Ilang minuto na akong nakatayo rito sa labas ng bahay nila, pero hindi pa rin sila lumalabas. Nasaan na kaya ang mga iyon? Tiningnan ko ang relo ko at 8:33 na ng umaga, 27 minutes na lang bago ang misa.
Ilang minuto pa akong naghintay bago ko naisipang pumasok na sa loob.
"Hi, kuya pogi!" Vini greeted me as soon as she saw me.
"Hey, nasaan ang ate mo?" I asked.
"Ah, nasa taas pa po. Hindi pa po tapos magbihis. Kanina pa nga po iyon, eh. Ewan ko nga po ro'n, baka kinain na ng cabinet," she pouted.
"Grabe talaga iyang ate mo," I commented.
"Hindi naman po gan'yan katagal magbihis si ate kapag kami lang, eh," she pouted again. "Nandito ka lang po kasi, kaya siguro matagal," she added while giggling.
"What do you mean by that?" I unknowingly asked.
"Na c-conscious po siguro sa iyo," she answered.
Si Ziena? That weird woman, na parang dragon kung umasta? I don't think the word 'conscious' is in her vocabulary.
"Impossible," I whispered.
"Ano po, kuya?"
"Nothing."
"Ayan na po pala si ate, eh!"
I turned my head towards the stairs. She's wearing a yellow dress na hanggang sa ibabaw ng tuhod ang haba. Nakalugay lamang ang mahaba niyang buhok at may suot na dilaw na headband. Hindi siya naka make-up nang makapal, kaunting lipstick lamang at 'yong guhit sa mata, na nag-emphasize ng magandang hugis nito.
Mas maganda ang ayos niya ngayon, kaysa noon sa bar. Though she didn't wear a lot of make-up at that time, like now, But she looks more simple, pure, and neat in this look. Maybe because of her dress. Malayong-malayo talaga siya sa mga babaeng nakilala ko noon.
"Tapos ka na bang i-scan ako, Leo?"
I looked away. "I'm not scanning you; it's just..." I managed not to stutter, though I didn't know what to say.
I looked at her again. She's just staring at me, waiting for me to continue my statement.
"Just?" she asked while raising her left eyebrow.
"Just..."
Ano nga ba ang ginawa ko?
"Don't tell me, 'yong hagdan naman ang tinitigan mo ngayon? Addict ka ba?" She crossed her arms in front of her chest.
"Ano naman kung titigan ko? Wala namang masama roon?" I blabbered.
"Ewan ko sa 'yo, Leo. Kulang ka 'yata talaga sa aruga," asik niya sa 'kin.
"Nagsalita ang weirdo," asik ko naman.
"At least, hindi nag-addict sa pinto at hagdan," she rolled her eyes.
"At least I didn't save my number on someone else's phone without his permission," I sarcastically answered.
"Eh, for communication purposes naman iyon! Duh!" naiirita na niyang sagot.
"So, you want to keep in touch with me?" I asked with a mischievous grin plastered on my face.
Umiwas naman siya nang tingin at parang hindi alam ang isasagot. Dahil tama siguro ang sinabi ko? Hindi kaya nahuhulog na siya sa akin? Well, that's no longer new for me.
"H-Hindi kasi gano'n! Ah, basta! Tara na nga! Ma l-late na tayo sa misa!" nagmamadali siyang bumaba ng hagdan, bitbit ang isang medyo malaking paper bag at naunang lumabas ng bahay.
She's really a weirdo.
Paglabas namin ni Vini, nakasakay na sa kotse si Ziena. Hindi manlang ako hinintay na pagbuksan siya ng pinto ng kotse gaya nang ginagawa ko sa ibang babae ko noon, na gustong-gusto naman nila. Sa mga gano'ng bagay lamang ay hulog na hulog na sila sa akin.
Mga babae nga naman.
"Ready to go? Wala na kayong nakalimutan?" I asked after entering the car.
"Wala na po, kuya," Vini answered.
"Ikaw, Ziena? Wala na ba?"
Hindi niya ako pinansin, kaya pinaandar ko na lamang ang kotse at umalis. Malapit lang naman ang simbahan mula sa bahay nila. Maaring lakarin dahil isang sakay lang naman ng jeep.
Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami, marami ng tao dahil malapit na ring magsimula ang misa.
I honestly can't remember the last time I've been to church because I'm obviously not the type of person who'll go to church every Sunday. I can see people staring at me—some girls who're obviously captivated by my looks; some children who're smiling at me; and some people with questioning and confused looks on their faces.
They're probably wondering why I'm here and what kind of sorcery brought me here. If only I could tell them it was all Ziena's black magic.
"Tara na po, kuya."
Hinawakan ni Vini ang kanang kamay ko, habang hawak naman niya ang kaliwang kamay ni Ziena sa kabila. Halatang excited siya sa misa. Ngiting-ngiti pa habang naglalakad.
I don't get what's exciting about this.
We went inside the church and sat on the last row. All of the rows are occupied, since there are several people inside. Maraming mga mata, maging mga matatanda na halatang madalas dito sa simbahan. May iilan ding pamilyar na mukhang nakita ko na noon sa bar, maging sila pala'y nagpupunta rin dito.
Hindi ko masundan ang mga ginagawa nila, dahil gaya nga nang sinabi ko, hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na pumunta ako rito.
"Kuya, hawakan mo po ang kamay ni ate," bulong sa akin ni Vini.
Nag-lean ako nang bahagya sa kan'ya, "Why would I do that?" maang kong tanong.
"Ama namin na po kasi, kuya."
Naghawak kamay ang karamihan, habang nakapatong naman ang kamay ng iba sa kamay ng katabi nila. Hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Ziena gaya ng sabi ni Vini. Sakto namang tumugtog ang kanta na sinasabayan ng choir.
Nakita kong napalingon si Ziena sa akin nang hawakan ko ang kamay niya, pero agad din siyang umiwas nang tingin at ibinalik sa harap ang atens'yon.
Nang matapos ang misa, dumiretso sila sa gilid ng simbahan. Inutusan pa akong balikan, 'yong paper bag niya sa sasakyan dahil kailangan daw nila ang laman noon.
"Kuya!" sinalubong agad ako ni Vini pagbalik ko.
Inabot ko naman kay Ziena'yong paper bag. Ang pinagtatakhan ko lang ay kung bakit maraming bata ang nandito sa harapan namin. Mga batang sa palagay ko'y nakatira sa kalsada o street children.
Isa-isang nilabas ni Ziena ang mga supot ng biscuit mula sa paper bag. Hindi ko napansin na 'yon pala ang laman ng paper bag na pinakuha niya. Tuwang-tuwa naman ang mga bata nang makita ang mga biscuit. So para iyon sa mga bata? Hindi ko tuloy maiwasang ma-amaze sa nangyayari.
"P'wede ka bang tumulong mamigay?" biglang tanong sa 'kin ni Ziena.
Hindi naman ako agad nakasagot dahil nakatitig lang ako sa mga batang masayang naghihintay sa pagkain.
"Wait, I'll be back."
Tinalikuran ko siya, narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko, pero hindi ko na siya pinansin. Nagmamadali akong bumalik sa sasakyan at pinaandar ito agad. Nag-drive ako papunta sa pinaka-malapit na supermarket.
Pagpasok ko, kumuha ako ng cart at dumiretso agad sa mga inumin. Kumuha ako ng tatlong karton ng zesto at pumunta agad sa counter.
Nang matapos ako sa supermarket, dumiretso naman ako sa donut shop. Um-order ako ng limang boxes na may lamang sampung assorted donuts. Nang matapos akong bumili, nag-drive ako agad pabalik sa simbahan.
Sigurado akong nag-iinit na naman ang ulo no'ng si Ziena. which is cute.
"'Yang si Leo talaga, hindi maasahan," narinig ko agad ang reklamo ni Ziena habang naglalakad palapit sa kanila.
"Baka may importante lang pong pinuntahan," sagot naman ni Vini.
"Aish! Bahala siya!" pagmamaktol naman no'ng isa.
"Kuya Leo!" nakangiting bati sa 'kin ni Vini nang makita akong palapit.
Lumingon naman agad sa 'kin si Ziena, maging ang mga bata.
"I'm back; miss me that much?" I asked, then I gave her a wink. "Bumili lang naman ako ng inumin at donuts para sa mga bata," I added.
Naghiyawan naman agad ang mga bata nang marinig ang sinabi ko. Hindi nagsalita si Ziena, pero nakita ko siyang napangiti bago ibinaling ang tingin sa mga bata.
For the first time in my life, I feel like I did something good and meaningful.
This is all because of her. Ziena.
YOU ARE READING
Curse Of Love
RomanceDargan Series #4 Leonidas Dargan Leonidas is the youngest among the Dargan brothers. He is a man every woman adores so badly; that's why he treats women like toys that he can dispose of easily. But tables will turn, and he will experience...