12

160 6 0
                                    

"Maayos lang kami dito."

Masaya ako sa sinabi ni Mama. Nakausap ko siya kanina sa tawag at kinamusta. Maganda daw ang respond ng katawan ng kapatid ko kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Malapit na ang matapos ang palabas niyo. Ano  na sunod mong gagawin?" tanong sa akin ng personal assistant ko.

"May isa pa 'kong trabaho kasama si Levisian, modeling."

Napatango naman siya at muling tumingin sa note niya. Makakapagpahinga na ako ngayong month dahil madali na lang 'yong modeling. Gusto ko na rin makapagpahinga ang assistant ko kahit isa o isa't kalahating buwan. Marami na ang naitulong niya sa'kin.

"After this, pwede ka ng magbakasyon kasama pamilya mo," sabi ko na ikinalingon niya.

Nanlaki naman ang mata niya at malapad na ngumiti. "Talaga? Ay finally!"

Napangiti na lang din ako. Siya lang ata ang assistant na tumagal sa akin.

Matapos ang mahaba habang minuto ay nagsimula na ulit ang taping. Tulad ng dati ay focus ang lahat sa kani-kanilang trabaho.

Lumipas ang ilang linggo ay tuluyan na 'kong nakapagpahinga. Hindi pa naman komokontak sa akin ang agency na kinuha ako pati si Levisian para magmodel ng product nila. Gusto ko man puntahan ang pamilya ko sa ibang bansa ay hindi ko magawa dahil sayang ang pera. Nagtitipon din ako para kahit paano ay mabayaran ko si Levisian kahit kalahati.

Speaking of Levisian... matapos ang pagpapanggap namin ay hindi ko na siya nakausap ko. Masyado na rin siyang abala sa trabaho niya.

One day... I was busy shaking my coffee when someone sit on my side, holding his laptop. Maulan ngayon kaya medyo basa din siya. Nakasumbrero siya at nakafacemask kaya hindi ko siya makilala. Naupo lang siya sa tabi ko at tahimik na nagtrabaho. Napalunok pa ako at medyo napapraning na baka holdaper ang katabi ko kaya mabilis akong tumayo para makalayo sa kaniya.

Talagang malas ako ngayong araw ng may mabungguan akong lalaki na nakasumbrero at nakafacemask din. Huminto siya para tignan ako. Napailing na lang ako ng makita ang kalahating coffee ko.

"Xajah,"

Napalingon ako sa kaniya ng tawagin niya ang pangalan ko. Inalis niya ang mask at doon ko lang siya nakilala, si Levisian. Halata ang pagod sa itsura niya na ikinakunot ng noo ko. Medyo basa din siya dahil sa ulan.

"A-Anong nangyari sa 'yo? May problema ba?" tanong ko.

Umiling naman siya at pilit na ngumiti. "I'm okay. You want to eat with me? May ka meet ako dito," sabi niya na nilingon pa ang paligid. "Ow he's here."

Napalingon naman ako kung sana siya nakatingin. Napasinghal ako sa isip ng malaman na 'yong lalaking tumabi sa akin ay 'yon ang kameet niya. Masyado akong judgemental.

"Tara join us," alok niya na hinawakan pa ang braso ko para sabayan siyang maglakad.

Nahinto ako ng maramdaman ang init sa kamay niya kaya nahinto din siya. Mabilis na dumako ang kamay ko sa noo niya pero mabilis siyang umiwas. Hinila ko ang kamay niya palapit sa akin para makapa ko ang noo niya, tama nga ang hula ko, may lagnat siya.

"May lagnat ka Levi," sabi ko na halata ang pag aalala sa tono. "Bakit nagpaulan ka pa? Tara na uwi na tayo," sabi ko sa kaniya na hinihila na sana siya palabas.

"May kakausapin pa 'kong business man Xajah, kaya ko na ang sarili ko," sabi niya na napabuntong hininga pa.

"Samahan na kita, sabay na tayo uuwi. I will take care of you while I'm free."

Napatitig pa siya sa akin bago tumango. Sinamahan ko nga siyang umorder ng makakain hanggang makabalik kami sa  kinauupuan ko dati. Marami silang pinag usapan pero wala akong naintindihan. Sa pananalita ni Levisian ay alam kong determinado siya sa trabaho niya.

Nagpaalam muna ako saglit para mamili sa malapit na convenience store dito. Bumili ako ng gamot at mga noodles na pwede niyang mahigop mamaya.

Pagbalik ko ay wala na ang kausap niya. Nakaupo lang siya doon habang nakapikit. Kinalabit ko pa siya para magising siya. Napatingin naman siya sa paper bag ja hawak ko bago tumayo.

Buti na lang ay may dala akong payong para maiwasan na mabasa siya. Pagdating ng kotse niya ay ako na ang nagmaneho. Tumanggi pa siya 'nung una pero nakipagmatigasan ako. Sa condo niya kami tumuloy.

"Wala naman atang babae mo ang pupunta ngayon 'no?" tanong ko ng makapasok kami sa condo niya.

Napasinghal naman siya habang hinuhubad ang coat niya. "Really Xajah?" Nang aasar na tanong niya.

"Malamig Levisian," nameke akong ubo na medyo natatawa pa. "Baka may babaeng gusto magpainit kasama ka," sabi ko habang nagluluto ng noodles na nabili ko kanina.

Narinig ko din ang pag ubo niya tsaka lumapit sa akin para panoorin ang ginagawa ko. "Baka ikaw ang babaeng tinutukoy mo," natatawang sabi niya. Napakunot naman ang noo ko. "Payag naman ako. Sakto malamig nga." Nameke nanaman siya ng ubo.

"Shut up Levisian, nilalagnat ka na nga kung ano ano pa naiisip mo," sabi ko na napairap pa.

"Excuse me? Ikaw ang naunang nagtopic nito," sabi niya.

"Tinatanong lang kita. Baka may babaeng pumunta dito at pagselosan ako."

"Selos? Really?" Natatawang tanong niya. "Hindi nga nila ginagawa 'tong ginagawa mo ngayon sa 'kin e," sabi niya na ikinalingon ko.

"Ginagawa ko 'to para makabawi naman ako sa lahat ng tulong mo sa pamilya ko," sabi ko na umiwas pa ng tingin.

"So wala ka talagang pakealam sa akin? You just doing this because of what I did?" tanong niya na humila ng upuan para maupo sa tabi ko.

"H-Hindi naman sa gano'n," sabi ko na napailing pa.

Tumuwad ako para kunin ang kawali sa ilalim. Hinugasan ko muna 'yon bago isinalang sa apoy.

"Talagang tutuwad ka sa mismong harap ko Xajah?" tanong ni Levisian na ikinalingon ko.

Napahinto ako sa ginagawa at napalingon sa kaniya. "W-What?" Pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko sa hiya.

"Wala, ganda lang ng katawan mo," sabi niya bago tumayo at iwan ako mag isa na naiilang sa sinabi niya.

Napatingin naman tuloy ako sa suot ko. Nakadress ako na pula. Pakiramdam ko ay namula ulit ako ng maalala ang sinabi ni Levisian.

"Xajah, by the way thank you for taking care of me."

__________________________________________________________________________

CEO's SERIES 10: THE TRAP OF MR. CEO | ✓Where stories live. Discover now