13

164 5 0
                                    

"Nilalamig ka?"

Kanina ko pa siya napapansin na sobrang nilalamig. Maulan ngayon kaya lalong dumoble ang lamig na nararamdaman niya. Inoff ko na rin ang aircon para mabawasan ang lamig na nararamdaman niya. Kinuhanan ko din siya ng makapal na kumot para maibsan ang panlamamig niya.

"Okay na ba?" tanong ko.

Nakahiga lang siya at halata ang sakit sa itsura niya. Namumutla pa siya at baluktot na  baluktot sa loob ng kumot. Kunot pa ang noo niya habang nakapikit.

Saan ba ang mga magulang nito? Alam ba nila na nilalagnat ang isang 'to?

Kumuha ako ng tubig para lagyan ng basang towel ang noo niya. Nilalamig siya pero mainit ang noo niya at leeg niya. Nakakain na din siya at nakainom ng gamot kaya kahit paano ay okay na.

"Can you hug me please? Kahit saglit lang. Sobrang lamig." Rinig kong bulong niya habang nanatiling nakapikit.

Napakunot naman ang noo ko at hindi alam kung susundin siya. Napalunok ako habang pinapanood siyang umayos ng higa para lingunin ako. Inalis niya ang kumot at hinila niya ako dahilan para mapunta ako sa ibabaw niya. Napalunok ako sa ginawa niyang 'yon.  Inilagay niya naman ang kumot sa ibabaw ko para makumutan kaming pareho. Niyakap niya 'ko dahilan para lalo akong mailang.

Bumibilis ang pagtibok ng puso ko at alam kong nararandaman niya 'yon pero nanatili lang siyang tahimik na natutulog. Ramdam ko ang lamig sa katawan niya na dahan dahang nababawasan.

Muli akong napatitig sa mukha niyang mahimbing ng natutulog. Ang makapal niyang kilay, mahabang pilik mata, matangos na ilong at magandang labi. Kung hindi ko lang alam ay mapagkakamalan ko siyang wala namang sakit dahil sa itsura niya.

Nagsawa din ako kakatitig sa mukha niya kaya nakatulog na lang ako sa ibabaw niya. Nakahiga ang ulo ko patagilid sa dibdib niya habang nasa likod ko naman ang dalawang braso niya. Nagising na lang ako ng maramdaman ang paggalaw niya. Tatayo na sana ako bigla ng maalalang mahimbing ang tulog niya habang may lagnat siya kaya dahan dahan akong umalis sa ibabaw niya para hindi na siya mangalay pa.

Napatakbo ako ng magring ang phone ko at mabilis na sinagot 'yon. Napalingon ako kay Levisian at inaalam kung nagising ba siya sa lakas ng ring. Buti na lang ay mahimbing pa din ang tulog niya.

Napalingon naman ako sa phone ko. Si Haz. It's already 2 in the morning. What the hell she's doing in this time?

"Ano?" tanong ko.

[Where the hell are you? I am looking for you! Nasa harap ako ng condo mo at hindi ka lumalabas. Nasisira ko na ang doorbell!]

Nailayo ko sa tainga ko ang cellphone sa lakas ng boses niya. Napalingon naman ako kay Levisian bago inilapit ang phone sa tainga ko.

"Bakit mo ba 'ko hinahanap?" tanong ko.

[May naghahanap sa'yong pogi! Hindi ka daw niya macontact kaya sa akin napunta! Kaloka akala ko man lang may nagkakagusto na sa 'king shoti e!]

Napakunot naman ang noo ko. "Anong pangalan?"

[Ano ngang pangalan mo?] tanong niya sa kabilang linya.

Nanlaki naman ang mata ko at napatakip pa sa labi. So magkasama sila sa harap ng condo ko sa ganitong oras?

[Mackzon Federes.]

Nanlaki ang mata ko ng marinig ang pangalan na 'yon. Para akong nataranta ng marinig ang boses niya sa cellphone. Napapunta akong kusina para uminom ng tubig.

S-Seryoso ba? Narito siya?

[Oh Mackzon daw beng!]

"N-Nasa malayo ako. May pinuntahang importante. Wala ako sa condo. 'Wag mo ng tanungin kung saan basta importante 'to. Bye,  ingat kayo." Mabilis kong ibinaba ang linya at napahinga ng maluwag habang nasa malayo ang tingin.

Hindi niya pa rin ba ako tatantanan? Oh my god!

"Hindi ko alam na importante na pala 'ko sa 'yo." Napalingon ako kay Levisian ng mapansing naglalakad na siya palapit sa akin.

Lalong napaawang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya. Ha? Narinig niya ba ang usapan namin? Dahilan ko lang naman 'yon!

"A-Ang kapal mo! Pagdadahilan ko lang 'yon kasi may naghahanap sa akin," sabi ko na muling napainom ng tubig.

"Sino naman ang naghahanap sa 'yo ng ganitong oras?" tanong niya habang kumukuha ng gatas.

"Basta," sabi ko na umiwas pa ng tingin.

"Pero importante ako? How sweet,"  sabi niya na napangisi pa. Hindi niya talaga makakalimutan 'yon? "Pakiss nga," sabi niya ng humarap sa akin na ngumuso pa.

Napaangat naman ang kilay ko. "Hindi hinihingi ang kiss Levisian," sabi ko na napairap pa.

"Edi bilhin ko," sabi niya na lumapit pa sa akin para sa tabi ko magsalin ng gatas sa baso niya at uminom. "Magkano ba ang halik mo?"

"Hindi rin ako bayaran." Napairap ulit ako.

"Ang damot mo naman, isang kiss lang naman. Parang walang nangyari sa atin before ha," sabi niya na nakangisi pa. Inaasar niya talaga ako.

"Wag mo na ngang ipaalala ang bagay na 'yan?" Iritadong sabi ko na napasapo pa sa  noo sa tuwing maalala ang bagay na 'yon.

Nagulat ako ng buhatin niya ako para maupo ako sa ibabaw ng table. Napalunok ako ng pumwesto siya sa pagitan ng binti ko at ilatag ang dalawang palad sa magkabilang gilid ko. Ang lapit ng mukha niya sa akin. Bumilis naman ang paghinga ko at  napalunok pa ng bumaba ang tingin niya sa labi ko. Nang muling magtama ang tingin ay doon niya na 'ko hinalikan. Napahawak ako sa braso niya ng maramdaman ang labi niya sa labi ko. Medyo mainit pa talaga siya dahil may lagnat pa din.

Dampi lang 'yon pero umulit siya. Kahit anong tanggi ng isip ko ay taliwas naman ang kilos ko. Mabagal ang halik niya na para bang nilalasap ang bawat dampian ng labi namin. Ilang buwan na rin ang nakakalipas 'nung huli ko siyang nahalikan, ngayon na lang din kaya parang nanabik na rin ako. Sinabayan ko ang halik niya na hindi napapansing gumagapang na ang kamay ko sa batok niya.

Napalingon ako sa kaniya ng huminto siya para tignan ako. Napalingon naman ako sa labi niyang nsmumula at namamasa na ngayon. Napalingon ako sa mata niya ng umangat ang gilid ng labi niya.

"Akala ko ayaw mo ng halik, nananabik ka din pala," sabi niya na lalong lumapit sa akin.

Napahigpit ang hawak ko sa braso niya ng maramdaman ko siya sa pagitan ng hita ko. Napaarko ang likod ko ng sunggaban niya ako ng halik na malayo sa kanina. Halos maghabol ako ng hininga dahil sa madiin niyang paghalik.

Nang mahinto siya ay doon lang ako naghabol ng hininga. Halos kapusin ako sa halik niya na halos magpalitan na din kami ng laway.

"One," bulong niya habang nasa mata ko ang tingin. "Just one round."

________________________________________________________________________________________

CEO's SERIES 10: THE TRAP OF MR. CEO | ✓Where stories live. Discover now