Chapter 11

1K 47 0
                                    

Ziena's POV 
 
Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko kay Leo kaya mas minabuti ko nang hindi sumagot. Nabigla rin kasi ako sa sinabi niya at hindi ko talaga inaasahan na sasabihin niya sa 'kin ang mga iyon. 
 
It's weird, but I can feel that his words are genuine and true. Like he really meant what he said. 

Lalo na no'ng tumingin ako sa mga berde niyang mata, hindi ko alam kung bakit pero parang nalulunod ako sa mga iyon. Parang sinasabi sa akin na totoo ang lahat at hindi niya lang ako pinaglalaruan.
 
But I can't, I can't and I should never fall for his words. I really should never. Besides, kakikilala lang naman namin kaya impossible na seryoso talaga siya sa mga sinabi niya kanina. Tama. I'm sure he's just up to something. 
 
At kahit pa nakuha niya na ang katawan ko, hindi p'wedeng bumigay ang puso ko. Hindi p'wede.
 
Dahil kung totoo ang mga bagay na alam ko tungkol sa kan'ya, sa huli ako lang din ang magiging kawawa kapag nahulog ako.
 
Tita Winona calling...
 
"Z-Ziena, si Vini," halata ang pag-aalala sa boses niya. 
 
"Ano po'ng nangyari?" 
 
"I-Iniwan ko lang siya sa labas ng bahay habang nagluluto ako, ang s-sabi niya makikipaglaro lang siya mga bata sa kapitbahay," she almost cried. "...p-pero paglabas ko, wala na siya. Ang sabi ng mga bata may lalaki raw na nagsama sa kan'ya. Mukhang kilala niya dahil kusa naman daw sumama si Vini. Hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin, Ziena." 
 
I closed my eyes while taking a deep breath before I let out a deep sigh. 
 
"Hintayin n'yo po ako, tita. Pupuntahan ko po kayo." 

















Leonidas' POV 
 
It's been a week since we last spoke. I've been texting Ziena for the past few days, but she hasn't responded to any of my messages. 
 
Ano kaya'ng nangyari sa kan'ya? Ilang beses ko rin siyang pinuntahan sa bahay nila, pero walang sumasagot at ilang araw na rin daw walang umuuwi roon ayon sa kapitbahay nila. 
 
Ano naman kaya'ng nangyari sa kanila? 
 
Ngayon pa siya biglang nawala kung kailan alam ko na ang halos lahat tungkol sa kan'ya. 
 
I hired a private investigator to gather her personal information for me because I badly wanted to know everything about her. 
 
Wala naman akong nalaman na masama tungkol sa kan'ya. Walang mga kaso na tinatakasan, at wala ring record sa kahit saang barangay dito sa San Catalia. Pero nalaman ko na malaki ang utang na binabayaran niya hanggang ngayon, dahil sa pagka o-ospital ni Vini noon. 
 
I heard a knock on the door.
 
"Sir Leo, may naghahanap po sa inyo. Ziena raw po ang pangalan," Wanda announced.
 
Awtomatik namang nag-iba ang timpla ko nang marinig ko ang pangalan niya. Ilang araw niya akong tinaguan tapos ngayo'y nandito siya at pinuntahan ako? Ibang klase talaga ang babaeng ito.
 
"Papasukin mo," I authoritatively said.
 
"Okay, po, sir," she answered. "Pumasok ka na raw po, Miss Ziena," I heard she say to Ziena. 
 
Dahan dahan namang bumukas ang pinto ng k'warto. Pumasok din siya nang dahan dahan habang nakayuko at tila ayaw akong tingnan. 
 
"Why are you like that?" I seriously asked.
 
"A-Alin?" she stutteringly asked.
 
I loudly cleared my throat. "Why can't you face me?" 
 
"Nasisilaw kasi ako sa araw," pagdadahilan niya. 
 
"Wala namang araw dito sa k'warto ko dahil nakasarado lagi ang bintana," I stated. 
 
"A-Ano... kanina, sa labas," she pouted.
 
"Why are you lying, Saziena Aiquia Millani?" I coldly asked.
 
Halata naman sa mukha niya na nagulat siya sa pagtawag ko sa kan'ya sa buo niyang pangalan. 
 
"Hey! How did you know my full name?" she shouted at me.
 
I grinned, "Saziena Aiquia Millani, 23 years old. You didn't graduate because you have to work to provide for your younger sister. You're now working at a convenience store, and you recently worked as a call center agent but you got fired because of your absences. Which is again, because you have to take care of your younger sister since the only relative you have, which is your Aunt Winona, can't take care of your sister for a long time because of her age. While working at a convenience store, you also work as a part-time model in different brands and cosmetics." 
 
Lalo naman siyang nainis dahil sa rami nang sinabi ko tungkol sa kan'ya. 
 
"Paano mo nga nalaman lahat 'yan?!" parang uusok na ang ilong niya sa inis. 
 
"Easy, I just want to know everything about you; that's why I hired an investigator to gather your personal information for me," I calmly explained. 
 
"You should've asked me for it; hindi 'yong gumamit ka pa ng ibang tao para malaman lahat nang 'yan," asik niya sa 'kin. 
 
"If ever I asked you for it, would you tell me?" I raised my left eyebrow a bit. 
 
"Hindi..." 
 
"See? Alam kong iyan ang isasagot mo." I shook my head a bit. 
 
"Still... hindi mo rapat ginawa 'yan," asik niya ulit.
 
"Gusto ko ngang malaman lahat ng tungkol sa iyo, kaya ko iyon ginawa," paglaban ko.
 
"Tsk."
 
Sandali siyang nag-isip at parang biglang nataranta.
 
"Wait. Ano pa'ng nalaman mo bukod diyan? May nalaman ka pa bang iba? Kahit ano na tungkol sa akin? Sabihin mo na rin," she suddenly fired me with questions. 
 
"Na marami kang utang na binabayaran hanggang ngayon dahil nagkasakit noon si Vini?" I innocently asked.
 
"Bukod riyan, ano pa?" 
 
"Na 'yong bahay na tinitirhan n'yo ngayon ay galing sa Aunt Winona n'yo?" I said, as a question again. 
 
"Ano pa? May iba pa?" 
 
"Ano ba'ng gusto mong sabihin ko? May hindi ba ako rapat malaman na maaaring nalaman ko na?" naguguluhan kong tanong. 
 
Umiwas siya nang tingin, "W-Wala naman."
 
"Wala naman pala. Pero bakit parang kinakabahan ka?" pag-uusisa ko. 
 
"Hindi naman..." sagot niya. "Nahihiya lang din ako na nalaman mo pa pati pagkaka-utang ko." 
 
"Ayon lang ba? Mabuti nga na nalaman ko para mabayaran ko na para sa iyo," I casually answered. 
 
"Ayoko nga, hindi p'wede," she reprimanded. 
 
"Bakit naman?" I unknowingly asked.
 
"Kasi ayoko... ayokong tumatanggap ng pera na hindi ko pinag-trabahuan," she explained. 
 
"Hindi naman mali na humingi ng tulong kapag nahihirapan ka na," I contradicted. 
 
"Totoo, pero ayoko pa rin. 'Tsaka, kaya ko naman na iyon. Patapos ko na ring bayaran, kaya h'wag ka nang makulit," she said with a death glare.
 
"Oo na, ikaw na ang bahala," I surrendered. 
 
"Tara, may pupuntahan tayo." 
 
Hinila niya na ako palabas ng k'warto bago pa man ako makasagot. Ang weird talaga ng babaeng ito. 
 

Curse Of LoveWhere stories live. Discover now