"Mackzon."
Walang tigil akong umiiyak sa braso niya. Niyakap niya naman ako habang hinahaplos ang buhok.
"Safe ka na ha, don't worry," sabi niya na hinigpitan ang yakap sa akin.
Nakita kong patakbo papalapit si Levisian pero bigla itong nahinto ng makita kami. Ang matalim niyang tingin ay hindi ako natinag. Lalo lang sumama ang loob ko sa kaniya dahil sa ginawa ng manyakis niyang ama.
"A-Anong nangyari sa 'yo? Xajah, okay ka lang?" Tarantang tanong ni Haz na kakabalik lang sa kung saan. "Sa kakahanap namin sa 'yo nahalata ng manager kaya nataranta na ang lahat. Nalocate ang location mo rito kaya mabilis kaming nakapunta dito."
"Haz," umiiyak na sabi ko dahilan para mapayakap ako sa kaniya.
"A-Anong nangyari? Magsabi ka?" Halata ang kaba sa tono niya.
"Haz, 'yong Dad ni Levisian," naiiyak na sabi ko. Namuo agad ang galit sa dibdib ko.
"Ano?" Sabay na tanong ni Haz at Mackzon.
"Hinawakan ako Haz. Hinawakan niya 'ko." Maikling sagot ko at nakuha agad nila.
Nanlaki ang mata nila at namuo agad ang galit sa mga reaksyon nilang dalawa.
"Tarantado talaga ang Mayor na 'yon," galit na sabi ni Mackzon na naglakad palayo sa amin kaya napasunod kami.
"M-Mackzon saan ka pupunta?" Nag-aalalang tanong ko.
Hindi siya sumagot at basta na lang tumakbi kaya napatakbo din kami ni Haz.
"Mackzon, please stop!" Paninita ko pero hindi siya naawat.
Tama nga ang duda ko at dumiretso siya sa kotse ng Mr. Astreo, ang manyakis na Dad ni Levisian at walang kwentang Mayor ng Manila.
Marami na rin ang taong narito at kasama na doon ang manager. Marami na rin ang camerang nakaharap sa amin. Natatakot man ako sa panibagong issue dahil baka ako ang magmukhang sinungaling.
Nanlaki ang mata ko ng hilain ni Mackzon si Mr. Astreo sa loob ng kotse at malakas itong sinuntok. Nakita ko ang pagtiim bagang ni Mr. Astreo at pagkagulat ng mga taong nakakita.
"Sino ka sa inaakala mo Mayor Astreo?" Madiing tanong ni Mackzon.
Mabilis akong umawat kay Mackzon. "Tama na, lalaki lang ang gulo," sabi ko sa kaniya pero hindi maalis ang talim ng tingin niya kay Mr. Astreo.
"What happening here?" Biglang singit ni Levisian na nilingon pa ako.
Lalong napaawang ang labi ko ng malakas na suntukin ni Mackzon si Levisian. Napakagat lang ng labi si Levisian at matalim na nilingon si Mackzon.
"T-Tama na Mackzon," sabi ko na hinihila pa ang kamay niya pero hindi siya mahila.
"Tanungin mo ang manyakis mong ama para malaman mo kung anong nangyari kay Xajah!" Sigaw ni Mackzon na halata ang galit sa tono.
Lalo akong kinabahan nang mapunta ang tingin sa akin ng mga tao. Napayuko ako sa kaba pero alam ko kung paano mag alala ang tingin sa akin ni Levisian.
"Naniniwala kayo sa sinasabi ng babaeng 'yan?" Biglang singit ni Mr. Astreo na ikinalingon ko, dumaungdong ang kaba ko ng magsimula na siyang magsinungaling. "I can't do that! Gusto niya lang akong ipahiya ka---"
"Is that true Dad!?" Sigaw ni Levisian dahilan para matahimik lahat lalo na si Mr. Astreo.
Mabilis namang umiling si Mr. Astreo na nilingon ako. "Ni isang beses hindi ko ginawa 'yon kahit na kaninong babae lalo na sa kaniya!" Pagsisinungaling ni Mr. Astreo a tinuro pa ako, nangilid ang luha ko sa kaba.
Naramdaman ko ang paghaplos ni Haz sa likod ko. Gusto kong lamunin ng lupa bigla dahil sa hiya. Ako ang naabuso pero ako ang nahiya. Pakiramdam ko ay siya ang paniniwalaan ng mga tao tulad ng dati.
"Don't ever lie on me Dad. Alam ko ang kasinungalingan na ginagawa mo noon," sabi ni Levisian na ikinalingon ko.
"Sino ang paniniwalaan mo? Ako o ang babaeng 'yan?" Galit na tanong ni Mr. Astreo na tinuro nanaman ako. "Ha? Sino?"
"Gusto mo bang malaman kung sino Dad?" Sigaw na tanong ni Levisian. "Dad marami na kayong ginawang kasinungalingan, hindi lang sa mga taong nasasakupan mo... pati na rin sa 'kin!" Gusto ko siyang awatin bigla dahil marami na ang camerang nakaharap sa kaniya. Baka masira ang career niya bigla dahil lang dito. "Unang beses mo ng pinahiya si Xajah, ngayon.... sino ang paniniwalaan ko? Dad! Hindi ka lang nagmanyak! You already cheated on my Mom!" Sigaw niya na malakas pang tinulak si Mr. Astreo.
Doon na umawat ang mga tao kay Levisian. Hindi mawala ang tingin ko sa kaniya dahil nag aalala pa din ako. Nawala lang ang tingin ko sa kaniya ng hilain na ako ni Mackzon palayo.
"Umuwi na tayo," sabi ni Mackzon.
Gusto ko sanang manatilil para malaman kung okay lang si Levisian pero pagod na 'ko. Gusto ko na rin magpahinga.
Nang makauwi kami ng condo ko ay naligo ako. Gusto kong maalis ang iniwang bakas ng palad ni Mr. Astreo sa legs ko. Nagbabad ako wa tubig para lang maalis 'yon. Hindi man 'yon maalis sa isip ko, atleast maalis man lang sa katawan ko.
Nang makalabas ako ay nagulat ako ng makitang nag uusap si Levisian at Mackzon. Sumulpot naman si Haz mula sa likod ko.
"Hayaan mo silang mag usap, lalaki sa lalaki," sabi ni Haz na hinila ako palayo sa kanila. "Nalaman din pala ni Benedict Brent ang nangyari. Hindi daw siya makakapunta kasi nasa ibang bansa siya. Sabi ko okay ka lang naman na tsaka sinabi kong may kasama ka naman para hindi na mag alala lalo na't kasama niya 'yong girlfriend niya."
Tumango naman ako. Akalain mo nga namang nakarating ang balitang 'yon sa ibang bansa.
"Kahit ang personal assistant mo ay tumawag din. Hindi ka daw kasi matawagan kaya sa akin na tumawag."
"Wag mo na lang ikwento lahat, ayoko ng palalain 'to," sabi ko sa kaniya.
"Narinig ko sa usapan nila Maczkon, mukhang makukulong ang Dad ni Levisian." Napalingon ako kay Haz ng sabihin niya 'yon. "Mukhang nabuklat lahat ng issue kay Mr. Astreo e," sabi niya.
"P-Paano si Levisian?" tanong ko sa kaniya.
"Mukhang okay lang naman kay Levisian," sabi ni Haz. "Narinig ko pa ngang sabi niya kanina, basta daw okay ka na... okay na din daw siya."
__________________________________________________________________________
YOU ARE READING
CEO's SERIES 10: THE TRAP OF MR. CEO | ✓
RomanceSERIES COLLABORATION: CEO's SERIES 10 by 3shaaah The hotties CEO from Manila, his name is Levisian Astreo. He like playing girls and he didn't want to be serious in a relationship. He was rich and passionate to his job but not to his girl. One day...