa likod ng may magsalita. Si Brent na may dalang paper bag at iabot sa akin. Napangiti naman ako at agad sinilip 'yun.

"Ow. Sakto kumakain ako." Sabi ko, pagkain ang dala niya.

Ngumiti naman siya at naupo sa tabi ko. This is scripted because we know that it has camera behind us. 'Yun ang napagkakasunduan namin everything na nasa iisa kaming lugar. Well, we're close naman slight.

"Kasama mo pala si Levisian kanina sa show mo? Napanood ko." Natatawang sabi niya habang kumakain.

Tumango naman ako. "Oo nga, I didn't expect that."

"He's cool and nice."

Suminghal naman ako. "Psh whatever."

Natawa na lang siya. Matapos 'yun ay nagpaalam na kami sa isa't isa dahil gusto ko na rin magpahinga. Nakauwi na 'ko lahat lahat pero nagtataka pa rin ako sa pagkatao ni Levisian kaya sinubukan ko siyang isearch sa social media pero biglang naubusan ng load 'yung wifi, shit.

In another day, I wake up early to take some exercises. I need to be fit or else, baka mawalan ako ng trabaho.

"Wala ka bang balak na magkaboyfriend?" Natatawang tanong ni Haz.

Natawa naman ako at umiling. Almost a years na kasi ng last na magkaroon ako ng boyfriend. Siguro trauma na rin because of the past.

"Hindi ka ba naiinggit na may mga bebetime sila?" Natatawang tanong nanaman ni Haz.

"Ikakayaman ko ba 'yung bebetime na 'yan?"

Umiling na lang siya na parang nadidisappoint pa sa sagot ko. Well, I was practical. I choose money than love and like what I said, I was trauma before because of that love.

Napalingon ako sa phone ng magring 'yun. Si Brent. Kinuha ko naman agad 'yun at sinagot.

"Good morning. Yes?" Pandidiretso ko.

[Xajah please help us, we are in the trap.]

Napakunot naman ang noo ko na napalingon pa kay Haz na abalang nagpapatuloy ng stretching niya. Napalingon pa ako sa relo, it's already 6:30AM. Wala pa man siyang sinasabi kung ano, alam ko na. Paulit ulit 'tong nangyayari at naiipit ako palagi between him and his non showbiz girlfriend.

"What the hell are you doing? It's too early to disturb me Brent." Singhal ko habang mabilis na nag aayos ng gamit. "Haz, I'll comeback."

May pagtataka man kay Haz ay tumango na lang siya. Madali naman akong lumabas ng gym. Ang gym dito ay safe because it's for actress and actor.

[Exactly! Akala kasi namin walang tao ng ganitong oras pero binulaga kami ng mga tao dito.]

Napasinghal naman ako. "Text the address, pupunta ako."

Inoff ko na ang tawag at nagmaneho na. Binigay niya naman agad ang adress kaya madali kong napuntahan dahil hindi naman pala kalayuan sa gym. Nanlaki ang mata kong nakatingin sa mga kumpulan ng tao. May harang naman para sa daraanan niya at paniguradong hindi siya masasaktan. I'm still inside the car when I call him. I already looking to his car.

"Sabihan mo 'yung girlfriend mo na maiwan sa kotse mo. Sabay tayong lalabas ng kotse." Sabi ko, inihahanda ang sarili.

[Okay okay]

"Let's go." Sabi ko bago ibinaba ang tawag at bumaba ng kotse.

Nagtama na nga agad ang tingin namin ni Brent. Lumapit kami sa isa't isa at umaktong magkasama kami.

"Call your girl at sabihan mong magmaneho siya palayo kapag wala ng tao." Bulong ko kay Brent.

Tumango naman siya. Kay aga aga ay maraming camera ang nakaharap sa amin. Kumaway pa kami sa mga tao bago pumasok sa isang apartment. Apartment 'to ni Brent. Tsk.

"I'm sorry. Naabala nanamana kita." Sabi ni Brent na napakamot pa sa ulo.

"It's fine. How's your girlfriend?" Tanong ko ng mapansin na may katawag siya kanina.

"Nakapagmaneho na daw siya palayo. Thank you ulit ha. By the way, saan ka galing? Samahan na kita."

Umiling naman ako. "Sa gym lang ako galing. I can go back there. Stay ka na lang dito. Hayaan mo muna 'yung mga tao sa labas."

"Are you sure?"

Tumango naman akoat nagpaalam ng umalis. Pagbalik ko ng gym ay naabutan ko ng may kausap si Haz. Sabay silang napalingon sa akin ng mapansin akong palapit sa kanila. Medyo nagulat pa 'ko ng mamukhaan ko ang kausap niya, si Levisian.

"Hi good morning." Bati niya todo ang ngiti.

"Good morning." Bati ko din tsaka muling tinuon ang tingin kay Haz.

Hindi ko alam na may koneksyon pala silang dalawa or feeling close nanaman 'tong si Haz.

"You already met right?" Tanong ni Haz sa akin tsaka kay Levisian. Nagkatitigan pa kami ni Levi bago tumango. "Xajah, Levisian and I is business partner. He is the CEO of Astreo Company, the Company who  handle the Levi's Male Clothing and Levi's Perfume."

Nagulat pa ako sa sinabi niya. So hindi lang pala 'to rider, CEO din ha. Napatingin nama  ako kay Levisian na tumango pa.

"And Levisian, this is my friend Xajah, the most beautiful actress in our industry." Pagpapakilala naman sa'kin ni Haz.

"Yeah I agree." Natatawang sabi niya na nilingon pa ako. "By the way, let's eat breakfast together?"

________________________________________________________________________________________

CEO's SERIES 10: THE TRAP OF MR. CEO | ✓Where stories live. Discover now