Nagising ako dahil sa sobrang init. Nasa impiyerno na ba ako? Hindi ko rin magawang imulat ang mata ko dahil parang pagod na pagod ang mga ito at walang balak bumukas. Bahagya ring masakit ang ulo ko.
Umupo ako at nagsimulang alisin sa pagkaka-butones ang polo ko, habang nakapikit pa rin ang mga mata.
"Leo? Gising ka na ba? Or nananaginip ka lang?
Natigilan ako sa pag-alis ng butones at agad na napamulat ng mata.
"Gising ka na nga! Buti naman. Magdamag ka nang tulog, eh," she uttered.
Nakatayo siya sa may pinto habang may hawak pa na sandok sa kaliwa niyang kamay. Naka-messy bun ang mahaba niyang buhok at nakasuot ng dilaw na bistida.
Mas bagay sa kanya ang ayos niya ngayon. Simple lamang at walang make-up, pero mas angat ang ganda niya.
Wait, did I just say she's pretty?
"Tapos ka na bang titigan ako, Leo? Baka matunaw na kasi ako at hindi na maka-luto," she laughed.
I shook my head to wake myself. Napapadalas na 'yata talaga ang pag-iisip ko ng mga weirdong bagay.
I cleared my throat. "I'm not staring at you," I seriously mouthed out while rebuttoning my polo.
"Eh, ano 'yung ginawa mo kanina?" nakapa-meywang niyang tanong.
"I did stare. Pero, hindi sa iyo. Sa pinto," I blabbered.
Napatawa naman siya habang umiiling-iling. Madalas talaga itong matawa sa mga sinasabi ko. Minsan pakiramdam ko tuloy, may sense of humor na ako.
"Anyway, what am I doing here?" pag-iiba ko sa usapan. Natigil naman siya sa pagtawa.
"Ah, ganito kasi 'yan. 'Di ba, kagabi nagkagulo kayo sa bar. Tapos..."
"Ate, 'yong niluluto mo!"
Natigil siya sa pagsasalita ng may sumigaw mula sa baba. Bigla namang parang may higante na naglalakad dahil sa ingay nang paa ng taong paakyat.
Sa liit nitong bahay nila, talagang maririnig mo ang lahat. Ilang hakbang lamang din mula sa kama ang pinto, at ilang hakbang lang ang pinto mula sa hagdan.
Halos kasing laki lang yata nitong k'warto nila ang banyo ko sa opisina.
"Ate, sunog na po 'yong itlog na niluluto mo. Ano nang kakainin natin niyan?" nakapa-meywang nitong tanong kay Ziena.
I can remember her. Siya 'yong kasama ni Ziena noong una ko siyang nakita.
"I-kalma mo. Sunog lang naman 'yon, makakain pa rin," Ziena sarcastically answered.
"Sunog pa rin po! Inuuna kasi harot, eh!" asik naman nito sa kanya.
"Aba, Vini! Gina-ganiyan mo na ako ngayon?"
"Totoo naman po, eh! Porket, may inuwi ka pong g'wapo rito sa bahay. Nasunog na po 'yong itlog mo."
I unknowingly laughed a bit while watching them.
Ang weird ng magkapatid na ito. But I'm somehow amazed, dahil kahit nag-aasaran sila, magalang pa ring sumagot itong si Vini sa ate niya.
"Tumatawa ka, Leo?" biglang baling sa 'kin ni Ziena.
I fakely coughed. "I'm not. Inubo lang."
"Hi po, kuya!" Vini greeted me while smiling widely.
"Hey," I shortly replied.
"Bahala na nga kayo riyan," nagsimula na siyang maglakad pababa.
"Pahiramin mo na lang pala siya ng kahit anong t-shirt ko riyan para makapag palit siya! Tapos sumunod na kayo rito sa baba!" pahabol niya habang bumababa.
YOU ARE READING
Curse Of Love
RomanceDargan Series #4 Leonidas Dargan Leonidas is the youngest among the Dargan brothers. He is a man every woman adores so badly; that's why he treats women like toys that he can dispose of easily. But tables will turn, and he will experience...