Gaya nang dati, si Wanda agad ang bumungad sa 'kin pagpasok ko ng bar. Ginagawa niya ang madalas niyang gawin—ang umupo sa mesa niya at gumawa ng papeles. Habang nakaupo naman sa harap niya ang bartender ng bar.
"Sir Leo, bakit ngayon ka lang po? 'Tsaka..." tinitigan niya ang t-shirt na suot ko.
"Stop scanning me."
"Sorry po, sorry! A-Ano po... Nanggaling po si Miss Izza rito," she stuttered.
"What did she say?" I lifelessly answered.
"Sabihin ko raw po sa iyo na gusto ka niyang makausap. Maghihintay daw po siya sa café bukas, 9:00 o'clock in the morning. Alam n'yo na raw po kung saang café ang tinutukoy niya," she stated.
"I'm sick of her."
"Bakit hindi mo na lang po kausapin? Baka may gusto lang po talagang sabihin, sir?"
I didn't answer.
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ni Izza. Ilang ulit ko na ring sinabi sa kan'yang hindi ko na siya gustong makausap. Pero heto na naman siya, ipinipilit ang mga bagay na hindi naman dapat ipilit.
Tinalikuran ko na lang si Wanda at naglakad.
Ziena calling...
Paano naman na-save ang number niya rito? I can't remember saving her number on my phone nor giving her my number.
"How did you get my number?" I immediately asked as soon as I answered her call.
"Sa phone mo?" she sarcastically answered.
"Paano nga, 'di ba? Hindi naman saan," I sarcastically answered back.
"Eh, sa phone mo nga? Kinuha ko sa phone mo, okay na?" she blabbered.
Napaka-maldita talaga nito.
"Paano mo nga nakuha?"
"Sa phone mo nga, noong tulog ka. Sino ba naman kasing normal na tao ang hindi maglalagay ng password sa phone nila? Eh, 'di nabuksan ko nang walang kahirap-hirap," sabay tawa nang nakakaloko.
"Eh, sa ayoko ngang lagyan, ano ba'ng pakialam mo? Pinapalitan ko rin naman din halos kada buwan kaya bakit ko pa lalagyan?" I pissed.
"Magpalit ng phone every month? Adik ka ba? Ako nga inabot na ng limang taon itong phone ko dahil hindi pa mapalitan. Hindi ka talaga normal, palibhasa'y umuulan ng pera sa bahay n'yo," asik niya naman sa 'kin.
"Bakit parang kasalanan ko pang hindi mo mapalitan 'yang phone mo?"
Kung maka-asik akala mo'y ako ang may kasalanan. Kakaiba talaga ang babaeng ito. And she's getting weirder and weirder.
"Sinabi ko ba? Umawat ka nga muna, hindi ko masabi ang reason nang pagtawag ko, eh,"
"Ako pa talaga?"
"Oo, kaya tumahimik ka muna."
"Whatever."
"So ayon, tumawag talaga ako para ayain ka." This time, she said it calmly.
"Ayain?" I unknowingly asked.
"Oo, aayain ka sana naming magsimba. Gusto ka kasing isama ni Vini," she replied.
"Magsimba?" maang kong tanong.
"Oo, hindi mo alam 'yan? Hindi ka siguro nagsisimba, 'no? Not surprising," she said.
"Yeah, I don't go to church."
"Hindi ugali ng family n'yo na magsimba every Sunday? Kakaiba talaga kayo." Amazement is obvious in her voice.
YOU ARE READING
Curse Of Love
RomanceDargan Series #4 Leonidas Dargan Leonidas is the youngest among the Dargan brothers. He is a man every woman adores so badly; that's why he treats women like toys that he can dispose of easily. But tables will turn, and he will experience...