"Kailangan ko ng bumalik ng Canada."
Napalingon ako kay Mackzon ng sabihin niya 'yon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Marami ang naitulong ni Mackzon sa akin.
"Bakit?" tanong ko habang nakakunot ang noo.
"May project akong kailangan tapusin sa Canada. Kung gusto mong tanungin 'yong about sa ating dalawa, malinaw sa akin kung ano lang talaga ako sa 'yo. Alam kong gusto mo si Levisian at kahit anong tanggi ng bibig mo, taliwas 'nun ang pinapakita ng mga mata mo Xajah," sabi niya na nasa mata ko mismo ang tingin. "Masaya ako na nakatulong ako sa 'yo kahit na kunting panahon."
"Mackzon," sabi ko habang nasa mata niya ang tingin.
"Okay lang na ginamit mo 'ko, 'wag kang mag-alala kasi hindi ko din naman kayang magalit sa 'yo. Alam kong wala na 'kong pag asa sa 'yo pero sana maging masaya ka," sabi niya dahilan para mangilid ang luha ko. "Xajah hindi mo lang ako manliligaw noon, kaibigan mo din ako hanggang ngayon kaya kung kailangan mo ng tulong, 'wag kang mahihiya na tawagan ako," sabi niya na ginulo pa ang buhok ko at ngumiti. "Mag iingat ka dito. Marami ang nagmamahal sa 'yo bukod sa akin. Paano? Aalis na ako," sabi niya na umatras na.
"S-Sorry," sabi ko na ikinahinto niya. "Sorry kung hindi kita kayang mahalin. Sorry kung masyado na kitang pinaasa. Hindi ko alam kung paano kita susuklian," sabi ko na hindi na rin mapigilan na maluha.
"Maging masaya ka lang Xajah," sabi niya na ngumiti pero kitang kita ang lungkot sa mga mata niya. "Maging masaya ka lang, okay na sa 'kin." Dagdag niya. "K-Kailangan ko na talagang umalis. 'Wag ka ng mag alala, wala ng gagalaw sa 'yo," sabi niya bago muling umatras. "Thank and goodbye. Sa muling pagkikita," sabi niya bago ako tuluyang talikuran.
"Wait lang Mackzon," sabi ko na ikinahinto niya. Muli siyang lumingon sa akin.
Patakbo akong lumapit sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. Naramdaman ko ang pagkagulat niya pero niya niyakap niya din ako. Naramdaman ko din ang paghalik niya sa noo ko.
"Sige na," sabi niya ikinaatras ko. "Bye," sabi niya bago muling tumalikod at tuluyan ng naglakad palayo.
Hindi ko alam kung bakit namumuo ang sakit sa dibdib ko habang pinapanood siyang lumayo. Gusto ko siyang pabalikin pero siya na itong umiiwas sa akin. Gusto kong magsorry sa lahat lahat pero wala akong lakas dahil sa tuwing magsasalita ako ay naluluha ako.
"Xajah."
Nahinto ako sa pagluha ng marinig ang boses na 'yon. Mabilis kong pinunasan ang luha ko para lingunin siya. Kita ko ang pamumula ng mata niya at halatang wala pang tulog.
"Pwede bang mag usap tayo?" tanong niya na lumapit pa sa akin.
Umatras naman ako. "T-Tsaka na lang kapag kaya ko ng humarap sa'yo," sabi ko na mabilis na naglakad palayo sa kaniya.
Bumalik ako ng condo. Doon ako umiyak ng umiyak. Tumatawag si Mama pero hindi ko sinagot. Wala ako sa mood na makipag usap kahit na kanino. Gusto kong mapag isa sa ngayon.
Nagbukas ako ng social media at inaasahan ko na ang makikita ko. Mga larawan kung saan naganap ang eksena namin kasama si Mr. Astreo.
Nagkalat nanaman ang balita tungkol sa pagkakakulong ng Mr. Astreo.
Larawan 'nung sinigawan ni Mackzon si Levisian.
Larawan na magkasama kami ni Mackzon.
Balita tungkol sa pagmamanyakis sa akin ni Mr. Astreo.
Pero natuon ang atensyon ko ng makita ang mga comment ng mga tao.
Grabe naman ang Mayor na 'yan!
May tinatago pa lang kabastusan!
Kawawa naman si Xajah.
Galit na galit tuloy si Levisian sa kaniya.
Deserve niyang makulong.
Nag uusap pa kaya sina Levisian at Xajah matapos 'yon?
Pero natuon ang tingin ko sa comment tungkol sa amin ni Mackzon.
Breaking News
Rumor
Engineer Mackzon Villa and Actress Xajah Dexton are in a relationship.Comments:
Bagay sila ano?
Sila na lang dalawa.
Engineer Mackzon is ideal man, how lucky!
Hala legit? Omg bagay silang dalawa
Napakunot ang noo ko ng magpop sa notification ko ang isang balita.
Breaking News
Engineer Mackzon Villa, nagsalita na tungkol sa kung anong mayroon sa kanilang dalawa ng actress na si Xajah Dexton.Napatingin naman ako sa video. Si Mackzon 'yon na nasa airport pa. Siguro ay kakababa niya lang niyan galing Pinas. Nasa Canada na siya.
"We're not in a relationship. We're just friend. Stop posting about us because we are not in a relationship. I'm not courting her and we are just friend. Kung ano man ang nakita niya sa mga larawan, it just a friend things."
Napalunok akong umiwas ng tingin sa video. Gusto kong tawagan si Mackzon pero pakiramdam ko ay hindi ako magsasalita sa kaba. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Nakatitig lang ako sa cellphone at pinag iisipan kung tatawagan siya.
Gusto ko siyang makausap kaya tinawagan ko siya kahit na nangininig ang mga kamay kong humawak ng phone. Nagriring ang cellphone pero walang sumasagot. Ilang minuto na siyang nagriring pero wala pa ding sumasagot. Baka nagpapahinga na siya. Papatayin ko na sana ang tawag ng bigla nitong sagutin.
[Hello?]
Nanlaki ang mata ko ng babae ang sumagot ng tawag ko. Napaawang ang labi ko at mabilis na pinatay ang tawag. Napatakip pa ako ng kamay sa bibig dahil sa gulat. Sino 'yon?
Gusto ko din magpahinga kaya tinawagan ko na lang si Haz para samahan ako sa bar. Pumayag naman siya kasi bihira lang naman daw ako magyaya.
"Palagi mo talaga akong ginugulat! Balot na balot ka pa ngayon! Nakajacket at pants ka pa!" Sita niya sa pananamit ko. "Walang gagalaw sa 'yo dito kasi kasama mo ako!" sabi niya. Masyadong malakas ang tugtog dito sa bar kaya kailangan niya talagang sumigaw para marinig ko.
Napalingon ako sa dulo ng mamukhaan ang lalaki. Si Levisian. Napalunok ako ng makitang hawakan niya ang bewang ng babaeng kaharap niya at halikan ito sa labi. Nanlaki ang mata ko habang pinapanood sila. Ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko dahil doon.
Bakit ganu'n? Alam ko na gagawin niya 'to e. Bakit pa ako nagtataka?
Sinabi ko na nga ba at gumagawa lang siya ng trap para mapaniwala ako sa mga salita niya. Sinabi ko na nga ba't iiwan niya rin ako tulad ng mga babaeng nagamit niya na rin noon. Totoo nga talaga. Hindi niya ako mahal. Hindi niya ako gusto. Lahat ng pinapakita niya ay puro lang kasinungalingan.
I am just in the trap of that Mr. Ceo.
__________________________________________________________________________
YOU ARE READING
CEO's SERIES 10: THE TRAP OF MR. CEO | ✓
RomanceSERIES COLLABORATION: CEO's SERIES 10 by 3shaaah The hotties CEO from Manila, his name is Levisian Astreo. He like playing girls and he didn't want to be serious in a relationship. He was rich and passionate to his job but not to his girl. One day...