15

163 6 0
                                    

"Kaloka ka Sis! Saan ka ba kagabi?"

Napabuntong hininga naman akong naupo sa sofa. Gusto ko ng matulog pero narito pala si Haz sa condo ko.

"Inaantok ako, mamaya na lang," sabi ko sa kaniya.

Napakunot naman ang noo niya na napatango na lang. Hinayaan ko na siyang makealam ng gamit ko tutal narito na din naman siya sa loob.

Nang makapasok ako ng kwarto ay saktong nagvibrate ang phone ko. Si Levisian pala.

From Levisian:
The fuck Xajah, yong under wear mo iniwan mo sa comfort room ko.

Nanlaki ang mata ko at napatakip pq ng kamay sa bibig. Hala shet nakalimutan ko.

Wala ako sa sariling napaupo sa kama habang namumula sa kahihiyan.

Muling nagvibrate ang phone ko kaya napalingon ako doon. Panibagong message mula kay Levisian.

From Levisian:
Masyado ka ng swerte, lahat ng una ko palaging ikaw.

Napasapo naman ako sa noo na napayakap pa sa sariling tuhod. Ipinapalo ko ang ulo ko sa tuhod ko habang nakapikit.

Nakakahiya
Nakakahiya
Nakakahiya

Doon lang ako naglakas loob na magreply.

To Levisian:
Kukunin ko na lang kapag nakabalik na 'ko diyan.

Maya maya lang ay nagring na ang phone ko. Si Levisian nanaman. Inisip ko pa kung sasagutin ko o hindi pero sinagot ko na lang kahit na nahihiya na talaga 'ko.

"K-Kukunin ko na lang, s-sorry."

Narinig ko naman ang pagngisi niya sa kabilang linya. [Wag ka ng magsuot ng underwear kapag pupunta ka ulit dito. Bye take care]

Ibinaba niya nga ang tawag. Naiwan akong tulala dahil sa sinabi niya. Pakiramdan ko ay namumula ang mukha ko dahil sa mga narinig sa kaniya.

Lumipad ang ilang araw at naging abala naman ako sa modeling. Napapangiti ako sa tuwing makikita ang itsura ko sa billboard. Nakakaproud lang na makita ang sarili kong umuunlad dahil sa hirap ko.

Napatingin naman ako sa kabilang billboard. Naroon ang larawan ni Levisian. Pareho kaming minomodel ang penshoppe. Hindi ko din maalis ang tingin ko sa mukha niya, masyado siyang gwapo. Lahat ng babae ay pwede siyang magustuhan.

"Congrats, ang ganda mo talaga," sabi ni Haz habang tinitignan din ang larawan ko sa billboard.

Napangiti naman ako. Masaya ako sa kung saan ako ngayon.

Matagal tagal din ang araw bago 'nung huli naming nagkita ni Levisian. Nakikita ko na rin ang Dad niya na nangangampanya. Hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita pero alam kong faniliar ang mukha niya. I have no idea if whe met before or what.

"Xajah, finally nakita na din kita."

Napalingon ako sa likod ng nay tumawag sa name ko. Papasok na sana ako ng condo ng may tumawag sa pangalan ko. Medyo nagulat pa ako ng makita na si Mackzon 'yon. Ano bang ginagawa niya dito?

"Hi," kaswal na sabi ko.

"Long time no see Xajah," nakangiting sabi niya na inabutan pa ako ng bouquet of flowers.

Napakunot naman ang noo ko pero tinaggap din 'yon. "Yeah? Long time no see."

"Can we talk?" tanong niya.

Hindi ako nakasagot. Alam kong pipilitin niya nanaman kasi ako. Wala pa 'kong nagiging boyfriend kaya hindi ko siya pinapayagang ligawan ako. Halos 5 years niya na 'kong kinukulit.

"Anong pag uusapan?" tanong kahit mukhang alam ko na.

"Xajah, pwede na ba?" tanong niya, halatang nagmamakaawa na.

Napalunok naman ako. Ideal man siya pero hindi pa kasi ako handa. Hindi ko siya gusto at lalong hindi ko mahal.

"S-Sa loob na lang natin pag-usapan, 'wag dito," sabi ko ns tinignan pa ang paligid.

Tumango naman siya. Bubukasan ko na sana ang pinto ng may humawak sa kamay. Napalingon naman ako sa kaniya. Amo niya pa lang ay alam ko ng si Levisian 'yon.

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya pero kay Mackzon ang tingin niya.

Seryoso ang mukha niya na para bang inaalam kung sino ang kasama ko. Nang lumingon ako kay Mackzon ay nakatingin din ito kay Levisian. Napalunok naman ulit akong napalingon kay Levisian. Nakatingin na siya sa akin at inabot sa akin ang paper bag.

"A-Ano 'to?" tanong ko.

"Para sa 'yo 'yan, sige na," sabi niya na muling nilingon si Mackzon. "Mukhang may date ka pa," sabi niya.

"Ha? Hindi n-" Hindi natapos ang sinabi ko dahil mabilis niya akong tinalikuran.

Napabuntong hininga naman ako at tuluyang binuksan ang pintuan para papasukin si Mackzon.

"Sino 'yon? Katrabaho mo?" tanong ni Mackzon ng makapasok kami.

Napalunok naman ako at tumango. Oo katrabaho ko. Hindi ko naman alam kung magkaibigan ba kami o baka kalandian? Ewan ko. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa pagitan namin.

"Saglit lang," sabi ko na dumiretso ng kusina para silipin ang paper bag na inabot niya.

Napakunot ang noo ko ng makita  ang lagay. Tupperware na may lagay na tatlong cupcakes. Kulay pink 'yon at mukhang masarap. Inilagay ko muna 'yon sa refrigerator at nagdala ng juice at pizza para  may makain kami ni Mackzon.

Nang makabalik ako ay tinulungan niya pa akong ilagay 'yon sa table tsaka sabay kaming naupo.

"Uhmm kasi Xajah hindi na 'ko makapaghintay," panimula ni Mackzon na ikinalingon ko.

"Alam mo naman kung gaano ko gustong makatulong sa pamilya ko hindi ba? Ayaw ko muna magboyfriend." Pandidiretso ko.

Napatikop naman siya ng labi at tumango. Ngumiti pa siya na para bang ayos lang... ulit.

"Okay lang Xajah. I am willing to wait kahit abutin pa ng 10 years," pursigidong sabi niya.

Napatitig naman ako sa kaniya. "Hindi ka ba napapagod na paulit ulit na lang ganito? I mean ang tagal mo na akong gusto since high school. Wala ka bang ibang babarng natitipuhan?"

Umiling naman siya na medyo natawa pa. "Gusto pa lang kita loyal na 'ko. Pero okay lang. Hindi naman ako napapagod na balik balikan ka." Ngumiti siya na halatang sinsero naman.

"Alam kong maraming nagkakagusto sa 'yong babae. Ideal man ka Mackzon. Maraming babae ang magkakagusto sa 'yo. Mayaman ka, gwapo, engineer, mabait tapos hihintayin mo lang ako?"

Napakunot naman ang noo niyang nilingon ako. "Hindi ikaw basta basta lang Xajah. Hindi kita nagugustuhan dahil lang sa sikat ka, gusto kita kasi may bagay na mayroon ka na wala ang ibang babae."

__________________________________________________________________________

CEO's SERIES 10: THE TRAP OF MR. CEO | ✓Where stories live. Discover now