17

158 5 0
                                    

"Anong gusto mong kainin?"

Napalingon ako kay Levisian ng itanong niya sa 'kin 'yon. Galit ba talaga siya?

Napalingon siya sa akin ng hindi ako sumagot. Tinaasan niya naman ako ng kilay, naghihintay ng sagot ko.

"Kahit ano," sabi ko naman na nasa kaniya pa rin ang tingin.

"Walang kahit ano sa table Xajah," sabi niya na tinaasan nanaman ako ng kilay.

"Ako na lang kukuha ng pagkain," sabi ko na inagaw pa sa kaniya ang plato at kutsara.

Napakunot naman ang noo niya habang pinapanood akong kumuha ng pritong tilapia at ketchup. Kumuha din ako ng kunting kanin bago lumingon sa kaniya.

"Yan lang ang kakainin mo? Sa dami dami ng pagkain?" tanong niya na tinignan pa ang pagkain na nasa harap namin.

Paniguradong maiinis sa kaniya si Mama Eyah kapag nalaman niyang ganito ang pinapakitang ugali ni Levisian sa bisita. Pasalamat siya at wala dito si Mama Eyah, may pinuntahan kaya naiwan kami. Uuwi na sana ako pero pinilit ako ni Mama Eyah na samahan muna dito si Levisian.

"Okay na 'ko dito," sabi ko na nagsimula ng kumain.

"Ako hindi," sabi niya na ikinalingon ko.

Napakunot naman ang noo ko ng lagyan niya ng iba't ibang gulay ang plato ko. Naglagay din siya ng fried chicken, steak, siomai, adobo at kung ano ano pang pagkain na halatang mamahalin.

"T-Tama na," sabi ko na iniiwas pa ang plato sa kaniya. "H-Hindi ko naman mauubos 'to e!" Reklamo ko na napasinghal pa. "Pag ako tumaba at natanggal sa trabaho, kasalanan mo 'yon lahat."

Napasinghal naman siyang hinarap ako. "As if naman na matatakot mo 'ko? Edi tumaba ka basta ako 'yong dahilan pati ang pagkain na ibinibigay ko sa 'yo," sabi niya bago kumuha ng plato niya para magsandok na rin ng para sa kaniya. "Mas gwapo pa nga ako doon sa lalaking kasama mo kagabi tsk." Bulong niya pero rinig na rinig ko!

"Eh ano naman kung mas gwapo ka? 'Yon loyal na sa 'kin kahit hindi pa kami. High school pa lang gusto na ako 'nun hanggang ngayon. Ikaw? You never been serious in a relationship. Basta sumaya ka lang ng isang gabi, tapos na kinabukasan. Hindi mo naiisip 'yong nararamdaman ng babae. Napakasama mong lalaki. Sex lang ang habol mo sa babae. Saan ang ideal man doon? Sa tit--" Nahinto ako sa pagsasalita ng tumayo siya at naglakad palayo.

Napatakip ako bibig at doon ko lang narealize na sumusobra na ang bibig ko. Napasapo ako sa noo na napalingon sa paligid kung may nakarinig. Nakita ko ang dalawang kasambahay na mukhang nag aalala sa kalagayan namin ni Levisian. Pilit akong ngumiti at tumango sa kanila.

"S-Sorry, aayusin ko. Kalimutan niyo na ang narinig niyo," sabi ko sa kanila.

Tumango naman sila bago naglakad palayo sa akin. Tumayo din ako para hanapin si Levisian.

Napapamura ako sa isip sa tuwing maalala ang mga sinabi.

Wala kang utang na loob Xajah!

Patakbo akong lumabas ng bahay nila ng marinig ang pagstart ng kotse. Oh my gash!

Nakita ko si Levisian na kakalabas lang ng kotse. Mukhang may nakalimutan siyang gamit. Nasa labas na din ang kotse niya at handa ng umalis.

"Levisian!" Tawag ko na tumakbo papalapit sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin. Nagmadali din siyang kunin ang bag niya sa gilid bago nagmadaling pumasok ng kotse. Tumakbo naman ako palapit ng kotse niya pero huli na ako ng paandarin niya ito.

Napailing naman ako. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa mga sinabi ko. Bumalik ako ng bahay nila para kunin ang gamit ko. Kakamadali ko ay hindi ko na naisipan pang magpaalam. Pumunta ako ng condo niya at ilang beses na 'kong nagdoorbell pero walang taong lumalabas.

Napaupo ako sa sahig malapit sa pintuan ng condo niya. Napasapo ako sa noo habang minumura ang sarili sa isip.

Ang tanga tanga mo Xajah. Hindi mo man lang naisip mga naitulong niya sa 'yo.

Naghintay ako ng halos dalawang oras. 11:50PM na bago ko siya nakitang naglalakad palapit sa pinto ng condo niya. Napatayo naman ako. Nang magtama ang tingin namin ay napakunot ang noo niya.

"What are you doing here?" tanong niya ng makalapit siya.

Naamoy ko kaagad ang alak sa kaniya. Nakonsensiya nanaman ako.

"S-Sorry," sabi ko na hahawakan sana ang kamay niya pero mabilis niya itong iniwas. "H-Hindi ko sinasadyang sabihin 'yon."

Napakunot naman ang noo niya. "Ah hindi ba?" tanong niya pero puno ng sarkastiko.

"Levi... sorry."

"Umuwi ka na," sabi niya bago buksan ang pinto ng condo niya. "Sorry kung hindi kita maihahatid, pagod na kasi ako," sabi niya bago pumasok ng condo niya at pagsarhan ako.

Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa konsensiya. Hindi ako umalis sa harap ng pinto niya at doon lang naupo sa gilid. Yakap ko ang sariling tuhod habang pinipigilan maiyak. Nakakahiya ako.

Wala akong utang na loob.
Hindi muna ako nag isip bago nagbitaw ng gano'ng salita.
Ang tanga tanga ko.

Sa tagal ko doon ay hindi ko namalayan na nakatulog ako ng ganon ang posisyon. Nagising na lang ako ng may kumot ng nakabalot sa katawan ko. Napalingon ako sa tabi ko ng may makitang nakaupo din. Nanlaki ang mata ko ng makitang nakaupo din si Levisian sa sahig katabi ko habang mahimbing na natutulog.

K-Kailan pa siyang ganiyan?

Napakurap kurap ako ng lumingon siya sa akin para tignan ako. Umayos siya ng upo para tignan ako ng malapitan.

"Gising ka na. Malamig dito, pumasok tayo sa loob," sabi niya na tumayo na.

Hindi ako tumayo at nakatingala lang sa kaniya habang nakayuko naman siya sa 'kin. Pareho kaming naghihintayan kung sino ang unang magsasalita.

"Levi," tawag ko sa pangalan niya. "Patawarin mo na 'ko." Para akong maiiyak dahil gumagaralgal ang tono ko.

"Tumayo ka na diyan," sabi niya na tinulungan pa akong tumayo.

Nang makatayo ako ay binitawan niya na ako para buksan ang pinto ng condo niya tsaka pinapasok ako. Nang makapasok ako ay nanatili lang ako sa harap ng pinto habang yakap ang kumot niya.

"Levi naman." Nagmamakaawa na ako sa kaniya.

"Marami na ang nagsabi sa 'kin niyan Xajah," sabi niya na hindi man lang ako nililingon. "Nakarinig na rin ako niyan sa ibang babae pero kasi..." Putol niya tsaka lumingon sa akin. "Bakit ang sakit kapag ikaw ang nagsasabi sa 'kin ng ganiyang mga salita?"

__________________________________________________________________________

CEO's SERIES 10: THE TRAP OF MR. CEO | ✓Where stories live. Discover now