22

173 6 0
                                    

"Stay with me please?"

Napakunot agad ang noo ko na nilingon siya. Ano nanaman ba plano nito?

"Bakit?" tanong ko.

"Anong bakit?" Kumunot naman ang noo niya. "Because I want too," sabi niya na parang siya dapat ang masusunod.

"Hindi pwede," sabi ko naman.

"At bakit hindi?"

Hindi ko na lang siya sinagot. Niligpit ko na ang mga gamit ko na naiwan dito sa condo niya. Babalik na ako sa condo ko.

"Xajah please?" Pakiusap niya naman na hinawakan pa ang kamay ko. Napalingon naman ako sa kaniya. "Please?" Pakiusap niya na ngumunguso pa, isip bata.

Napabuntong hininga naman akong kinuha ang kamay ko sa kaniya. "Hindi pwede. Baka maissue na tayo Levisian. Halos araw araw na tayong magkasama," sabi ko sa kaniya na napairap pa.

I was afraid to have an issue with him or any one else. I was traumatized before about of what happened between me and my little brother. Ayaw ko na may madamay dahil sa akin.

"Xajah!!!" Para siyang bata na iiwan ng magulang at...

This is the first time I saw him with his clingy side. Pakiramdam ko ay nawala ang kaluluwa ni Levisian sa katawan niya.

"Okay okay fine! I'll stay here." Wala akong nagawa kundi ang pumayag.

Wala naman akong gagawin at pahinga ko naman kaya ano namang masama kung narito ako sa condo niya basta wala lang makakaalam o makakakita.

Niyakap niya ako mula sa likod at nginitian ako. Napalunok ako a higpit ng yakap niya.

"Thank you," bulong niya na hinalikan pa ang pisngi ko.

Npakunot naman ang noo ko pero hindi na 'yon pinansin pa.

"Kailan ka pupunta ng States?" tanong ko.

Gusto kong sumama para mabisit man lang sina Mama pero malabong mangyari 'yon dahil isang linggo lang naman ang pahinga ko. Magsasayang lang ako ng pera kung gagawin ko 'yon.

"Sa susunod na araw." Ramdam ko ang lungkot ng tono niya ng sabihin niya 'yon.

Nantili siyang nakayakap mula sa likod ko. Parang nalungkot din ako ng malaman ko 'yon. Tama nga ang desisyon ko na dito muna sa condo niya. Hindi ko man alam kung ano ang mayroon kaming dalawa, alam kong nasanay ako sa presensiya niya.

Paniguradong may makikita siya doong magagandang babae. Hindi ko alam kung bakit pumasok pa sa isip ko 'yon pero... hindi ba dapat wala lang sa akin 'yon? Dapat hindi ko na pinoproblema 'yon. Hindi niya naman ako tunay na girlfriend pero kung makaasta ang isip ko ay nagdadamot ako. Masyado ko siyang ipinagdadamot.

Xajah wala kang karapatan para mag isip ng ganiyan.

"Tara gawa tayo ng shake," sabi niya na hinila pa an kamay ko.

Hindi man ako marunong gumawa 'nun ay ginabayan niya ako. Avocado, gatas at asukal lang ang pinaghalo halo niya sa  blender pero naging masarap ang resulta.

"Okay lang ba?" tanong niya habang tinitikman din ang gawa niya.

Tumango naman ako. "Masarap naman ah," sabi ko na ngumiti pa.

"Ang ganda mo sa tuwing ngumingiti ka. Magsimula ng makilala kita personally, doon kita nakilala ng buo. You are not the same on how you act in the front of camera and how you act behind it," sabi niya ikinakunot ng noo ko. "Masyado kang mabait sa harap ng camera pero masungit ka talaga in real life. Masyado kang mataas sa harap ng camera pero may pinanghihinaan ka naman talaga. Kung ano ang ikinaingay ng pangalan mo sa buong mundo ay 'yon naman ang ikinatahimik ng bibig mo."

Napatikop naman ako ng labi dahil sa sinabi niya. Totoo ang lahat ng 'yon. Hindi ko maitatanggi ang mga binitawan niyang salita dahil lahat ng 'yon ay akong ako.

"Alam kong mahirap para sa 'yo na talikuran ang industriyang pinasok mo pero paano kung tutulungan kita para makaalis diyan ng hindi nasaskatan?"

Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. "A-Anong ibig mong sabihin."

"Kung gusto mo lang naman," sabi niya na nagkibit balikat pa. "I'm not forcing you to back out. I'm just concern to you. Marami na ang toxic sa harap ng camera and I don't want you to be part of it."

Hindi ko siya pinansin. Hindi ko kayang tapusin na lang ang bagay na nasimulan ko na. Mahirap para sa akin na talikuran ang trabaho ko lalo na't may pamilyang umaasa sa akin.

Nang maiwan ako ni Levisian ay nalibot ko ang tingin sa condo niya. May aasikasuhin dae sita kaya naiwan ako sa condo niya. Nalungkot ako ng makita ang maleta niya na nakahanda na. Talagang handa na siya sa pag alis. Sa laki ng bagahe niya ay alam kong matagal nga siya doon. Pakiramdam ko ay nag iisa  nanaman ako.

Napalingon ako sa phone ng magring ito. Si Mackzon. Nilingon ko muna ang pinto bago sinagot ang tawag ni Mackzon.

"Yes?" tanong ko.

[Saan ka? Pwede bang magkita tayo?]

Napakunot naman ang noo ko na nilingon pa ang phone. "Bakit?"

[Babalik na kasi ako ng Canada bukas, pwede bang magkita ulit tayo mamaya?]

Aalis din siya. Bakit ba nag aalisan ang mga tao ngayon?

"Sige, sa condo na lang para walang makakita."

[Sige. Maraming salamat. See you later.] Tsaka niya ibinaba ang tawag.

Natuon ang tingin ko sa brown envelop na nasa taas ng refrigerator. Ngayon ko lang 'to napansin at mukhang ito pa 'yong nakita ko sa drawer niya 'nung isang araw. Kinuha ko naman 'yon at tinignan ang nasa loob.

Napakunot naman ang noo ko ng makita ang mga larawan ng kaniyang ama. Larawan kung saan iniinterview ito. Lalong napakunot ang noo ko habang tinititigan ang larawan, familiar.

Nanlaki ang mata ko ng magflashback ang lahat sa isip ko.

Ang ama niya...

Ang nagkalat ng issue tungkol sa akin...

Parang namuo ang kirot sa dibdib ko ng makita 'yon. Nangilid agad ang luha ko habang titig na titig sa mga larawan ng ama niya.

"Isa 'yan sa paraan ng mga artista para magkaroon ng pera. Magpapanggap na may sakit ang kapatid para makahingi ng pera sa mga taga hanga niya. Hindi ba obvious ang ginagawa niya?"

"Scam ang ginagawa niya. Don't tolerate this kind of attitude!"

"Hindi ba kayo nagtataka? Nilabas niya lang ang kapatid niya 'nung sumikat na siya? Hindi ba obvious ang mga kilos niya?"

"Xajah is really a good actress. Kaya niyang magpanggap na naghihirap sila para lang makakuha ng pera."

Nangilid ang luha ko habang inaalala ang mga salitang binitawan niya na muntikan pang magpabagsak sa akin.

Napalingon ako kay Levisian ng maramdaman ang presensiya nito.  Napaawang ang labi niya ng makita ang hawak kong larawan.

"X-Xajah." Hindi makapaniwalang usal niya.

"A-Alam mo ba ang tungkol dito Levisian?" tanong ko na ipinakita pa sa kaniya ang mga larawan.

"X-Xajah let me explai--"

Sa sobrang galit ko sy nasampal ko siya ng malakas.

__________________________________________________________________________

CEO's SERIES 10: THE TRAP OF MR. CEO | ✓Where stories live. Discover now