19

159 6 0
                                    

"Ano bang pinagsasasabi niya?"

Wala sa sariling tanong ko. Nakatulala lang ako habang malayo ang tingin. Masyadong malalim ang iniisip ko. Ilanh minuti akong tulala bago naisipang linisin ang condo ni Levisian.

Malinis naman ang condo niya. Wala ngang kaalikabok-alikabok. Medyo magulo lang ang kwarto niya pero malinis pa din naman tignan. Napunta ako sa mga drawer niya. Pinag isipan ko muna 'yon kung bubuksan ko ba o hindi na pero mamamatay ako sa curious kung ano ang lagay 'nun.

Napalingon muna ako sa likod bago binuksan ang drawer niya malapit sa lamp. Napakunot agad ang noo ko ng makita ang maraming papeles. Kinuha ko 'yon para tignan isa isa. Puro lang 'yon kontrata galing sa mga katrabaho niya.

Napatingin naman ako sa  kabilang brown envelop. Kukunin ko na sana 'yon kaso narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya dali dali kong binalik ang mga papeles at nagkunwaring walang nangyari.

"A-Ang bilis mo naman," sabi ko ng makita si Levisian na naghuhubad ng coat niya.

Ngumiti naman siya sa akin. "I told you, I want to have a serious but romantic date with you. Let's go?"

Napakunot naman ang noo ko na napalingon pa sa suot kong damit. Nakatshirt lang ako at short.

"Magbibihis muna ako saglit," sabi ko na nagmadaling nagbihis.

Naghahalo ang kaba at excitement sa sistema ko. Sa buong buhay ko kasi ay ngayon lang aki niyaya ng date. Nagkaroon na din naman ako ng date dati pero hindi 'yon biglaan. Pinagplanuhan 'yon at para sa trabaho pa.

Namili ako ng dress na alam kong maganda. Kulay pula 'yon na may manipis na strap. Hanggang tuhod at hapit na hapit sa akin. Naglagay din ako ng konting make up bago humarap kay Levisian.

Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa habang abala sa pagpindot ng phone niya. Dahan dahan siyang napalingon sa akin at halata ang pagkamangha sa itsura ng makita ang kabuuhan ko. Napalunok pa siyang tumayo habang inilalagay ang phone niya sa bulsa.

"You're so lovely," sabi niya habang nakangiti sa akin.

Napangiti naman ako at nagpasalamat. Para bang wala kaming tampuhan na nangyari kani-kanina lang. Ang bilis ng oras.

Dahil wala pa akong hills na suot ay siya na ang nagvolunteer na magsuot 'nun sa akin dahil nga mahihirapan pa akong yumuko dahil sa suot ko. Kulay silver ang hills ko na hindi katangkaran.

Napangiti naman ako habang pinapanood siyang isuot 'yon sa akin. Nanlaki ang mata ko ng halikan niya ang binti ko bago tumayo. Napalunok ako ng magtama ang tingin namin pero parang wala lang 'yon sa kaniya.

Inalalayan niya naman ako hanggang  sa makalabas. Doon ko lang nalaman kung gaano karaming tao ang narito. Maraming camera ang nakaharap sa amin at kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.

"Come on Xajah, ikinakahiya mo ba 'kong kasama?" tanong ni Levisian na ikinalingon ko.

"Ha? Hindi! Baka kasi maissue tayo," sabi ko na napalunok pa.

"Natatakot ka ba na maissue tayong dalawa?" tanong niya habang kunot ang noo.

Sasagot na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko at taas noong naglakad sa gitna ng maraming camera. Halata din ang pagkamangha, tuwa at kilig sa mga reaksyon ng mga tao.

Wala akong nagawa kundi harapin ang nangyayari. Wag lang sana 'to malaman ng manager ko dahil malilintikan ako kapag nalaman niyang gumagawa ako ng bagong isipin sa mga taga hanga ko.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko ng makapasok kami ng kotse niya.

Ngumiti nanaman siya sa akin na sinuutan pa ako ng jacket niya at seatbelt.

"I know how beautiful you wear but it's not helpful. Malamig ang pupuntahan natin kaya kailangan ko munang takpan ang ganda ng katawan mo," sabi niya bago magmaneho.

Pakiramdam ko ay namula ako sa sinabi niya. Ano ba Xajah!

Medyo malayo layo nga ang pupuntahan namin kaya sa tagal ng byahe ay nakatulog ako. Nagising lang ako dahil sa lamig na bumalot sa akin. Pagmulat ko ng mata ay saktong tumama 'yon kay Levisian. Hindi ko alam kung kanina pa ba siya nakatitig sa akin. Nakahinto na ang kotse at titig na titig siya sa mukha ko. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa pagkailang. Nagulat ako ng makita ang paligid na medyo madilim na.

"Saan tayo?" tanong ko habang nililbot ang tingin.

Sa tingin ko ay 4 or 5 PM na.

Hindi niya ako sinagot. Lumabas siya ng kotse kaya lumabas na din ako. Nanlaki ang kata ko ng mapagtanto kung saan kami.

Sa taas ng bundok.

Pakiramdam ko ay naagaw ng hangin ang paghinga ko. Makalaglag panga ang tanawin. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ang maraming puno sa baba. Kita rin dito ang mga ulap at malakas talaga ang hangin.

Napatingin ako sa tent na nakatayo malapit sa  kotse. May maliit din na table kung saan may pagkain. May maliliit din na ilaw ang nakasabit sa  mga puno para may liwanag ang paligid.

Napatitig naman ako kay Levisian. Nakangiti lang siyang nakatitig din sa akin. Lumapit siya sa akin na para bang ikinakalabog ng dibdib ko. Lalong nawala sa ayos ang paghinga ko ng yakapin niya ako ng mahigpit.

"Xajah," tawag niya sa pangalan ko habang yakap ako.

"B-Bakit?" Kinakabahang tanong ko.

Umiling lang siya at hinarap ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako sa  harap ng mga pagkain. Sabay kami naupo sa pagitan ng maliit na table. Napangiti ako sa mga pagkain na nakalatag. Kadalasan doon ay puro matatamis kaya naalala ko ang sabi sa akin ni Mama Eyah.

"Sana nagustuhan mo dito," sabi niya na ikinalingon ko.

"Thank you for bringing me here," sabi ko naman. "I am happy to experience this with you Levisian,"sabi ko habang titig s mga mata niya.

Kahit gaano kaseryoso ang mukha niya ay alam kong masaya ang mga ito pero may halong pag aalinlangan na hindi ko alam kung ano 'yon.

"Let's eat." Alok niya na ngumiti pa.

Ngumiti naman ako at nagsimula ng kumain. Matatamis ang pagkain na nakahain. Hindi ako familiar sa  mga lasa nito at alam kong mamahalin. Masarap na ngayon ko lang natikman.

Nang matapos kami ay sabay kaming nahiga sa loob ng tent. Mula sa kinahihigaan namin ay kitang kita ang maraming stars. Medyo nakakatakot ang pwesto namin dahil gabi na pero hindi ako nakaramdam ng pag aalala kasi alam kong kasama ko siya.

"Xajah." Tawag sa akin ni Levisian kaya napalingon ako sa kaniya.

Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa mga bituin. "Ano 'yon?"

"Paano mo masasabing may gusto ang isang tao?"

Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. "May gusto? Hindi ko din alam," sabi ko na napalingon ulit sa mga stars. "Hindi pa kasi ako nagkakagusto sa isang tao e. Siguro kung gusto mo 'yong tao, palagi mong hahanap hanapin ito. Parang gusto mo palagi mo siyang kasama. Nalulungkot ka sa tuwing wala siya sa  tabi mo. Parang gano'n? Ewan. Hindi rin ako sigurado."

"I think..." Putol niya na ikinalingon ko. Nakatingin na pala siya sa akin. "I think I like someone."

__________________________________________________________________________

CEO's SERIES 10: THE TRAP OF MR. CEO | ✓Where stories live. Discover now