4

177 7 0
                                    

"Kaya ayaw kong masyadong expose sa camera."

Napatingin naman ako kay Levisian ng sabihin niya 'yun. Akala ko kasi ay kaming tatlo ni Haz ang kakain, kaming dalawa lang pala kaya kailangan ko siyang yayain kumain sa tagong kainan na wala masyadong tao.

"Magandang expose sa camera, kilala ka ng lahat." Nakangiting sabi ko.

"I don't need attention." Nakangiting sabi niya na ikinalingon ko. Hindi ko kailangan maexpose sa camera para lang makilala ng lahat."

Napatango naman ako. Ano bang pwedeng sabihin?

"Pero sikat ka ha." Natatawang sabi ko.

Napatitig naman siya tsaka natawang umiling. "I told you, I don't need to expose." Sabi niya tsaka uminom ng juice niya.

Sabagay, kahit kasi mapadaan lang siya sa kanto ay kapansin pansin na siya. Ang tindig niya at amoy ay pwede ka ng akitin.

"Wala akong maisip na sasabihin." Pag amin ko.

Natawa naman siya tsaka umaktong nag iisip. "Sinabi mo kanina na gusto mong expose ka sa camera pala kilala ka ng lahat. You mean..." Putol niya na nanliit pa ang mata. "Gusto mo talagang sikat ka."

Tumango naman ako. "I can do everything just to be famous. I want to create a name in this world." Sabi ko naman.

Ngumiti naman siya. "I think you already do that."

Napatitig naman ako sa kaniya. Hindi ko alam kung binobola niya ba ako or what.

"Did you think?" Paniguradong tanong ko.

Tumango naman siya. "I always hear your name in everywhere. Hindi ko nga lang inaasahan na makakaharap kita." Natawa ulit siya.

"How about you?" Pag iiba ko ng usapan.

"About me? What?"

"Bakit ayaw mo?"

"Sorry to the words but I know... All people in front of camera is not true." Nakangiting sabi niya na ikinakunot ng noo ko. "They are different behind the camera."

"What do you mean?"

"Puro sila kaplastikan sa harap ng camera. Ang mahalaga sa kanila ay ang kasikatan at wala silang pakealam sa mga taong nakakakita ng kaplastikan nila." Nakangiting sabi niya.

Napaiwas naman ako ng tingin. Kahit kasi ako ay ganu'n din. Lahat ng pinapakita ko sa pagitan namin ni Brent ay hindi totoo. Puro lang 'yun kaplastikan tulad ng sinasabi ni Levisian. Hindi ko nga iniisip 'yung mga taong humahanga sa amin ni Brent kasi ang mahalaga sa akin ay ang kasikatan na mayroon ako. Pero... Hindi ko rin naman ginustong ipareho kay Brent dahil una sa lahat, artista ako at may sinusunod na manager.

Hindi tuloy mawala sa isip ko ang sinabi niya kahit hindi na kami magkasama. Hindi ko alam kung bakit parang nakonsensiya ako kahit na pagitan lang naman ni Brent ang hindi totoo na ginagawa ko.

Hindi kaya pinapatamaan ako ni Levisian at ako lang 'tong manhid para hindi 'yun mapansin?

"You have an interview Xajah after this break." Sabi ng personal assistant ko.

CEO's SERIES 10: THE TRAP OF MR. CEO | ✓Where stories live. Discover now