Prologue

1.1K 73 27
                                    

Leonidas' POV

I took the folder in front of me and stared at it as if it were the most useless thing I'd ever seen.

Ilang ulit ko pa bang dapat mabasa ang mga walang k'wentang bagay na nakasulat sa papel na ito?

I already declined their offer several times, pero matigas talaga ang ulo nila at patuloy pa rin akong kinukulit sa bagay na ito.

"I told you not to go back here," I said, as I placed the folder back on the table.

Tinapunan ko siya nang matalim na tingin, and I can clearly see how her body shivered in fear.

"P-Pero, Sir. S-Sabi po kasi n-ng..."

I raised my right hand to stop her from speaking.

"Enough nonsense."

"S-Sir..."

"You may leave," I calmly uttered.

Nanginginig niyang kinuha ang folder sa ibabaw ng mesa at nagmamadaling lumabas ng k'warto.

Kaawa-awa ang sekretariyang iyon, sunod-sunuran sa mga utos ng mga amo niyang hindi naman karapat-dapat paglingkuran. Kung ako sa kanya'y iiwan ko na ang trabaho ko at maghahanap na lamang ng iba.

She's just wasting her effort serving the wrong people. Ginagawa lang naman siyang tuta, gaya ng Mayor ng San Catalia. A puppy of our Dad.

Naturingan siyang opisyal ng gobyerno, pero wala siyang sariling paninindigan. He's a piece of trash.

Alonzo calling...

"Sup, bro!" he whispered as soon as I answered the call.

"What do you need, Al? I'm not in the mood for nonsensical creatures like you, so better say something worth my time," I groaned.

"Wow, bakit ba hindi na ako nagulat na ganiyan ang ibinungad mo sa 'kin?" patawa-tawa niyang tanong.

"I'm ending the call."

"H-Hey! Sandali lang naman! I'm just joking, bro. May sasabihin talaga ako," pagmamaktol niya.

"Spill it."

"Bukas na ang balik ko riyan sa San Catalia, at nasabihan ko na rin sila Idi. So, we'll have a reunion party diyan sa Leon!" he excitedly said.

"Waste of time. Waste of energy," I lifelessly answered.

"Don't be so harsh on us, bro. Hindi mo manlang ba na-miss 'yong dati? We've been friends since grade school. Sabay pa nga tayong naliligo dati noong varsity player pa tayo."

Napahilot na lamang ako sa sintido ko nang maalala ko lahat ng iyon. Paano ko ba naging kaibigan ang mga taong tulad nito?

Hindi ko talaga lubos maisip.

"Fine."

I immediately ended the call.

Inayos ko ang suot kong itim na polo, bago lumabas ng opisina. Naabutan ko si Wanda na nakaupo sa harap ng bartender, napakalawak nang ngiti niya habang pinanonood itong gumawa ng tequila sunrise na paborito niyang drink.

Matagal ko na ring napapansin na may kakaiba sa mga tinginan nila sa isa't isa. I guess, my secretary fell in love with our bartender.

But what is love, anyway?

Such a waste of time.

"S-Sir Leo, magandang araw po!" nakangiti niyang bati sa 'kin nang mapansin akong nakatayo sa 'di kalayuan.

"Likewise," I answered.

I was about to leave, but Mayor Ludwick suddenly entered the bar. Wanda greeted him, pero hindi na ako nag-abalang batiin siya.

"What do you need, mayor?" I lifelessly answered.

"How many times do I have to tell you, na 'kuya' ang dapat mong itawag sa 'kin at hindi mayor?" he emphasized every word he said.

"Sabihin mo na lang kung ano ang ipinunta mo rito. I don't want to waste my time," I said before sitting on the high stool.

"I just came to check on you again," he emphasized the word 'again'.

I didn't even ask him to check on me. I don't need his guidance; I don't need anyone's guidance. Ang hirap talaga niyang pakisamahan.

"You don't have to check on me. I am no longer a dumbheaded child. Atupagin mo na lang 'yang pagiging Mayor mo," I uttered.

"Titigil lang ako sa pagbabantay sa 'yo kapag nabago mo na 'yang baluktot mong pag-uugali, Leonidas," matigas nitong sagot. "Gumawa ka na naman ng gulo noong nakaraan, mabuti na lang at naayos ko rin agad ang lahat. Kaya dapat nga'y magpasalamat ka dahil hindi kita hinayaang mabulok sa kulungan."

"I didn't even ask you to help me. Hinayaan niyo na lang dapat ako. I can save myself from anything."

Tinalikuran ko siya at lumabas ng bar.

Dumiretso ako sa parking lot para kunin ang sasakyan ko. Mabilis ko itong pinaandar nang makasakay na ako.

Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta, pero mas maigi nang umalis ako sa bar kaysa makinig sa mga sinasabi niyang wala namang katuturan.

Ayoko na ring magsayang ng laway sa kan'ya. Mas ayos pang kausapin si Poldo, kaysa ang makipagtalo sa kan'ya. I guess, s'werte na rin ako na naging kakambal ko ang lunatic na iyon. Kahit parang lagi siyang wala sa mundo, nagagawa niya naman akong intindihin sa ibang bagay.

I stopped the car when I reached an intersection dahil nakapula pa ang traffic light. I saw a woman walking on the side of the street. She's wearing a white oversized shirt, black maong shorts (na kaunti na lamang ang nakikita dahil sa haba ng suot niyang damit), and casual black slippers (na hindi naman mukhang gusgusin pero halatang luma na). She's holding a cone of ice cream in her right hand.

I don't know why, but I found myself staring at her. Maging sa isa pang babaeng kasama niyang maglakad, na mas bata sa kan'ya. Siguro'y nasa 8-10 years old pa lamang.

The woman's not that tall; I think her height is just around 5'4. She's not that beautiful either; hindi siya pasok sa mga standards ko sa babae.

But I found myself staring at her.

Wala naman silang kakaibang ginagawa. Nag-uusap lamang sila no'ng bata habang kumakain ng dirty ice cream at naglalakad nang mabagal na akala mo'y nasa buwan. But the happiness is obvious on their faces. Simpleng ice-cream lang naman ang mayro'n sila, pero bakit ang saya saya nila? A kind of happiness na never ko pang naranasan sa buong buhay ko.

Napadako ang tingin niya sa direksiyon ko at ngumiti. Hindi niya naman ako kilala, kaya bakit niya ako ngini-ngitian ngayon?

Seryoso lamang akong tumingin sa kan'ya. Ilang minuto ko pa siyang tinitigan bago pinaandar muli ang sasakyan nang sa wakas ay nag-berde na ang traffic light.

What's with that woman?

Curse Of LoveWhere stories live. Discover now