Chapter 3

1K 64 54
                                    

Nagpatuloy lang ako sa pag-inom, habang abala pa rin sila pag-uusap. Hindi ko rin naman maintindihan ang mga pinag-uusapan nila, dahil may kani-kan'ya silang mundo.

"Hi," Ziena suddenly whispered to me.

"Hey," I shortly answered.

"Ganiyan ka ba talaga?"

Maang akong napatingin sa kan'ya, "What do you mean?

"Aloof. Cold. And parang walang ganang makipag-usap sa kahit na sino," she casually said.

"Yeah, you could say that," I said, then I drank my brandy.

"Sa tingin ko, hindi ka naman talaga ganiyan. Kailangan mo lang ng kausap."

Napalingon ako sa kan'ya dahil sa naging sagot niya.

"Can I have a drink?" pag-iiba niya sa usapan ng hindi ako sumagot agad.

Kumuha ako ng baso at nilagyan ito ng brandy bago ko iniabot sa kan'ya.

"Thanks," she said, bago kunin ang baso sa kamay ko at agad na ininom.

Kailangan ko nga ba ng kausap?

"May iba ka pa bang gusto?" bigla na lang itong lumabas sa bibig ko.

"Gusto ko sanang sumayaw, p'wede mo ba akong samahan? Mukha kasing masayang masaya 'yong mga sumasayaw na 'yon, oh," she pointed to the couple dancing near our table, "Kung okay lang naman sa 'yo. If ayaw mo, okay lang din," then ininom niya ulit 'yung nasa baso niya

Kakaiba ang babaeng ito. She's talking to me without even having a bit of flirtatiousness in her words or actions. Hindi gaya ng mga babaeng nakasama ko noon dito sa bar na halos hubaran na ako.

She's interesting.

"Okay, come on."

I offered her a hand. Na agad niya namang kinuha. 

"Oh, saan kayo pupunta?" Al asked, pero hindi na kami nag-abalang sumagot.

Pumunta kami sa gilid ng dance floor. Nakatayo lang kaming dalawa, habang magkaharap. Para kaming na-estatwa sa kinatatayuan namin.

Isa na naman yatang maling desisyon ang nagawa ko sa buhay.

"I don't know how to dance," I said.

Why did I join her, anyway?

"Hindi rin naman ako marunong," she giggled.

"Then why did you ask me to dance with you here?" I asked.

"First time ko kasing pumunta sa ganitong lugar, kaya gusto ko sanang sulitin. Alangan naman uminom na lang ako ro'n hanggang mamaya? 'Di ba? Eh, hindi naman talaga ako umiinom," she casually answered.

I unknowingly shook my head while smiling a bit. Kakaiba talaga ang babaeng ito.

"Fine, try to dance. I'll stay here with you, para may kasama ka," mas lumapit ako sa kan'ya ng kaunti.

"Hindi ka sasayaw?"

"I told you, I don't dance," I seriously answered.

"Eh, 'di mag-isa lang ako? Baka lalo naman akong magmukhang tanga niyan?" she crossed her arms in front of her chest.

"Hindi mo ba nakikitang maraming sumasayaw sa tabi mo?" I sarcastically asked.

"Sabi ko nga."

She started moving her hips slowly from left to right, sinasabayan niya ang beat ng malakas na music. She's wearing a black fitted dress, kaya halatang halata kung matigas ang katawan niya at hindi siya nakasasabay sa tugtog.

Marunong naman pala siyang sumayaw, taliwas sa sinabi niya kanina. And her body knows how to vibe with the music.

Nagsimula niyang igalaw ang mga kamay niya na parang may isinasayaw na kung ano sa hangin habang bahagyang tumatalon talon pa.

She's weird, but again, I found myself staring at her. Watching her as she danced full of happiness.

Her long, wavy hair is dancing with her, making her look like a bubbly fairy dancing with butterflies and bees. Her brown eyes were shining whenever the lights hit them, like they were sparkling.

And what the hell am I saying?

Nang sa wakas ay tumigil na siya sa pagsayaw ay tumigil na rin ang mga weirdong bagay na naiisip ko kanina. Lumapit siya sa 'kin.

"Balik na tayo sa table. Okay na ako," she said while smiling.

"You really look like you enjoyed it," I commented.

"Nag-enjoy talaga ako," she bragged, bago na naunang bumalik sa mesa namin.

"Nag-solo kayong dalawa, ah!" bungad sa 'kin ni Al pag-upo ko.

"Pinilit niya lang ako," I answered before I poured some brandy into my glass.

"Hindi, ah. Inaya kita, at pumayag ka naman. Kaya hindi pamimilit iyon," matapang niyang sagot.

"Ayon naman pala, eh!" patawa-tawang sagot naman ni Al.

"Nonsense," I lifelessly answered.

I started drinking again, and I don't know how many glasses of wine and brandy I've already drunk. Hindi rin naman ako basta-basta malalasing, kaya ayos lang.

"Link? 'Di ba, si Izza 'yon?" mabilis akong napaangat ng tingin nang marinig ko ang sinabi ni Al.

Lumingon ako sa direksiyon na tinuturo niya. And he's right; she's really damn here.

Ano naman kaya ang ginagawa niya rito?

"Hello, everyone," she greeted. Nang makalapit sa'min.

"What are you doing here, Izza?" Link asked her.

"I'm here to talk to Leo," she answered, habang nakatingin sa akin.

"I'm not going to talk to you," I coldly replied.

Ininom ko ang natitirang laman ng baso ko at agad nang tumayo. Tinalikuran ko sila at nagsimulang maglakad palayo nang hilain ako ni Link mula sa likod, sabay suntok sa mukha ko, dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"Ikaw na nga itong may kasalanan, ikaw pa ang may tigas ng mukha na bastusin ang kapatid ko?" singhal niya sa 'kin.

Mabilis akong tumayo at gumanti nang suntok. Napaupo rin siya sa sahig sa lakas ng pagkakasuntok ko.

"Shut the fuck up, you fool!" I screamed.

"Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikitang nagsisi ka sa ginawa mo, Leo! I'll make sure you'll regret what you did!"

Napatawa na lang ako sa sinabi niya. He doesn't know what he's saying. Wala naman silang alam. They act and talk as if they know everything.

What a bunch of bullshits.

Bumangon din siya agad at sinugod ako ulit.

We continued to punch each other, kahit pa nagsimula nang dumugo ang mga mukha at kamao namin. He's punching me hard, and I'm punching him harder.

I'm already getting tired of punching his stupid face, pero wala pa akong balak tumigil. Kanina pa rin kami inaawat, pero wala rin akong balak magpaawat.

"You're a fucking bullshit," I groaned.

"You're a complete mess, Leo! You're stupid! You don't deserve to be loved nor to live! You should burn in hell, you idiot!"

"Tama na, please!"

Natigilan lang kami nang biglang pumagitna sa'min si Izza. She's crying while holding both of our fists.

I almost punched her in the face.

"Tama na. I'm sorry, Leo. I'm really sorry," she started crying. "Kaya. Please, tama na," she pleaded.

"Why are you saying sorry sa tarantadong 'yan?" singhal ni Link.

"Tama na, kuya. Please.."

I just smirked, at hinawi 'yong kamay Izza na nakahawak sa 'kin. Pinalala niya talaga ang lahat ng bagay.

"Nonsense," I said, bago ko sila talikurang lahat. 

Hindi na rapat siya pumunta rito.

Curse Of LoveWhere stories live. Discover now