"Saan ba talaga tayo pupunta, Ziena?"
We've been walking for almost an hour now. She's still holding my right hand while we're walking. I wanted to use my car to go to the place she wanted to go, but she insisted that we should walk instead.
This woman is really full of weirdness.
And she's extra and unique. Which is probably why she caught my attention.
"Diyan lang, basta sumunod ka lang sa 'kin," she calmly said.
Kanina pa niya sinasabi na 'diyan lang', pero kanina pa rin kami naglalakad. Ang kailangan pa yata'y may madaanan na kaming bundok para sabihin niyang nakarating na kami sa pupuntahan.
"Don't worry, hindi tayo pa-bundok. Kaya h'wag kang oa," she added.
Nabasa niya na naman ba ang isip ko?
Nagpatuloy lang kami sa paglakad hanggang sa makarating kami sa isang kanto na may nagtitinda ng mga ihaw-ihaw. Nasa gilid lang ito ng kalsada at walang mga upuan, pero maraming tao ang kumakain.
Napalingon pa ang iba sa amin na parang nagtataka. Nakasuot ba naman ako ng polo at halatang galing sa opisina tapos nandito ako sa ganitong lugar. Siguro'y kilala rin ako ng iba rito.
"Leo, tara," she asked.
"Kakain tayo riyan?" I innocently asked.
"Malamang? Kaya nga kita sinama para kumain tayo," she sarcastically answered.
"Hindi ako kumakain nang gan'yan, kaya ikaw na lang," I hesitantly said.
She rolled her eyes. "Sinama nga kita para dalawa tayo, e."
"Fine, fine. Tara na nga," I said, taking her right hand.
Nauna naman siyang maglakad palapit sa isa sa mga nagtitinda at binati ito. Nginitian naman siya nito at yumakap pa sila sa isa't isa. Magkakilala sila? Actually, she seems familiar.
"Ziena! Buti naman at naisipan mo na akong puntahan. Ilang araw ka nang missing person, e. Porket closed ang convenience store ng two weeks, hindi mo na ako kinikita," she said while pouting.
Ziena pinched her right cheek, "Sorry na, Rara. Naging busy lang din talaga. Pero at least, nandito ako, 'di ba?" she said while smiling.
Oh, I can remember her now. Her name is Karra. She's the girl who's with Ziena that night on Leon's Paradise. Kaya pala siya pamilyar.
"Hmpk! Muntik na kaya akong magtampo sa 'yo, kung 'di lang talaga dahil love na love kita!" Karra frowned at Ziena.
"Nandito naman na ako... so lutuan mo na ako ng dalawang isaw ng manok at baboy, dalawang taba, and dalawang barbeque, gutom na kasi kami," Ziena frowned at her too.
"Kayo? Oh..." Karra turned her head on me, then scanned my whole body. "You're with someone pala."
"A-Ah, oo. Si Leonidas, tanda mo?" Ziena shyly said.
Karra moved her head closer to Ziena's left ear. "Makalilimutan ko ba naman siya, e na witness ko kung paano nakipag-boogsh boogsh 'yan kay Link," she whispered to her. "At saka, ang pogi niya super. Super duper hot din," she added while giggling.
Bakit niya pa ibinulong kung ipinarinig niya rin naman sa akin? Mga babae nga naman.
Ziena pinched her arm a bit. "Rara!" she reprimanded.
Karra just laughed. "Bet mo lang siya, e. Ikaw, ah!" she teased Ziena.
"H-Hoy! Ano ka ba! Mamaya kung ano'ng isipin niyan," asik naman ni Ziena.
Wait, did she not deny it?
"So you like me, huh?" I asked with a mischievous grin plastered on my face.
Nanlaki naman ang mata ni Ziena, "A-Ano?! H-Hindi, 'no! Sinabi ko nga na baka kung ano'ng isipin mo," nauutal pa niyang sagot.
"Then why are you stuttering?" I smirked.
"W-Wala lang! Bakit ba?" asik niya sa 'kin. "Luto na yata 'yong barbeque natin, kumain na lang tayo," pag-iiba niya sa usapan at nauna nang lumapit sa iniihaw.
Hinila ako ni Karra para kumuha sa mga pinaluto ni Ziena. Una niyang inabot sa akin ang barbeque at taba na agad ko namang kinain. Masarap ang barbeque, halos ka-lasa rin ng mga nabibili sa mga restaurant. 'Yong taba naman masarap din kahit hindi talaga ako kumakain ng taba.
Sinubukan ko rin 'yong dalawang klase nila ng isaw, unang beses ko lang na nasubukan pero masarap din naman pala. Mas nagustuhan ko rin 'yong isaw na malaki, kaysa sa mas maliit.
"Nabusog ka naman?" tanong sa 'kin ni Ziena habang umiinom kami ng palamig.
"Yeah, the food tastes good, and I honestly didn't expect that," I commented.
"Masasarap naman talaga ang mga street foods, mas masarap pa nga minsan kaysa sa mga food sa resto," she answered with a little smile.
I nodded in agreement, "Yeah, masarap din itong palamig. Let's go back here if we have time."
"Wow, nag-aaya ka nang bumalik. Kanina lang ayaw mong kumain dito," she chuckled.
"Well, I've changed my mind since I liked the tastes of the foods," I proudly said.
"Oo na, tara na sa bahay. Naghihintay si Vini," she said as she walked towards Karra.
"Bakit nga pala hindi mo siya sinama?" I asked.
"Nasa bahay pa kasi siya ni Tita kanina, kahahatid lang din sa kan'ya sa bahay. Daan pala tayo sa bilihan ng donut para may pasalubong sa kan'ya," she uttered.
Nagpaalam siya kay Karra bago kami umalis. Pinadalhan pa siya nito ng mga barbeque na binalot niya para raw kay Vini. Binigyan ko rin si Karra ng isang libo, kahit pa nagpumilit si Ziena kanina at siya ang nagbayad nang kinain namin.
"Ziena?" I called her while driving.
Pauwi na kami sa bahay nila Ziena. Nanggaling na rin kami sa donut shop para sa pasalubong ni Vini.
I can feel that she turned her head in my direction. "Bakit?"
"Remember what I said the last time?" I intently asked.
My eyes are on the road, but my ears and mind are waiting for her answer.
"Ah, oo," she replied, almost like a whisper.
"You don't want to try?" I took a glimpse at her before she looked away.
She cleared her throat a bit. "Sigurado ka bang gusto mo, Leo? Baka naman bored ka lang mas'yado sa buhay kaya mo gusto 'yan ngayon."
Hindi nga kaya?
Pero pakiramdam ko nama'y hindi. Dahil ngayon lang ako nagka-ganito sa buong buhay ko. Ngayon lang ako nakaramdam na maging masaya kahit sa mga simpleng bagay na rati'y wala naman akong pakialam.
She's the only woman who made me this weird, but happy and real. When I'm with her, I don't have to be the Leo that everyone hates. I can just be the Leo who wants to be happy and real.
"I am sure, Ziena."
I can feel that she turned her head in my direction again. "Baka eme-eme lang 'yan, ah."
"Anong eme-eme?" I innocently asked.
"Joke joke lang, gano'n. Fake fake," she answered, still having a serious tone.
I didn't answer immediately; instead, I stopped the car on the side of the street. Then I faced her. I looked straight into her eyes.
I can't believe that I'm really feeling this kind of feeling now and that I'm going to say words like this.
"Seryoso ako, Ziena," I wholeheartedly said.
She smiled meaningfully and said, "Then... tara. Let's do those things together."
I looked away to hide my smile. "I'm glad that you finally agreed."
"Teka. Baka mag-assume ka na naman diyan, ah. Pumayag lang ako kasi gusto ko ng kasama," she blabbered.
I faced her again: "Napilitan ka lang, gano'n?"
"Hindi naman sa gano'n pero parang gano'n na nga," she said while pouting.
"Ang sakit mo naman." I acted like I was shot by a bullet in my chest.
"Ang oa, napaka-oa ng tao," she teased.
I pinched both of her cheeks and said, "Pasalamat ka't cute ka, kaya ayos lang na gan'yanin mo ako."
Natahimik naman siya at umiwas nang tingin. Namula rin ang pisngi at mukha niya na parang kinikilig.
Kinilig siya sa sinabi ko?
Pinaandar ko nang muli ang kotse. Naging tahimik na siya at hindi na umimik. Parang malalim din ang iniisip niya at nakatingin lamang sa labas ng bintana ng kotse.Past 3:00 na ng makarating kami sa bahay nila. Sinalubong naman kami agad ni Vini pagpasok namin sa bahay. Inaya niya ako agad sa sala para manood ng mga paborito niyang cartoons habang si Ziena naman ay inayos 'yong mga dala naming pagkain para makakain na si Vini at gayon din kami.
"Na-miss po kita, kuya!" Vini cheerfully said.
And I guess, I missed her too.
"Tinaguan n'yo kasi ako ng ate mo," I lifelessly answered.
Umiling-iling naman siya, "Hindi po, kuya! Naging busy lang po talaga si ate kaya hindi ka po napuntahan. Pero for sure po, na-miss ka no'n."
"Parang hindi naman. Sinusungitan pa rin ako at inaaway, e," naiiling ko ring sagot.
"Gan'yan lang po talaga si ate, pero miss ka rin po niyan maniwala ka po," sagot niya habang tinataas baba pa ang dalawang kilay.
"Okay, if you say so," I surrendered.
Nginitian niya lang ako nang malapad bago pumunta sa kusina para tulungan ang ate niya sa pagkain. Nang matapos sila'y kumain na kami habang nanonood ng cartoons.
May bigla namang tumawag kay Ziena habang kumakain, pero hindi niya ito sinagot. Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang makita ang tumatawag. Parang kinabahan siya at nag-alala.
Sino naman kaya iyon?
YOU ARE READING
Curse Of Love
RomanceDargan Series #4 Leonidas Dargan Leonidas is the youngest among the Dargan brothers. He is a man every woman adores so badly; that's why he treats women like toys that he can dispose of easily. But tables will turn, and he will experience...