Chapter 13

1K 47 0
                                    

We spent the day together. We watched cartoons and played scrabble, which became a rumble since Vini kept on creating words that doesn't really exist.

So the game ended when Ziena lost her patience and just told Vini to sleep early. They are really weird—but cute.

"Hindi ka pa ba uuwi? Tulog na si Vini kaya wala nang mangungulit at pipigil sa iyo," Ziena said, before sitting beside me on the sofa.

I stared at her. "P'wede bang dito na lang muna ako? Parang ayoko muna kasing bumalik sa Leon's."

Tinaasan niya naman ako ng isang kilay. "Ano naman ang gagawin mo rito aber? Ma b-bore ka lang dito lalo, Leo."

"Nah, I don't think so."

"At bakit naman hindi? Eh, wala ka nga rin namang gagawin dito?" pagtataray niya.

Paano kung kagatin ko ang labi niya sa tuwing tatarayan niya ako nang ganito?

Wala sa sarili akong napakagat sa labi. At mukhang napansin niya naman agad ang ginawa ko. Binato pa ako ng unan sa mukha.

"H'wag mo nang ituloy 'yang iniisip mo dahil ayoko, Leonidas! Umuwi ka na lang!" asik niya sa 'kin.

Nabasa na naman ba niya ang naiisip ko? Ibang klase talaga ang babaeng ito.

"Why? Ano ba'ng naiisip ko? Baka ikaw ang may ibang naiisip diyan," I teased her.

"At ano naman ang iisipin ko? 'Yang matitigas mong abs at malaki mong ano—" napakagat siya sa labi at parang nahihiya sa sinabi niya.

So she's still thinking about what we did that night?

"Ano? Bakit hindi mo maituloy?" I mischievously grinned.

"W-Wala! Bahala ka nga riyan!"

Akmang tatayo na siya pero mabilis ko siyang hinila palapit sa akin. Napa-kandong siya sa ibabaw ng hita ko at agad ko naman siyang niyakap.

"Ginayuma mo ba ako, Ziena?" wala sa sariling tanong ko.

"H-ha? Ano ba'ng pinagsasabi mo?" nag-aalangan niyang sagot.

"Because I've never felt this way before. You're the only woman who made me this crazy and weird," I seriously whispered.

"T-Teka? B-Bakit kasalanan ko pang nababaliw ka? Ilang beses mo nang sinabi 'yan, ha," she stuttered.

"Dahil nakababaliw ka. At dahil gustong-gusto na kita, Ziena."

Rinig na rinig ko kung paano bumilis nang sobra ang tibok ng puso niya nang sabihin ko ang mga iyon. Sumabay pa ang tibok ng puso ko na parang nakikipag-habulan sa tibok ng puso niya.

Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari sa akin. Kung paano ko nagagawang maging ganito at kung paano ko nasasabi ang mga ganitong salita.

Pero ang sarap sa pakiramdam ng presensya niya sa tabi ko at parang ayaw ko na siyang mawala.

"Para ka talagang ewan, Leo," she said, after some minutes.

"Bakit naman?" I innocently asked.

"Kailan lang ay para kang bato na walang pakiramdam, tapos ngayon sinasabi mo na sa akin ang mga 'yan? 'Di ba, parang ewan," she shook her head a bit.

"Wala, eh. Hindi ko na nga rin maintindihan itong nararamdaman ko. Sa maiksing panahon lang, parang nabago mo na ako nang lubusan. Minsan nga'y parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Pero..." I hugged her tighter. "Masaya. Masaya ako rito."

Natahimik siyang muli. Nakatingin lang siya sa pader na parang nag-iisip nang sasabihin. Gaya no'ng una kong sinabi sa kan'ya na nagugustuhan ko na siya.

Curse Of LoveWhere stories live. Discover now